Chapter 64

2.6K 53 0
                                    


Pag labas ni Bernadette sa wash room nakita niya si Justin na hinihintay siya sa gilid ng pinto.

"Anong ginagawa mo pa rito? Dapat nauna ka na"

Maayos na rin ang mukha nito. Wala ng bakas ng lipstick niya. Nagulat si Bernadette ng hapitin ang bewang niya ni Justin at sinubsob ang mukha sa leeg niya.

"A-Anong ginagawa mo?"

Nanlaki ang mata ni Bernadette nang kagatin at sipsipin ni Justin ang balat niya roon.

"Bakit mo ginawa iyon?" 

Sama ng tingin ng dalaga kay Justin. Lumapit ulit si Justin kay Bernadette para bumulong.

"To mark what is mine?"

Nakatuon ang tingin nang binata sa leeg ni Bernadette. Kaya kinapa niya ito. Kinuha niya ang face powder at ginamit niya ang salamin doon para makita ang nasa leeg niya. Nanlaki ang mata niya ng makita na my kiss mark doon marami.

"JUSTINNNNN... " hiyaw ni Bernadette sa binata na nag lalakad na palayo sa kaniya.

Saglit na lumingon ito sa kaniya para ngumisi saka tumalikod ulit. Nang gagalaiti si Bernadette sa binata.

******************

"Nasaan na ba si Bernadette?" Si Lauro at nililingat niya ang paligid.

"Ayaw mo ba akong kasama?" Nakasimangot na sabi ni Clarize.

Nilingon siya ni Lauro.

"Ako ba? ayaw mo akong kasama. Kaya si Justin ang date mo?" Balik tanong ni Lauro. Seryuso ang mukha nito.

"T-Teka! Ako ang unang nagtanong kaya dapat sagutin mo ako" naiilang na sabi ni Clarize.

Mag sasalita na sana si Lauro kung Hindi lang dumating si Bernadette na ang sama nang mood.

"Lauro. I need to go home " sabi ni Bernadette.

Tumayo si Lauro.

"Lets go I'll take you home "

"No need. Mag taxi na lang ako. Nasira na ang gabi ko. Lalong masisira ang gabi ko. Kapag hindi pa ako umuwi " badtrip na sabi ni Bernadette.

Hinawakan ni Lauro sa braso si Bernadette.

"No, hahatid kita. Mamaya mapaano ka pa!" Nag aalalang sabi ni Lauro.

"OK.. What about her?" Tukoy ni Bernadette kay Clarize na nakabusangot.

Walang buhay at saglit na sinulyapan ni Lauro si Clarize saka binalik ulit ang tingin Kay Bernadette

"She had a date. I think yon na ang maghahatid sa kaniya " walang buhay na sabi ni Lauro.

"Magpapaalam mo na tayo kila John at Alysa" sabi ni Bernadette.

Inalalayan na siya ni Lauro papunta sa kinaroroonan nang mag asawa nang biglang may humablot nang braso ni Bernadette.

"I'll take her home Bud " si Justin.

Seryuso ang mukha nang hudas. Sinamaan nang tingin ni Bernadette ito at hinila ang braso mula kay Justin ngunit hindi parin siya binitawan.

"No, tara na Mr. Veterinarian."

Matigas na tanggi ni Bernadette at binabawi ang braso. Ngunit hindi pa rin siya nagtagumpay.

"Ako ang mag-uuwi sa kaniya, Bud. Ikaw ng bahala kay Clarize " sabi ni Justin.

Nagulat si Bernadette ng hilahin siya ni Justin. Kaya nagpupumiglas si Bernadette.

MARIA BERNADETTE ALCANTARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon