Chapter 5

4K 68 0
                                    

Mailap lagi ang antok sa kanya. Lagi kasi niyang naiisip ang dalaga. Nag-aalala siya rito. Medyo nainis siya ng hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero kahit na ganoon, he still misses her. Halos ilang linggo na ang nakalipas magmula ng matulungan ito.

"Hello, Babe! Are you free?" tinawagan na lang niya ang GF niya. Mag tutwo years na sila nito.

"Yes, Babe!" sagot ni Roxanne.

"Come here in my condo"

Lumuwas muna siya sa Manila. Baka sa pag-alis niya ng San Agustin, makalimutan niya. Pero wala pa ding epekto.

Two hours later ay may narinig na siyang kumatok sa pinto.Binuksan niya ito. Agad yumakap si Roxanne sa leeg. Hinalikan agad siya ng dalaga. Kapag kuwan ay bumulong.

"I miss you, Babe. And I want you..." sabay halik ulit sa labi niya.

Tinugunan niya agad ang halik ng dalaga. They kissed passionately. Binuhat ito ni Justin.Agad namang pumulupot ang mga binti nito sa bewang ni Justin. Hindi na sila nakapasok pa ng kwarto. Sa sofa, doon nakaupo si Justin. Habang si Roxanne ay nakaupo sa kandungan niya. Ang dalaga na mismo ang naghubad ng T-shirt ni Justin. Half naked na ngayon si Justin habang hindi napupugto ang halikan nila. Gumapang ang kamay ng binata. Tinanggal ang bitones sa likod ng suot na dress ng dalaga upang mahubad niya ang damit ng dalaga. Akmang tatanggalin na niya ang pagkahook ng bra nito ay biglang nagsink-in ang mukha ng dalaga. Agad niyang natulak ng hindi sinasadya si Roxanne.

"Ouch!" naka-pout pa ito. Habang hinihimas ang pwet na tumama sa floor.

"Oh! Sorry, Babe." Inalalayan niyang makaupo ito.

"Are you, ok?" tanong niya dito.

"Wow! May gana ka pang magtanong. Siyempre, hindi ako ok. Ang sakit kaya ng pwetan ko." Umirap ito at sumimangot.

"Sorry! Bigla ko lang kasi naalala na may gagawin pa pala ako..." pagdadahilan niya.

Pinagpawisan siya ng malagkit. Pero ang totoo, nakokonsensya siya. Parang pakiramdam niya ay niloloko niya ang dalaga. Kahit wala naman silang relasyon.

"Why am I acting like this? Nababaliw na talaga ako." naisip ni Justin at nahilamos ang mukha.

"Dito ka na lang matulog... Magshower lang ako."

Agad na pumasok ng shower room. Nilunod na lang niya ang sarili sa shower. Hindi siya ganito dati. Kapag nagsex sila ni Roxanne, excited agad siya pero ngayon ay parang may guilt sa puso niya. Pakiramdam niya ay niloloko niya ang dalaga.

............................................................

Ngayong gabi na magsisimula ang duty ni Bernadette ng pagiging waitress. Ni sa panaginip ay hindi niya naisip na magsusuot siya ng mini dress na halos kita na ang kaluluwa niya. Hindi kasi siya sanay. Halos balot ang suot niya. Naka T-shirt at jogging pants or tukong shorts ang nakagawian niyang suotin pero ngayon ay kailangan niyang magsuot ng ganito. Hinagod niya ng tingin ang sarili sa salamin na pangwhole body. Napangiwi siya! Ramdam niya ang hangin. Kita kasi ang cleavages niya. Maganda ang pagkakaform ng breast niya. Ang vital statistic niya ay 34, 26, 36. Maganda pa ang hugis ng legs niya. Kahit morena ang kulay niya ay makinis naman.

"Wala ka bang balak na lumabas diyan?" hiyaw ng babae sa labas ng dressing room at katok ng katok. Binuksan niya ang pinto. Nakita niya ang isang babae na nakataas ang kilay.Halatang irita ito.

"Tumabi ka nga sa daanan at magbibihis na'ko."

Binangga pa siya nito bago pabalagbag na sinara ang pinto.

"Nako! Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho baka nasapak ko na ang babae na 'yon!"

Huminga ng malalim si Bernadette saka pumunta ng office. Sabi kasi ng manager na si Philbert. Ito ang nakausap niya, pinadiretso muna siya sa office nito.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon