Mᴀᴅ
"Manang Amelia, pakitikman nga po itong sandwich na ginawa ko." bungad ko kay Manang na kapapasok lang ng kusina.
Nakangiti siyang lumapit sa'kin at inabot 'yong sandwich. I watched her closely, trying to see her reaction.
"Mmm, masarap na 'to, hija." she complimented, making my smile turned wider.
"Ito naman po kasing si Miss Demeter, kanina ko pa sinasabing masarap na nga 'yong gawa niya, hindi pa rin naniniwala!" singit ni Adele na nakangisi na.
"I just want to have multiple assurances, Adele. Baka iba 'yong panlasa mo tapos iba rin sa kay Manang!" I giggled as I put those fifteen sandwiches in the tiny, native basket.
"Hmm, gusto mo po talagang humanga nang husto sa'yo si Señorito Thrym, 'no?" Adele teased me, napangiwi ako.
This wasn't for Thrym!
I didn't voice it out, though. Baka makarating pa ito kina Mommy, ngayon pa lang, naiisip ko na ang bayolenteng reaksyon nila. They were very strict when it came to me and they were also particular to friends. Kahit mga kaibigan kong lalaki, ibayong interview pa ang gagawin ni Daddy hanggang sa maniwala siyang hindi ko manliligaw 'yon. Thrym was the only one permitted to get along with me. But I was too stubborn so I still made friends with boys at school.
"Adele, please put the remaining sandwiches in the basket. Pakihatid na lang din sa sasakyan at sabihin mo kay Nicassio na tutulak na kami." utos ko sa magaang tono na mabilis niya namang sinunod.
Sinulyapan ko si Manang Amelia na nakatitig sa'kin, medyo may guhit ng ngiti sa labi kaya kinunotan ko siya ng noo.
"Ako nang bahalang magligpit sa mga kalat dito, hija. Sana naman hindi ka na umuwi rito nang mag-isa lang. Malawak pa rin itong probinsya at hindi natin maipagkakailang may mga masasamang loob pa rin dito." bilin niya habang sinisimulan nang itapon 'yong mga nagamit ko sa paggawa n'ong sandwiches.
Nakangiti akong umiling, marahan kong tinapik ang balikat ni Manang.
"Don't worry po, I already know how to commute. Nagugustuhan ko na ngang sumakay ng tricycle!" masigla ko pang rason.
"Hmm, pero iba pa rin kung si Nicassio ang susundo sa'yo o ang tauhan mismo ni Señorito Thrym ang maghahatid sa'yo."
"I am always with a... friend, Manang. Palagi niya po akong hinahatid kaya h'wag na po kayong mag-alala." iyon na ang huling sinabi ko dahil tinawag na ako ni Adele na ayos na raw ang lahat.
Hindi ko matanggal ang ngiti sa buong biyahe. The rhythm of my heart was so fast, lalo na nang sumagi sa isip ko ang huling tagpo namin ni Hrothgar. I was his freakin' type! Mas malala pa ang sayang naramdaman ko kaysa kapag nakakakuha ako ng honor sa klase. And for goodness' sake, he kissed me! That was just as light as a feather but its taste lingered on me. Nanunuot sa bawat himaymay ng utak ko, hindi matanggal-tanggal. Paulit-ulit kong binabalikan. Never in my life did I feel like floating in the air. He was the only one who definitely made me feel this way and I was truly loving it!
Kagaya nitong mga nakaraang araw, ibinilin ko kay Nicassio na h'wag na akong sunduin pa. To avoid hesitancy, I told him that I'd ask Thrym's men to give me a ride once I decided to finally go home.
Pero si Hrothgar ang maghahatid sa'kin, sasakay ulit kami ng tricycle.
I giggled at that thought. Hindi na ako pumunta pa sa mansyon nina Thrym. Imbis, dumiretso na ako sa kulungan ng mga kambing.
"Miss Demeter, namamasyal ulit kayo? Wala pa po si Señorito." tawag sa'kin n'ong isa pang trabahador nila, hindi ko nga lang maalala ang pangalan.
Uminit ang pisngi ko, hindi naman kasi si Thrym ang pakay ko rito. Sa halip na sabihin 'yon, ngumiti na lang ako at nilingon siya.

BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomansaR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...