Hrothgar Baptiste
"Ang gaganda n'ong mga kasama ni Señorito Thrym. 'Yong isa, morena lang, pero ubod ng ganda! 'Yong isa naman, mas maputi pa sa papel!" nakangising salubong sa'min ni Kino habang abala kami ng mga katrabaho sa pagpapaanak ng baka sa kamalig.
"Ah! Nakita ko rin kanina. Magaganda nga pero mas gusto ko 'yong morena!" singit naman ng isa ko pang katrabaho.
Patuloy sila sa pag-uusap-usap at pagtatawanan. Naiiling na lang ako habang nililinis ang kulungan pati na ang mga nagamit namin sa pagpapaanak. Ang hihilig ng mga 'to sa magaganda eh hindi naman talaga nakakalapit kapag may natipuhan na. Tss.
Halos lahat sa kanila mas gusto 'yong babaing morena raw kaysa sa maputi. Sinadya kong hindi makisali sa kanila, baka madatnan pa kami ng aming boss na nag-uusap-usap tungkol sa mga bagay na walang katuturan, mahirap nang madelikado.
"Ikaw, Hrothgar, sabihin mo sa'min mamaya kung sino'ng tipo mo ha. Dadaan 'yon dito, maya-maya lang." tudyo pa sa'kin ni Elan habang inuubos ko ang tubig sa timba.
Ngumisi ako at nailing. Matitipuhan? Wala pa yata sa isip ko. Hindi naman ako nagmamadali sa gan'yan. 'Tsaka... hindi rin ako tumitigil lang sa panakaw-nakaw ng tingin sa babaing magugustuhan ko. Kung talagang matipuhan ko, gagawan ko ng paraan para makuha ko ang atensyon n'un.
"Sus, hindi na p'wedi 'yan! Eh si Nelly na ang nagmamay-ari sa kaibigan namin. Biruin n'yong palaging inaaway sa skwelahan ang sinumang magkakagusto kay Hrothgar. Makasarili!" natatawang gatong ni Jax.
"Aba! Iba talaga itong may banyagang dugo, ano? Gwapo ka naman, Hrothgar. Kunting bihis at paligo lang, pasok ka na sa panlasa ng mayayaman!" sabi pa ng isa.
Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila kaya imbis na pakinggan, inabala ko pa ang sarili sa trabaho. Hindi pa nga natigil sa pag-uusap tungkol sa'kin, masarap sanang murahin kung hindi lang sila natigil.
"Ayun na! Iba talaga, parang mga prinsesang napadpad dito, tang-ina!" utas ng isa.
Nag-uunahan na sila palabas ng kamalig. Napasunod ako nang hilahin ako ni Jax, malapad ang ngisi katulad ng iilang kasamahan namin. Ang iba naman, nagkunwaring inaayos ang pastulan ng mga kambing.
Kanya-kanya silang puri, ibinaba ko ang timba at hinawakan ang isang poste ng kahoy. Hinubad ko ang suot na t-shirt nang makaramdam ng matinding init sa katawan. Sumunod ako sa kanila. Itinapak ko ang isang paa sa bakod ng kulungan at sinundan ng tingin ang itinuturo ng mga kasama ko.
Doon nga sa may taniman ng mga mangga, may dalawang kabayong nakatigil. Sakay n'ong isa ang aming boss na si Thrym Santiesteban kasama ang babaing tuwid ang buhok at morena nga ang kutis. Sa isang kabayo naman ay maputing lalaki, kasing edad ko yata at sa umbok na lupang tinutubuan ng mangga, naroon ang isang babaing kasingputi ng papel. Nakahalukip, pula ang magkabilang pisngi at nakabusangot ang mukha. Tila ba nagmamaktol sa kung ano'ng bagay, isama pa ang matatalim na tingin sa kanyang mga kasama.
Nakita ko pa ang tawanan ng mga kasama n'ong batang babae dahilan para umusbong pa ang iritasyong nakaguhit na sa kanya. Ngumuso ako at pinagmasdan ang isang paa nitong padabog na itinatapik sa lupa. Nakakaaliw... sanang panoorin kung hindi lang ako kinalabit ni Elan.
"Pare, tinatawag ka ni Boss! Tangina, swerte nito!" tudyo pa ng isa at ginulo ang buhok ko. Hinawi ko nga ang kamay.
Tinapik ko sa balikat si Primo bilang paalam na aalis ako saglit. Itinagilid ko pa ang ulo para maintindihan niyang kina Thrym Santiesteban ang punta ko.
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomanceR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...
![Recapturing You [RCS#1]](https://img.wattpad.com/cover/138245524-64-k626046.jpg)