Chapter 37

5.6K 167 9
                                        

Center

I tied my wavy hair into a messy pony tail after putting on my sports bra, black, gym shorts, and white rubber shoes. Sa ilang buwan, ngayon ko ulit naisipang bumalik sa pag-wo-work out. Wala akong magawa ngayong umaga, hindi ko rin alam kung ngayong umaga o mamayang gabi ba ang uwi ni Hrothgar.

We talked on a call last night. Kinumbinsi pa ako ni Benny na sumama sa kanila ni Amanda para makapagpa-member sa gym ng kaibigan ni Apollo pero tumanggi na ako. Hindi naman sa sinusunod ko ang sinabi ni Hrothgar.

It's just that... his punishment is still fresh to me. Gan'on pa rin ang epekto sa'kin, umiinit pa rin ang pisngi ko sa kahihiyan. He was so damn eager and a bit harsh. Not to the extent of hurting me, though.

Pagkapihit ko pa lang sa salamin na pinto ng gym room ni Hrothgar, napanganga na ako sa ayos n'on. Kumpleto nga kagaya ng sinabi niya bago umalis patungong Vincenzo.

There were treadmill, chin up bar, dumbbells, and elliptical trainer. There was also a barbell, and a bench where I could lay down. Gawa rin sa metal ang locker na nakalagay sa gilid ng naglalakihang salamin. Mayroong bench na pweding pagpahingahan. Maaliwalas ang paligid dahil sa mga modernong ilaw kung saan lalong kumikintab tingnan ang sahig.

Halos makita ang kabuuan ng silid sa laki ng salamin. Sa kaliwa ay tatlong racks, kumpleto ang iba't-ibang klase ng tuwalya. Sa kabilang panig naman ay wall mounted, flat screen TV, kulay abong sectional sofa, sofa bed, at glass coffee table. Sa kanan nito ay refrigerator at may isang pinto pa, siguro'y banyo na.

Naisipan kong gamitin na lang 'yong treadmill, nakailang ehersisyo lang ako at nakaramdam na kaagad ako ng pagod kaya naman kumuha na lang ako ng bottled water sa refrigerator.

Nang napadaan sa naglalaparang salamin, natigil ako roon para tingnan ang kabuuan ng katawan. Marahan kong dinama ang tiyan. Wala namang baby fats. Kalaunan, tinitigan ko ang dibdib. Napangiwi ako nang maalala ang sinabi ni Benny noon na pang-highschool daw ang boobs ko!

I never aimed for bigger ones but I secretly wanted to achieve the average size of it. Is there even a way to enhance them without surgeries? I'd prefer the natural way. Sabi ni Benny, may ehersisyo raw na pampalaki n'on! Tangina.

Bumaba ang tingin ko sa katawan kong hindi gan'on kaganda ang kurba. Nelly's perfect curves made me feel bitter. Kahit sa simpleng damit, nahahalata ang hubog ng katawan ng babaing iyon. Naku, dapat mas igihan ko rin ang workouts para naman kumurba din ang katawan ko.

Tinapik ko ang mukha at umiling.

"Gosh! Stop being insecure, Dem! You look good, okay?" kumbinsi ko sa sarili.

Should I start dieting? Baka nitong nakaraang mga buwan ay hindi ako nag-ingat sa mga kinakain ko. Flat naman ang tiyan ko, hindi rin malaki ang braso ko. Mukhang hindi ko naman kailangan ng diet.

Marahan kong inilapag ang bottled water sa lamesa. Akmang babalik ako sa ginagawa nang mamataan ko si Hrothgar na prenteng nakatayo sa may pintuan ng gym!

Nakahilig siya sa hamba ng pinto, nakahalukipkip, tagilid ang ulo, nakanguso at titig sa'kin. Hawak pa ang ibabang labi habang pinapasadahan ng malisyosong tingin ang buong katawan ko.

Oh my gosh! Napahawak ako sa dibdib sa biglaang pagkalampag nito. Nahuhulog na yata ang puso ko sa sobrang kaba. At 'yong pinaggagawa ko sa sarili kanina!

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon