Chapter 24

3.8K 126 14
                                        

Still the same

"You're on a mental pilgrimage." bungad sa'kin ni Benny sa kalagitnaan ng pagtunganga ko.

I got back to my senses and tasted my coffee. It was already cold, siguro'y kanina pa ako nakatunganga rito. Tamad kong tinapunan ng tingin si Benny habang nakapangalumbaba pa rin. Walang masyadong costumers ngayon, 'di tulad kahapon kaya ganoon ka-hassle.

"Kumusta na 'yong anak ni Popeye?" pagbubukas ko ng usapan.

She frowned and pulled the chair in front of me so she could sit. Magpupumilit na naman itong pag-usapan namin ang iniisip ko kanina. Naghila pa siya ng isa pang upuan at isinandal doon ang paa saka ako pagmasdang mabuti.

"Nasa ospital na at maayos na raw ang lagay, sabi ni Popoeye. It was true, binisita ko yung bata kaninang umaga kaya medyo nahuli ako ng pasok."

Walang gana akong tumango at pinanatili ang mata sa kape. Narinig ko ang maingay na pagbuntong-hininga ni Benny.

"What is it this time, Dem?"

Nanariwa sa isip ko ang sinabi ni Hrothgar kagabi. Naaalala ko pa ang rahas ng pagkakasabi niya sa mga bagay na 'yon. The impact was too much that I barely slept last night.

"He told me to stop." my voice cringed.

"Sa ano?" nalilito niyang tanong. Tumuwid siya ng pagkaka-upo at pinagsalikop ang mga kamay sa lamesa.

"He told me not to bring him breakfast at his office anymore." nanlulumo kong sinabi at huminga nang malalim.

She puffed out a deep breath and leaned against the chair. She seemed disinterested anymore.

"Great! Wala nang hassle! Mr. Busy Bee has finally realized that making a breakfast for him every day is quite tiring! You are not a robot, Dem. Stop making it so hard for yourself." aniya at ngumiti.

Umiling ako.

"Hindi... kung 'yan lang ang paraan para mapasakin siya ulit, gagawin ko. I won't ever complain, Benny." Pinasadahan ko ang buhok gamit ang mga daliri.

"Kahit na danasin mo pa ang mararahas na salita mula sa kanya? Kahit na halata namang hindi 'yun nasisiyahan sa presensya mo?" medyo mataas na ang boses ni Benny, ngunit wala akong pakialam.

Ganito naman siya palagi kapag nagpapaka-tibay ako. She did not want me to get hurt because for her, I already had enough.

Pero hindi, wala akong pakialam. I still love him and I believe that I still had a little space in his heart. He was just angry, that was all.

N'ong isang gabi nga, binigyan niya pa ako ng pain reliever. That only meant that he still cared! Kahit pa dalawa naman kami ni Adele na binigyan niya.

Wala sa sariling tumango ako.

"Bitch, daig mo pa sina Rizal sa pagiging bayani!" she exclaimed in a harsh tone.

Natawa ako roon. Bitch. How rude of you, Benny?

Umiling ako at nanahimik. I may not be a super human, but I still can take these all. I was certain that I could still get him back not maybe sooner but at least, I'd succeed in the end.

"Bakit biglaan nga pala ang pagpapatigil niya sayo? Dahil ba nihatid ka namin sa inyo kagabi? 'Yon ba yung hindi ako lumabas?"

"Oo. Hindi nga lang ako sigurado kung iyon ba talaga ang dahilan. Baka matagal nang gustong sabihin ni Hrothgar 'yon, nagkataon lang na ang tyempo ay 'yong paghatid ninyo sa'kin."

"That's not it, Dem. What if, nagselos ang ex-boyfriend mo? Siguro'y simula pa nung hinahatid ka nina Scooby Doo. He might think that they are your boy-toys. Hindi pa pinalampas ang inosente kong Apollo!" madrama pa nitong utas. "'Hindi ka naman gan'yan kaganda, sis, para ubusin mo lahat ng lalaki sa mundo, 'no!" 

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon