Chapter 30

4.2K 177 28
                                    

Appropriate decision

Mga bandang alas nueve na ako ng umaga nagising. Wala na rin si Amanda sa tabi ko dahil ngayong umaga pa ang pasok n'un. Gayunman, naramdaman ko pa rin kanina ang paggising niya sa'kin para makapagpaaalam.

Sa gilid ng lamesa, may nakita kaagad akong gamot para sa hangover. May kasama ring isang basong tubig. Dahil sa pakiramdam na parang hinihiwa ang ulo, mabilisan kong ininom 'yong gamot. Matapos ang kaunting pag-aayos sa sarili, hinagilap ko ang aking bag at bumaba na.

Ramdam ko pa rin ang kaunting sakit ng ulo ko at siguro kung wala lang railings sa stairways, baka nga gumulong na ako pababa.

Agad kong naaninag si Popeye na nag-se-serve sa kakaunting costumers. Nakalikha pa ng tunog ang yabag ko sa metal staircase dahilan para maagaw ko ang atensyon ni Scooby Doo na nasa kusina. Mabuti na lang at medyo tago itong hagdan kaya naman hindi ako makikita ng ibang tao.

"Magandang umaga, Miss Demeter!" nakangising bati ni Scooby Doo. "Nainom mo na ba 'yong gamot?"

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Salamat d'on, Scooby Doo."

"Late ka na naman! Kape ka muna. Habol ka na lang dito mamaya."

Nakita kong mabilis na nakapagtimpla si Scooby Doo ng kape para sa'kin. Sa huli, naupo na lang ako sa silyang nasa kusina. May isang lamesa rin doon. Dito kasi kami kumakain sa tuwing break time.

Nakangisi kong tinanggap ang kape at nilanghap ang bango n'un. "Thank you! Uh, iba na pala ang shift ko. Panggabi na ako, Coby."

His brows furrowed. "Kung ganun, makakasama mo na sina Nemo at Canssio, Miss?"

Nakangiti ulit akong tumango.

"Ay, ba't ka naman nang-iiwan? Ma-mi-miss ka namin!"

Natawa ako. "Hindi naman ako aalis, ah. Change of shift lang naman, Coby."

Inubos ko muna ang kape bago magpaalam dito na abala pa rin sa ibang cakes at speacial breads. Mabuti na lang at pagkalabas ko, saktong may dumaang tricycle na bakante pa.

Binaha kaagad ako ng mga katanungan ni Mary nang namataan akong papasok sa bukana ng mansyon.

Wala na si Hrothgar, maagang umalis. Sa kauna-unahang beses, nagustuhan ko iyon. 'Yong hindi siya makakasalubong o makikita sa umaga. Siguro kahit anino o hibla ng kanyang buhok, maiirita ako.

Even if those false hopes are unintentional, I'm still so mad at him. He should've not comforted me in a very intimate way that night. Natulog pa talaga siya sa tabi ko kaya naman kahit sino, mag-iisip talagang baka may mas malalim na dahilan ang aktong 'yun. Tapos makikita ko na lang sila ni Nelly sa ganoong ayos? What an ass! Parang sasabog ang puso ko sa iritasyon na naging dahilan pa ng pangingilid ng luha ko.

"Miss Demeter, bakit ngayon ka pa lang nakakauwi? Kagabi ka pa hinahanap ni Engineer! Ilang oras po yatang nag-antay rito sa sala."

Hah! Now it's your turn to wait for me here, huh? P'wes, tingnan natin bukas o sa susunod na araw kung may mahintay ka pa tuwing gabi!

At bakit ako hinintay n'un? Para paasahin na naman? Jerk! Kaya siguro gusto niya 'kong kausapin kahapon para sabihing kailangan ko nang umalis dahil hindi gusto ni Nelly ang ideyang dito ako nakatira!

"Paimportante kasi! Akala yata lilibutin ni Engineer ang buong Navarre para hanapin lang siya!"

Tumaas kaagad ang dugo ko kay Adele na kalalabas lang ng kusina. Nakikiusyuso na ka kaagad!

"Tumahimik ka, Adele, kung ayaw mong ingudngod ko 'yang mukha mo sa sahig! Masakit ang ulo ko, ha! Bakit ba palagi kang nakikialam sa'kin? Idol mo ba ako? Kung gusto mo si Hrothgar, eh 'di sa'yo na! Isaksak mo sa baga mo nang makuntento ka! Bwisit!"

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon