Wrong accusations
"Dem, pasensya na kung hindi kita maihahatid pabalik sa Navarre. May kailangan kasi akong asikasuhin ngayon. You can just leave tomorrow instead, for sure I'll finish the paperworks by evening." ani Calvin na kasalukuyang tumutulong sa'kin sa paglalabas ng mga gamit ko sa sala.
"Ayos lang, Calvin. H'wag mo nang abalahin pa ang sarili mo. May trabaho rin ako roon at hindi ko p'weding pabayaan iyon, kailangan ko na talagang bumalik ngayon. Mag-co-commute na lang ako." I assured him with a small smile.
"Will you be fine?" he clarified once more so I nodded at him.
"I'm not a kid anymore, Calvin. I'll be fine. 'Tsaka sanay na 'kong bumiyaheng mag-isa. Commuting alone wouldn't hurt me." nakangiti kong saad.
Sa totoo lang, mukhang mas gusto ko nga ang ideyang bumiyahe lang nang mag-isa. That might help ease the pain somehow. Gusto kong malibang sa mga tanawin habang nakikinig sa magagandang kanta. Gusto ko munang magmuni-muni.
He chuckled and scanted his head to one side. "Right! You've grown up, Dem... and you're doing very well. Mag-iingat ka, ha? If you need anything, just call me."
Ngumiti ako at niyakap siya nang mahigpit. "Of course, Calvin."
Grown up? I don't think so, Calvin. I still make childish decisions up to this day. May mga beses na immature ang mga ginagawa ko. Tulad na lang ng ginawa ko bago ako umalis sa mansyon na 'yon.
Sumapit ang ala una ng hapon at doon pa lang ako nagpasyang umalis. For sure, by eight in the evening, I'd finally arrive in the province. Tinantya ko na talagang gabi ako makarating para makapagpahinga kaagad.
Sa biyahe na lang din ako kakain. Ipinaalam ko rin kay Mary na ngayon na ako uuwi, nakailang text na kasi sa'kin 'yon simula nang dumating ako rito sa syudad.
"Dem, wala ka na bang nakalimutan?" untag sa'kin ni Georgina.
Nasa sala na kami, hinihintay na lang si Clarence na nagbibigay ng instructions sa driver na maghahatid sa'kin patungong terminal.
"Yes, Georgina, I have them all. Kagabi ko pa naman inihanda 'yong mga gamit ko kaya sigurado akong wala na akong nakalimutan pa."
"Alright. Our driver could drive you straight to that province, if ever you change your mind. Mas mapapanatag ata kami rito." aniya, may halo pa ring pag-aalala sa boses.
Natatawa akong umiling.
Siguro iniisip nilang baka makaapekto sa akin nang husto ang pagkawala ni Mommy na tuluyan kong hindi maasikaso ang sarili ko. Of course, I'm affected, I'm hurt and I'm grieving, but I won't let myself suffer further. I won't double the pain I feel, so I'd certainly take good care of myself from this day onwards.
"I'm fine, George. Thank you for the accommodation and for taking good care of my mother." Ginagap ko ang kanyang kamay. "Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kabutihan n'yong lahat."
Umiling siya at hinagod ang braso ko. "It's nothing. We're family. Sinu-sino pa ba ang magtutulungan? Tayo-tayo rin naman. If you finally think about accepting Clarence's offer to you, you can dial my number anytime."
"I'll do that," ngumiti ako.
I only settled for a shirt tucked in a denim, tattered shorts and rubber shoes. I brought a thick jacket with me so the cold breeze of the wind won't become too hash against my skin.
Ang dami-daming nangyari sa loob ng dalawang linggo at hindi pa ako nakakapagpahinga nang maayos. Sana lang 'pag makarating na 'ko sa Navarre, makahanap na agad ako ng bagong matitirhan.
![](https://img.wattpad.com/cover/138245524-288-k626046.jpg)
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomansaR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...