Ending
"Hrothgar, mukhang madalas dito 'yong anak ng nga Ampudia, 'no? Magkaibigan ba kayo?" tanong ni Mama habang abala ako sa pag-aayos ng nasira naming bombilya.
"Hindi, 'Ma. Nakikilala ko pa lang 'yon noong nakaraang araw."
Kumunot ang noo niya at inilapag sa lamesa ang merienda ko. "Kung gan'on, nililigawan mo?"
Pigil-hininga pa si Mama nang muli ko siyang sinulyapan. Hindi kasi si Mama madalas makarinig na may nililigawan ako. Ang tanging mga babaing kasama ko lang naman sa eskwelahan ay si Nelly at Bea. Palagi nila akong kinakausap kaya naman naging malapit na rin sila sa'kin.
Bumuga si Mama ng hangin at ngumiti nang umiling ako.
"Mabuti naman, 'nak. Eh, mayaman 'yon. Alam mo naman, 'di ba, kung sino lang ang mga kabagay natin." alangang saad ni Mama.
Tahimik akong tumango at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko masisisi si Mama kung bakit ganito ang pananaw niya. Ang mayaman ay para nga sa mayaman. Gan'on din ang nangyari noon kay Mama. Nabuntis siya ng inhenyero kong amang taga Brazil, pagkatapos ay agad na iniwan dahil mayr'on pala itong nakatakdang pakasalan na kasingyaman din n'on. Noon pa man, mulat na ako sa bagay na 'yan kaya pinipigilan kong maghangad ng mga babaing katulad ni Demeter.
Pero ang batang 'to, pilit na tumatawid sa mundo ko. At nakakagago iyon.
"H-Hindi mo naman kailangang gawin 'to..."
"At hindi mo kailangang magpakain ng mga baboy! "mariing kong putol sa kanya.
Bakit tumutulong pa siya sa pagpapakain ng mga baboy na n'ong isang araw nga, labis siya kung makapandiri! At bakit bumalik na naman 'to?
Magkasalubong ang kilay ko habang hinuhugasan ang kamay niya. Bakit ba ito pa ang lumalapit sa dumi? Nakakairita. Kahit ang cellphone niya ang dahilan kung bakit siya bumalik, hindi ako natutuwa. Dapat naghintay na lang siya sa sala o doon na lang siya pumunta sa rancho ng mga Santiesteban. Hindi na dumidiretso pa rito at tumutulong pa sa mga gawaing bahay na akala mo sanay na sanay!
"Tumulong ka sa paglilinis ng dumi ng baboy?"
"Uh, w-wala kasi akong magawa."
Fuck it, Demeter!
"P'wedi mo naman akong hinatayin nang hindi tumutulong kay Mama sa mga gawaing bahay, Demeter! Hindi mo kailangang umaktong gusto mo ang mga ginagawa mo!" tinaasan ko talaga ang boses para malaman niyang hindi ako natutuwa sa mga ginawa niya ngayon!
I've never been this frustrated. Kahit gaano kahirap ang isang sitwasyon, kaya kong pakalmahin ang sarili. Nagalit ako nang nalaman ang totoong kwento ng ina ko habang ipinagbubuntis niya ako, poot din ang naramdaman ko para sa ama ko pero wala akong sinabi. Hindi ako umimik habang nakikinig dahil wala na rin namang mangyayari kung pag-uusapan pa namin ang tungkol d'on. Pero ang babaing ito... talaga ngang hiniwa ang litid ng pasensya ko hanggang sa maputol.
"Nag-igib ka rin ng tubig?" 'Pag umuo pa 'to, hindi ko na alam.
Napalunok siya at alangang tumango. Doon na umigting ang panga ko. Marahas kong sinuklay ang buhok habang iniisip kung ano'ng kalagayan niya d'yan kanina habang nag-iigib! Putang ina, tatlong dram? At may kalakihan pa 'yong timbang binuhat niya!
"B-But I enjoyed it!" she tried to smile.
Enjoyed it! H'wag kang napapanggap na gusto mo ang lahat ng 'to! Mas gusto ko na lang makita 'yong maarte at reklamador na Demeter kaysa sa nakikita ko ngayon. Nakikibagay sa lugar na hindi naman karapat-dapat paglagyan sa kanya. Hindi siya dapat sa mahirap kong buhay.
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
Roman d'amourR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...
![Recapturing You [RCS#1]](https://img.wattpad.com/cover/138245524-64-k626046.jpg)