Tᴀɢ-ᴀʀᴀᴡ
"Demeter, hija! Naparito ka? May naiwan ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Tita Gaea nang makita ako sa labas ng bahay nila.
Niluwagan niya ang pagbukas ng pinto para makapasok ako. I smiled but it eventually faded away when I realized that I still didn't think of an excuse about my sudden visit.
"Uh... m-may nakalimutan po kasi akong itanong kay Hrothgar, Tita..."
Kumunot ang noo niya at iginiya ako paupo sa sofa. "Gan'on ba? Ano naman 'yon?"
Think, Demeter!
Bakit ba naman kasi may follow-up question pa 'tong si Tita, eh.
"Ah! K-Kasi po nakalimutan kong kunin 'yong cellphone ko."
Geez! Buti na lang at naalala ko 'yon!
Her brows furrowed and she started thinking. "Mukhang wala namang dalang cellphone si Hrothgar dito nung nakaraang araw. Mamaya't hintayin mo na lang siya, naroon pa kasi sa rancho ng mga Santiesteban."
"Oh! Magtatagal po kaya siya roon?"
Nagkibit-balikat si Tita. "Hindi ko alam, hija. Pero kaninang umaga pa 'yon umalis, baka pabalik na rin 'yon."
"Mga ilang oras po siya madalas naroon?"
Why so freaking interested, Demmie? Ano'ng nangyari sa negatibo mong opinyon tungkol sa lalaking 'yon, ha?
"Depende, minsan kasi maaga si Hrothgar tapos babalik dito kapag tanghalian na. Kung minsan ala una ng hapon, minsan naman gabi na siyang umuwi."
I nodded while absorbing the information I obtained. Kaninang umaga pa pala siyang wala, baka nandito na 'yon mamaya?
I glanced at my watch, it was already ten thirty. Malapit na ang lunchtime. He would be here probably at eleven thirty or by twelve. Mahaba pa ang hihintayin ko, about an hour or more. That didn't matter anyway. I just wanted to see him!
"Kung gusto mo, balikan-"
"Hihintayin ko na lang po siya, Tita." ngiti ko.
Kumunot ang noo niya at sinuri ako ng tingin. Umusok ang tainga ko sa kahihiyan. Ba't ba kasi ang bilis agad ng sagot ko? Atat lang? She might guess that I was head over heels for his son!
"Hmm, p'wedi rin. Nga lang, baka hindi kita ma-entertain kasi magpapakain pa ako ng mga baboy sa likod ng bahay."
Suminghap ako at tumango.
"I-I can help po!" walang alinlangan kong pagpresenta.
Kahit na ang isiping magpapakain ako sa mga baboy na may something sa ilong kaya mukha itong shiny, ay talagang nagpapatindig ng balahibo ko, titiisin ko! Ayos lang din kung maglalabas sila ng sama ng loob mamaya.
Natutuwa niya akong pinagmasdan. "Naku! Baka hindi ka pinapayagan sa gawaing 'to, hija. Saka sanay ka bang magpakain ng mga baboy?"
"Hindi po. But my parents want me to learn a lot. Lalo na 'yong mga gawaing ganun..."
Liar! Talagang hahaba na ang ilong mo maya-maya lang! Kapag malaman 'to ng magulang mo baka nga wasakin ng mga 'yon ang buong Navarre! Of course, who would like to see their daughter trying to feed those not really likable animals when there are lots of more fun things to do out there? Even I, couldn't imagine myself doing that for fuck's sake!
"Hmm, baka ayaw mo sa mga baboy, ha." may pag-aalala pa niyang utas.
Mabilis akong umiling at tumuwid ng tayo. I raised my chin and directly looked into her eyes as I pointed at myself.

BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomanceR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...