Warning
Lily supported me with my decisions, kahit na ramdam ko sa kanya ang pag-aalangan. Binigyan niya ako ng kondisyong hindi na maaring magpaabot pa ako ng gabi kina Hrothgar. She set up a curfew for me and I was okay with it. Ang importante, makasama ko si Hrothgar. Hindi ko na rin ikinuwento kay Hrothgar ang napag-usapan namin ni Lily n'ung madaling araw na pag-uwi ko.
Kahit papaano'y nabawasan na ang kabang iniinda ko dahil alam na ni Lily ang sekreto ko. May mga panahon nga lang hindi pa rin maiaalis sa'kin ang kaba na baka isa sa mga araw na 'to, malaman na nina Mommy ang tungkol sa amin ni Hrothgar. Siguradong mapapabilis ang pagbalik namin sa syudad n'un.
"See you tomorrow," nakangiti kong paalam kay Hrothgar pagkalabas ko ng tricycle.
"See you," he whispered huskily as he left a peck on my lips. Uminit kaagad ang pisngi ko.
Kinawayan ko siya nang tumulak na ang tricycle paalis. Namataan ko si Lily na papalapit na sa may gate, malawak ang suot na ngisi.
"Sayang, hindi ko naabutan!" She giggled and escorted me until we reached the grand foyer.
"Tell me how you two got along with each other too soon! He seemed snob the first time I saw him." Saglit siyang nag-isip.
"Things didn't really go well too soon, Lily." I rolled my eyes as we settled ourselves on the deck at the backyard.
Ito ang nakagawian namin, ang ikuwento kay Lily ang buong araw namin ni Hrothgar. She was genuinely happy for me, sabi niya masaya raw siya at nakaranas ako nang ganito. Hindi na namin pinag-usapan pa ang maaaring mangyari kapag ipagpatuloy ko ito. Akala ko mananatiling magaan ang lahat, ngunit hindi ko inakalang ang langit na siyang nadama ko ay pansamantala lamang. Tuluyang gumuho ang aking kasiyahan n'ong ika-lima ng Agosto, araw ng Sabado.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkukuwentuhan ni Ate Lily nang marinig namin ang boses ni Daddy na dumadagundong sa baba, tinatawag ang pangalan ko gamit ang malakas at matigas na boses. It was like a bucket of an ice got poured on me. He sounded like he was actually craving to bury me alive.
My knees trembled as my sister guided me down the stairways. Hindi ko na nga maramdaman ang paang tumatapak sa hagdan dahil sa labis na kaba. Animo'y binabaliktad ang sikmura ko sa takot na lumulukob sa kaibuturan ko.
Dad's dark face made my heart throb even more, I was so terrified of what he was going to do! Hindi ako makapag-angat ng tingin kay Mommy na may madilim ding ekspresyon na para bang nakagawa ako ng isang kasalanang hindi p'weding mapalagpas lang nang basta-basta.
Sa mga oras na 'yon, may ideya na ako kung bakit tinatawag nila ako.
"B-Bakit po?" Nangingilid na ang luha sa mata ko, nagmistulang may nakaharang sa lalamunan ko dahilan para tumipid ang hanging pumapasok sa baga ko.
"May ipapaliwanag ka sa'min." Dad's emphatic voice screamed unbearable danger. Nag-aaapoy ang bawat tinging ipinupukol niya sa akin.
Kinakabahan man, nakuha ko pa ring maupo sa pang-isahang upuan. Pumwesto si Ate Lily sa tabi ko bilang pagsuporta sa'kin, hindi niya binitiwan ang kamay kong kanina pa hawak-hawak. She was obviously scared for me, too.
"Ano itong sinasabi ni Thrym na aatras na siya sa kasal ninyong dalawa?!" nagngingitngit na sigaw ni Mommy.
Matagal akong natahimik, hindi makahagilap ng sasabihin. Nakakatakot ang mga tingin nila sa akin. Pakiramdam ko sasaktan ako ni Daddy anumang oras na gustuhan niya.
"Demeter!" pukaw ni Daddy sa akin sa isang malalim at matigas na boses. Napaigtad ako.
My whole body shook terribly as Lily's hold on me tightened. Maybe she thought that she would encourage me to voice out my side if she did this. Kahit na kinakatay na ang puso ko sa takot dahil naiisip ko na ang nakaabang nilang reaksyon, naisip ko pa ring baka ito na nga talaga ang tamang oras na sabihin sa kanila ang mga hinanakit ko.

BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomanceR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...