Chapter 38

5.6K 181 11
                                        

Unaccepted

"Will you be staying here before you go to work later at night?" tanong ni Hrothgar habang nag-aagahan kami.

Napansin ko ang mapanuring tingin sa'min ni Manang Amelia, Adele, at si Mary na malapad ang ngisi. Hindi ko masisisi kung gan'on ang mga titig sa'min nina Adele at Manang dahil noon naman, masyadong malayo ang distansya namin ni Hrothgar sa tuwing kakain kami. Palagi kaming magkatapat para maiwasang masagi ang katawan ng bawat isa.

Samantalang ngayon, kulang na lang yata ay kandungin ako ni Hrothgar dito sa hapag kainan!

"Yup, babawiin ko lang ang tulog ko mamaya." sabi ko habang sumusubo ng fried rice.

"Hmm, you will not visit your boss in her café?" Inilagay niya ang braso sa sandalan ng upuan ko.

Sinipat ko siya at binigyan ng nagbabantang tingin. Nanatili akong nakaharap sa lamesa samantalang nakatagilid ang katawan niya para maharap ako.

"I won't visit her today. We can see each other this evening, anyway." kunot-noo kong sagot nang makita ko siyang pinaglalaruan ang labi habang titig sa'kin.

What the hell is his problem?

"Can you bring me lunch later... at my work?"

Suminghap ako at nilingon siyang nag-iiwas ng tingin. Bahagyang pula ang leeg at tainga. Pinigilan ko ang nagbabadyang ngisi.

"Hindi ako marunong magluto," masungit kong sagot sa kanya habang sumisimsim sa aking kape.

His fingers tapped on my right leg sensually. Tumindig ang balahibo ko lalo't tanging shorts lang ang suot ko. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa palad niya.

"But you know how to bake," giit niya sa tainga ko, bahagya akong nakiliti roon kaya naman itinulak ko siya sa dibdib. Kaso hindi man lang natinag.

Humalakhak ako.

"A bread or cake for lunch? Seriously, Engineer Baptiste?" naghahalo ang panunuya at lambing sa boses ko.

Kinagat niya ang ibabang labi, pinipigilan ang ngisi. "That would do." napapaos niyang utas.

My smile widened. Bahagya kong tinapik ang kanyang pisngi.

"At bakit bigla-bigla mo namang naisipan yan?"

He swallowed hard before answering. I watched him struggling so much to take his dark eyes off my lips. "My co-worker told me that it's kind of... romantic."

Tuluyan na akong humagalpak. Gosh, hindi ko alam na pumapatol pala sa mga gan'on ang lalaking 'to! Maskulado, masungit, at brusko. I didn't know that he was into romance! May nakakaligtaan pa ba akong malaman tungkol kay Hrothgar?

"Stop laughing," masungit niyang saway habang isinusubsob ang mukha sa aking leeg.

Tuluyan nang pumulupot ang kanyang braso sa aking tiyan. I giggled more when he brittlely cursed on my neck.

"Fine, I'll bake a cake for my engineer." malambing kong bulong.

"Dalhin mo, gusto kong nandun ka." iyon pa ang bilin niya sa'kin bago sumakay sa kanyang kotse at magpaalam sa'kin.

Nangingiti naman akong tumango at mabilis na sinimulan ang pag-bi-bake ng cake para sa kanya.

Hindi matanggal ang ngiti ko habang ginagawa ang request ni Hrothgar bago siya nagtungo sa trabaho. Bilang ko pa ang bawat oras hanggang sa makitang malapit nang mag alas onse. Mary was happily assisting me with everything.

Si Adele naman, hindi na ako tinudyo pa kagaya ng madalas niyang ginagawa noon. Kapag magkakasalubong kami, umiiba siya ng daraanan. Naninibago nga ako, mas nasasanay akong nawalan na siya ng respeto sa'kin simula n'ong nakabalik na ako rito sa Navarre.

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon