Chapter 32

5.5K 187 33
                                        

Forgiveness

"Babalik pala kayo ngayong alas tres, Miss Demeter? Eh, nagamit ni Boss Benny 'yong truck. Nagpahatid kasi kay Popeye sa terminal." nakangiwing saad ni Scooby Doo nang sinabi namin ni Amanda na babalik kami sa Kapitol mga alas tres ng hapon.

"That's fine, Scooby Doo. P'wedi namang mag-commute na lang kami ni Amanda patungong Kapitol." sagot ko na mabilis namang sinang-ayunan ni Amanda.

"Ah! Hindi na, ihahatid ko na lang kayo. Nagdala naman ako ng motor ngayon."

Iyon nga ang nangyari. Pumayag na rin si Amanda tutal, hindi naman gan'on kasakit ang tama ng araw sa aming balat. Marami pa ngang ibinilin si Coby kesyo raw h'wag daw kaming magalaw masyado at baka hindi niya makontrol ang monobela.

Si Amanda pa talaga ang pinagdiinan niya ng bilin lalo't kanina pa sinasadyang gumalaw-galaw para tuksuhin si Coby! Nasasali pa tuloy ako sa mga saway nito kay Amanda. May punto naman kasi talaga si Scooby Doo. He just wants to ensure our safety. Mas mabuti nang mag-ingat kaysa magsisi sa huli.

Wala na akong planong dumaan pa malapit sa area ng mga inhenyero 'pag tumungo kami sa opisina ni Gov. Kanina pa ako nagdadasal na sana hindi ko na makasalubong pa si Hrothgar.

Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang kaba sa kaloob-looban ko. Saka lang yata 'to matatapos kapag matapos na rin ang appointment namin kay Governor Alpirez.

Napapaisip tuloy ako kung ano'ng pinag-usapan nila n'ong inhenyerong umambang humingi ng numero ko kanina? Ang gaspang kasi ng tono ni Hrothgar nang sabihin niyang may pag-uusapan sila n'ong lalaki.

Nakarating kaagad kami ng Kapitol kaso pagkababa pa lang namin, naalala kong naiwan ko pala 'yong pocket notebook sa café! 'Yun pa naman ang paglilistahan ko ng mga suhestiyon ng anak ni Gov.

"Balikan na lang natin." ani Scooby Doo.

Nga lang, nalingat sa loob ng Kapitol ang atensyon nito dahil tinawag ng isang kaibigan.

"Kami na lang ang babalik, Scooby Doo. Don't worry, marunong naman akong mag-drive niyan." sabi ni Amanda.

Natawa pa ako sa mga mapanuring titig ni Coby. Palipat-lipat sa amin ni Amanda bago tumango.

"Basta mag-iingat kayo at h'wag n'yong bilisan ang pagpapatakbo."

Ilang pangako pa ang binitiwan ni Amanda para lang siguraduhin kay Coby na safe siyang mag-drive. Pakiramdam ko tuloy, hindi para sa'min ang pag-aalala ng katrabaho ko kundi para mismo sa motor nito. Lalo't pansin kong bagong-bago pa, makintab pa nga at wala pang gasgas.

Maluha-luha pa si Scooby Doo nang inabot sa'min ang susi ng motor. Pinasadahan niya iyon ng tingin na para bang huling beses na niya itong makikita. Pinigilan ko na lang ang ngisi at inaya na si Amanda na tumulak na kami at baka dumating na ang anak ni Governor.

Amanda is a good driver. Hindi na ako nakipag-agawan pang magmaneho sa kanya. 'Tsaka, mataas na para sa'kin 'to kaya hindi ako tiwalang kaya ko. Matangkad si Amanda, tama lang ang diin ng paa sa lupa kahit na medyo naka-tip toe na siya. Alam niya rin ang tamang pagpapatakbo ng motor, tama lang din ang bilis.

"Wala ka nang nakalimutan, Dem? Sure?" Amanda clarified me as I hopped on to the motorcycle.

"Andito na lahat, Amanda."

Nakabalik kaagad kami sa Kapitol. Pinag-uusapan pa namin ang reaksyon ni Scooby Doo kanina habang tumatawa. We got stunned when we instantly received a bad karma!

Hindi namin namalayan ang asong mabilis na tumawid sa daan! Agaran ang pagpreno ni Amanda, bahagyang umangat ang motor kasabay ng pagsinghap namin. Kumalabog ang dibdib ko at naramdaman ang mabilis na pagkatumba ng motor sa lupa!

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon