ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 11

4K 131 11
                                        

Iɴ ʟᴏᴠᴇ

Nang yumuko siya para alalayan akong tumayo, hindi na ako nakapagpigil. Binaklas ko ang mga brasong nakayakap sa aking tuhod para ilipat sa kanyang batok. I hug him so tight. He stiffened at my move but I didn't get not have plans of letting him go. Eventually, I felt his warm palm slowly rubbing my back.

Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko at malakas ang kabog ng aking dibdib. His presence pushed me to cry louder.

"Pasensya na at natagalan bago kita nahanap..." bulong niya.

Mas humigpit ang yakap ko. "I-I was so scared, akala ko hindi mo 'ko hahanapin! I saw a snake earlier Hrothgar, kung hindi ako tumakbo baka natuklaw na 'ko! Hindi ako sanay sa ganitong lugar. I was worried some wild animals might devour me alive here!"

"Hush, Demeter..."

I sobbed harder as I hugged him so tight.

"Tss, bata ka pa nga." He chuckled.

Hindi siya tumigil sa pang-aalo sa'kin habang yakap ko siya. I had no idea that being wrapped around his warm arms like this would quickly calm me down. Saka lang niya ako inalalayang tumayo nang tumahan na talaga ako. Sinuri niya ng tingin ang buo kong katawan.

"Nasaan ang damit mo?" kunot-noo niyang tanong, nag-iiwas ng tingin.

Pinasadahan ko ang sarili at awtomatikong pumula ang aking pisngi nang mapagtantong wala nga pala akong pantaas na damit! Tanging bra lang ang suot ko! Nasa mga dahon 'yong tuwalya niya!

Omg, did he feel my boobs?

Of course, you idiot! After that bone-crashing hug? Nagpapatay malisya lang 'yan!

"H-Hindi ko kasi nakita. Nasa tabi ko lang naman 'yon nang nagbihis ako kanina..."

Walang pasabing naghubad siya ng T-shirt. Awang pa ang labi ko nang iabot niya sa'kin 'yon. Tumikhim siya at umiwas ng tingin.

"Isuot mo muna. Hindi pa mabaho 'yan, kasusuot ko lang n'yan."

Nagtagal ang titig ko sa kanya at hindi ko napigilang humalakhak na para bang hindi ako halos nahimatay kanina sa takot at pag-aalala. Kunot-noo niya 'kong nilingon.

"Bakit kailangan mo pang sabihin 'yan? Hindi ko naman i-ju-judge kung mabaho!" I giggled more.

Pumula ang tainga nito pati ang leeg.

"Tss." Pinilit na tinaliman ang tingin sa'kin.

Hindi pa rin ako tumigil, kinagat niya ang ibabang labi saka ako sinimulang kilitiin sa tagiliran. Mas lalong lumakas ang tawa ko! Shit!

"Stop it!" tili ko habang humahagikhik.

Lumapat ang likod ko sa malaking punong pinagtaguan ko kanina. Itinukod niya ang isang kamay sa taas ng ulo ko. Ang isa naman, nanatiling nangingiliti sa tagiliran ko.

"Tama na, please!" malambing kong saway.

Sabay kaming napatigil sa tono ng boses ko! Fuck you, Demeter! Nakakahiya ka!

Pumirmi ang kamay ni Hrothgar sa tagiliran ko. Wala pa akong pantaas kaya ramdam ko ang init ng palad niya sa balat ko!

Awang ang kanyang mga labi nang seryuso akong titigan. Para akong malulunod, nakakawala sa sarili ang kulay abo n'yang mga mata. He licked his lower lip as his heavy stares fell down to my swollen lips.

Dumako pa ang mata nito pababa sa aking katawan, nanuyo ang lalamunan ko. Napalunok ako nang saglit na namalagi ang tingin niya sa dibdib ko.

"H-Hrothgar..." bulong ko, nalilito kung ano'ng dapat sabihin sa kanya.

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon