Chapter 34

5.4K 171 25
                                        

Angry

Kung hindi lang ako nababalisa sa mga titig ni Hrothgar at sa presensya nito, paniguradong pinatulan ko na itong si Benny. Mainit ang pisngi ko nang tumalikod na para kunin ang mga cupcakes sa loob ng oven. Nang matapos, dumiretso ako sa coffee maker para sa kape ni Hrothgar. Nilingon ko siya, sa akin pa rin nakatuon ang kanyang malalim na mga mata.

"Ano'ng flavor ang sa'yo?"

"Anything," tipid niyang sagot. Hindi na ata kumukurap 'to sa katititig sa'kin.

Lalo akong napapasimangot samantalang mas nagkakaroon ng dahilan si Benny na laparan pa ang ngising malisyoso. Siguradong may naiisip na namang kalokohan ang isang 'to, nagpipigil lang at pilit na pinapapormal ang mga galaw.

Mabilis akong tumango at tumalikod ulit upang gawin ang kape nila. Kabado ako at nag-aalangan sa lasa ng timpla ko! Never in my life did I doubt the taste of my coffee!

I'm usually confident with the cupcakes and coffees that I serve to the customers because I often get positive feedback from them. But then, it's very different tonight! Engr. Hrothgar Baptiste isn't just a plain customer to me!

Siya ang lalaking bumili sa mansyon namin, ang lalaking tumangay sa puso ko, at ang lalaking nakakasakit ngunit nakakapagpasaya sa'kin nang husto! Ugh, stop it, Demeter.

Tatlo na ang ginawa kong kape sa pag-iisip na hihingi rin si Benny. Kung makainom pa naman 'yon, nagmimistulang mineral water lang ang nilalaklak. Tatlo hanggang limang beses yata sa isang araw siyang nagpapatimpla sa'kin.

Despite my trembling fingers, I still managed to carefully put the mug of coffee on the white table. God knows how many times I cursed at the back of my head for reacting this way.

I tried my very best to avoid Hrothgar's gazes at me. Hindi ko gustong nagkakalapit kami, lalong-lalo na ngayon na iritado pa rin ako sa kanya!

"Thank you!" maligayang saad ni Benny sabay kuha ng cellphone sa kanyang Gucci handbag. "I'll just get this call. Anyway, Engineer, enjoy yourself here! Libre na sa'yo 'yang kape. And Demmie, patikimin mo na lang din ng cupcake 'yang customer natin. Tingnan natin kung makatulog pa 'yan ngayong gabi sa sobrang sarap ng gawa mo."

"Benny!" pagalit kong saway at saglit na sinulyapan si Hrothgar na ngumunguso habang titig sa'kin.

Humalakhak lang ang magaling kong boss at pumihit na palabas ng kusina dala ang kanyang kape. Deafening silence occupied the kitchen. Umupo ako sa binakanteng silya ni Benny kanina, sa tapat ni Hrothgar. His captivating eyes bothered me big time. Tahimik niyang tinikman ang kanyang kape.

Tumikhim ako. "How is it?"

"It tastes really good." tipid niyang sagot, abala sa pagsuri sa akin ng tingin.

Napairap na ako, pakiramdam ko kasi napipilitan lang siya. He could just directly tell me that he didn't like its taste! Sanay naman ako sa gan'yang mga pananalita niya. Bakit kailangan pang makipagplastikan? Tss!

"No plans for tonight? Bar?"

He swallowed first before answering. "Kagagaling ko lang doon, tumambay lang ako saglit."

Umangat ang isang kilay ko. Nagbabadya na naman ang pag-ikot ng mata. "That was quick. Didn't you enjoy? Sa ibang kasama ninyo?"

Umiwas ako ng tingin nang madiinan ko ang mga salitang 'ibang kasama'. Minura ko na ang sarili kung gaano ako ka istupido. The asshole might think that I still care about his womanizing habits!

"Hmm, ibang kasama? Alin doon?" Ngayon, nahihimigan ko na ang aliw sa kanyang boses. Tumaas ang isang kilay niya at tumagilid ang ulo.

Tumiim-bagang ako. Alin bang kasama? Kung gan'on, may iba pa maliban sa mga lalaking ka-officemates niya! Mga babae ba? Babairo talaga!

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon