Mᴀʀᴋᴇᴅ
Sunod-sunod ang katok ko sa pinto ng bahay nina Hrothgar dahilan upang mabilis akong pagbuksan ni Tita Gaea. Sinikap kong bumiyahe papunta rito sa Antigua kahit na alas sais na ng gabi. Alas sinco na kami nakauwi ni Ate Lily sa amin, natagalan pa ang pagpunta ko rito kasi kinailangan ko pang mag-half bath.
Gulat si Tita nang maaninag ang itsura ko. Hindi gaanong maayos ang pagkakasuklay ng buhok, mugto ang mga mata, at hindi mapakali. Without saying anything, I closed our distance and hugged her. Despite being confused, she still ended up comforting me.
"Ayos ka lang? Nagugutom ka ba, hija? Gusto mong kumain?" Tita asked in a concerned tone.
Bigo akong umiling. "G-Gusto ko pong makausap si Hrothgar, Tita. Nasaan po ba siya?"
Naguguluhan man, itinuro niya ang second floor ng bahay.
"May problema ba kayo?"
"K-Kailangan ko lang po siyang makausap..." nanginig ang boses ko at iniwasan ang mapanuring mga tingin ni Tita.
She nodded hesitantly and held out my arm gently. "Ayusin n'yo yan. Gusto mo bang dalhan ko na lang kayo ng pagkain sa taas?"
"H-Hindi na po, Tita... Bababa na lang po kaming pareho kapag maayos na kami."
"O, sige. H'wag kang mag-alala, Demeter. 'Di naman mahirap kausapin 'yang si Hrothgar, eh. Maiiwan ko muna kayo at ngayon na ang birthday party na dadaluhan ko."
Suminghap ako at napaangat ng tingin. "Aayusan ko po muna kayo, kung ganun!"
Nakangiting umiling si Tita.
"Doon na 'ko magpapaayos sa kumare ko, Demeter, sabay rin kasi kaming pupunta sa party. Mauuna muna 'ko, magpahatid ka na lang kay Hrothgar pauwi. Sabihin mong humiram na lang siya ng motor sa Uncle Tisoy niya."
I nodded at her instructions and let out a faint smile. She gave me an encouraging smile, too, before letting go of me.
Saka lang ako nagdesisyong akyatin si Hrothgar sa taas nang magpaalam na sa'kin si Tita Gaea. My legs were shaking terribly as I headed the way upstairs. My steps were too careful, afraid to produce any creaking sound on the wooden stairs. Pakiramdam ko'y hihiwalay sa'kin ang aking kaluluwa.
Once I reached the door of Hrothgar's room, I knocked three while calling him. Silence was the only response I received, though. Kaya naman napagdesisyunan ko na lang na buksan na ang pinto.
Darkness coated the whole area. Hrothgar's large silhouette, staring outside the glass window, welcomed me. The moonlight enabled me to see his hazy figure. Hindi ko masyadong maklaro ang kanyang matangos na ilong at ang matang tiyak na pinag-aagawang lukubin ng apoy at yelo. Ang nakalugay nitong buhok ay nagmistulang anino lamang.
I wonder why he was keeping the lights off? Ganito ba talaga siya palagi? Mahilig sa madilim?
My heart stung a bit when realization hit me that he was probably lurking in the dark because of what he saw earlier. Magkayakap kami ni Thrym kanina.
Though I knew very well that it had no malice at all, I still felt guilty about it. It was like betraying the man I truly loved.
Gumalaw si Hrothgar upang maiharap sa'kin ang buong katawan. Isang cotton short at plain white shirt ang suot nito. Handa na sigurong matulog kung hindi lang ako nang-istorbo rito. I should have texted him before coming over.
Marahan kong isinara ang pinto sa nanginginig na kamay. Halos magkalasug-lasog ang mga tuhod ko sa tindi ng hatid niya sa buong pagkatao ko. He maintained his deafening silence despite noticing me. The whole room turned even cozier with his freezing aura. Sa mga sandaling 'yon, napagtanto kong mukhang mas mahihirapan akong lapitan si Hrothgar kaysa sa mga araw n'ong unang pagkikita naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomansaR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...