Truth
"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ko kay Hrothgar habang inilalagay niya ang mga gamit sa likod ng kanyang sasakyan.
Kasalukuyan namang inilalabas ni Nicassio ang isa pang duffel bag ni Hrothgar na naglalaman ng mga damit. Mabilis niyang ipinulupot ang braso sa baywang ko at hinapit ako sa kanya.
"Wala na 'kong nakalimutan. My woman prepared everything so well, last night." ngisi niya sa tainga ko, siya ring nagpangiti sa'kin.
Napawi nga lang nang makitang nangingiti si Mary sa gilid habang kinukurot si Nicassio sa braso.
"Kakilig naman! Akala ko po talaga, Engineer, na si Miss Demeter lang ang patay na patay sa inyo!" hagikhik ni Mary na mabilis kong pinandilatan. Kailangan ba talagang sabihin 'yon?
Hrothgar chuckled as he gave me a menacing glance. Inirapan ko nga dahilan para lalo pang umangat ang sulok ng labi nito.
"I am more obsessed with your Ma'am, though." he butted in leisurely.
Tuluyan nang uminit ang pisngi ko nang nakisabay na si Nicassio sa paghiyaw kay Mary. Nilulunod ko na ang dalawa ng nakakamatay na tingin pero ayaw paawat dahil nagpatuloy pa si Hrothgar sa pakikipaglokohan sa kanila! This was the first time I saw him mingling with them.
Sa kabila ng iritasyon ko kina Mary, binaha pa rin ako ng tuwa. Nakailang bilin din si Hrothgar kina Mary na i-assist ako sa lahat ng bagay at h'wag na h'wag akong palilipasan ng gutom.
It was very odd that before, he'd just leave the mansion without giving instructions about me. He didn't care about me because he was extra mad. Ngayon ay hindi na ako nasasaktan doon. Not when I'm wearing our engagement ring.
Nagkaroon pa ng kaunting biruan bago na tuluyang magdesisyon si Hrothgar na sumakay na sa sasakyan. He still gave me a warm, tight hug before he finally hopped into his car.
Nakakaramdam naman ako ng lungkot sa pag-alis niya ngayon, isang linggo lang pero napakatagal na sa'kin n'on. Kauuwi pa lang namin kahapon mula sa outing naming dalawa pero nakukulangan pa rin ako sa ilang araw na pagsosolo kay Hrothgar. Three days was already long for me, paano pa ang isang linggo?
Ibinaba niya ang bintana ng sasakyan at hinagilap ang kamay ko.
"I love you, Hrothgar." pahabol ko bago pa man niya maisara ang pinto.
Pumikit siya at umiling. Hinila niya ang batok ko palapit sa kanya at binigyan ako ng mababaw na halik sa labi. Dinig ko pa ang impit na tili ni Mary sa likuran ko.
"I love you most, baby. I will immediately come back home as soon as the conference is finished." he consoled me. "I'll call you whenever I'm free, make sure to answer me."
Masigla akong tumango at kumaway pa sa panghuling beses nang tuluyan nang iwan ng kanyang sasakyan ang gate hanggang sa lumiko na pakanan. Saka lang ako pumasok ng mansyon nang hindi ko na natanaw pa ang sasakyan ni Hrothgar.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, Miss Demeter, na sa pagbalik na ni Engineer ang kasal n'yo! Napapaisip tuloy ako kung ano'ng isusuot ko." sabi pa ni Mary na nakasunod sa'kin.
Nakangiti na lang akong nailing at binalingan siya. "You'll be wearing a wonderful gown, Mary. I won't let you wear that maid attire on our special day. Ako nang bahala sa susuotin n'yo pati na sa make up artist."
Namilog ang mata nito at mabilis na kumapit sa braso ko. "Talaga po?! OMG! Pati sina Nicassio nakapang-amerikano rin? Ang saya naman, Miss Demeter! Na-e-excite na tuloy ako!"
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomanceR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...
![Recapturing You [RCS#1]](https://img.wattpad.com/cover/138245524-64-k626046.jpg)