Different
I could still clearly remember every single detail. The time when we first met, the moment when we exchanged 'I love you's', up to the moment when I told my parents that Hrothgar was nothing but a plain friend to me.
Na sinakyan ko lang lahat, na binigyan niya lang ng ibig sabihin ang mga matatamis kong salita at akto sa kanya. Gan'on pala talaga kahirap magtago ng totoong nararamdaman.
It was an incomparable punishment .
The grief in his eyes and the succulence of disappointment on his face still brought a pang of pain in me. I had everything engraved on my mind.
I used to tell him that I would never ever look for someone else, but it was not fulfilled, too. The promises I made all turned into mellow ashes. Sa mga panahong lugmok na lugmok ako sa syudad, hinayaan ko si Thrym na lapitan ako. I gave him a chance to help me ease the excessive longing I had for Hrothgar.
Hinayaan kong si Thrym ang gumawa sa mga bagay na dapat si Hrothgar ang gumagawa dahil sa sobrang pangungulila ko. Patung-patong na nga ang mga kasalanan ko kay Hrothgar.
"H-Hrothgar..." I softly called his name, my fingers achingly quivered.
His eyes were as hard as steel... and as icy as the poles of the Earth. He wasn't affected even with my pleading tone. I simply understood that. I knew what he was coming from, wala ako sa lugar para magtampo sa ganitong trato niya sa akin.
"Leave." he coldly muttered. His massive back then faced me. "Tinapos mo na 'yon noon, 'di ba?"
Pakiramdam ko sinampal ako nang pagkalakas-lakas ng katotohanang pinili ko ngang matapos ang kung anumang mayroon sa'min imbis na ipaglaban iyon. Kinagat ko ang ibabang labi, patuloy na nilulunok ang bara sa lalamunan ko.
Tama nga naman. Duwag ka, Demeter! Kaya huwag kang nagrereklamo kung ganito siya sayo ngayon!
There was nothing to say anymore. It was both painful and shameful. Lugmok ang balikat ko nang pumihit na para lisanin ang silid. Bawat hakbang ko ay may kalakip na panghihinayang, sakit, at labis na pagsisisi. Muli kong nilingon si Hrothgar na nakatalikod pa rin, nakapamaywang at sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Humugot ako ng malalim na hininga at marahang isinara ang pinto ng library.
My tears immediately rolled down my cheeks. I could no longer feel my shaking knees. Namamanhid na ang dibdib ko sa sakit na bumabaha roon. I smiled bitterly and walked away from the library. He used to make me feel like a queen, he used to value me at true worth, but I wasted it all.
Magulo ang buhok ko at wala sa sariling nagtungo sa patio para aliwin ang sarili sa malamig na simoy ng hangin. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng mga kalmot na natamo ko mula kay Adele. Ngunit ang sakit n'on ay hindi nangalahati sa sakit na naramdaman ko nang nanariwa sa isipan ko ang nangyari ilang taon na ang nakalipas.
I could not believe how raw still the pain was. Walang pinagbago. Bawat dumadaang araw, lalo lamang sumasakit, lumalala, hindi magamut-gamot.
"Miss Demeter!" puno ng pag-aalalang tawag sa akin ni Mary na may dalang first aid kit.
Inayos ko ang buhok at tipid na ngumiti nang makalapit ito. Her meek face, full of concern, encouraged me to hang on because I still had somebody who always took my side here.
Isa pa, hindi kaagad ako aalis dahil lang sa pangyayaring ito. Susubukan ko pa, Hrothgar. Hindi pa ako susuko.
"Bakit 'di ka pumapasok sa loob? Malamig dito!" aniya at marahang hinaplos ang dalawang braso kong nahawaan na rin ng lamig.
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomanceR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...
![Recapturing You [RCS#1]](https://img.wattpad.com/cover/138245524-64-k626046.jpg)