Cʀᴀᴢʏ
Sᴀᴛᴜʀᴅᴀʏ is ᴍʏ ᴅᴀʏᴏғғ. Wala akong maisip na pweding gawin kaso nang maalalang maaaring narito si Hrothgar buong maghapon, hindi ko na napigilan ang pagsasaya. I expect that he is off from work, too!
Kaya naman malaki ang ngiti ko nang magtungo ako sa kusina para mag-agahan ngunit napawi rin nang wala akong naabutang Hrothgar.
Where is he? Still working even during weekends? At saan naman kaya siya nagtatrabaho?
Bagsak ang balikat ko habang nagtitimpla ng kape nang namataan ko si Mary na naglalakad patungo sa'kin, dala ang isang walis tingting.
"Magandang umaga, Ms. Demeter!" masigla niyang bati, tumango ako.
"Morning," I shortly replied.
"Gusto n'yo po bang gawan ko kayo ng sandwich?" she offered with all smiles.
Tumabi siya sa'kin at umambang tutulong ngunit pinigilan ko na.
"I'm fine, Mary. I can manage. Nga pala, the house seems silent. Nasaan ang iba?" I asked, frowning.
Kung hindi lang dumating si Mary, iisipin ko talagang ako lang ang taong nandito ngayon.
"Ah! Nililinis 'yong bagong opisina ni Engineer."
Ah, 'yong sa library. I suddenly thought about how odd it was. Halos liblib na 'yon kaya bakit naisipan niyang iyon na lang ang gawing opisina?
Maybe he doesn't really want to be disturbed. At baka gusto niya ang mas tahimik na lugar para mas madaling matapos ang trabaho. Knowing Hrothgar, he is the type of a silent person. It is a wonder to me how he managed dealing with me years ago.
Napaka-ingay ko noon at todo ang pagtitiis n'ya sa magaspang kong pag-uugali. Nang mapagtanto kong masyado nang naglalakbay ang utak ko ay ipinilig ko na ang aking ulo.
"Gusto n'yo po bang tingnan? Ang ganda-ganda na kaya, ibang-iba sa dating maalikabok na mga shelves!"
I immediately shook my head. I don't think he will be happy to see me right there. He might just get annoyed and decide to drive me out of this house.
"Nasaan naman si Engineer?" kunwari walang malisya kong tanong.
"Nasa Maynila na po! Kaninang madaling araw lang umalis."
Napatigil ako sa ginagawa. Umalis na pala? He's gonna be back, right? He might just be attending an important meeting over there. Pakiramdam ko tinutusok ng karayom ang puso ko. Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang. Higit sa lahat, pagkabigo ulit.
Is it hard to tell me that he is leaving?
"K-Kailan ang balik?" I don't know how to react normally. Hindi ko rin maintindihan ang sarili kung bakit dinaramdam ko 'to nang ganito.
"Hindi po siya nagpasabi, eh." Bigo siyang umiling.
"Wala ba siyang ibinilin?" I asked in a damn hopeful tone.
Saglit siyang nag-isip at kalaunan ay umaliwalas ang mukha. "Linisin daw 'yong office-"
"No, Mary." I cut her off. "I mean..."
Shit, how should I say this? Kasi naman baka may ibinilin siya? Iyong hindi ako pweding magutom o kailangang maaga akong uuwi at matutulog?
What the hell, Dem?! At talagang ang layo ng nilakbay ng imahinasyon mo, ano? 'Di ka na nahiya!
My cheeks flushed bright red, I had a hard time finishing what I was about to say. Crap! My thoughts are all ridiculous! Really? You are expecting him to still care for you? In spite of everything?
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomanceR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...
![Recapturing You [RCS#1]](https://img.wattpad.com/cover/138245524-64-k626046.jpg)