Chapter 43

5.2K 187 26
                                        

Life


"I don't know if there is still something that I need to know about the evil deeds of my parents!" umiiyak kong sumbong kay Georgina habang abala sa si Calvin sa pagtatalop ng mansanas para sa'kin.

Gulat pa silang dalawa pagkarating ko rito noong isang araw. Hindi muna ako nagkuwento kung bakit biglaan ang pag-alis ko ng Navarre. I texted Benny that I would be resigning from my work, too, before I went to sleep last night. Pormal kong ibibigay sa kanya ang resignation letter pagkabalik ko roon. Wala na akong plano pang manatili sa probinsya. In fact, I am planning to have a long vacation abroad. Sasama ako kay Calvin.

Georgina sat beside me and rubbed my back gently. Ngayon ko lang sinabi ang nangyari at gulat na gulat pa rin ang mga pinsan ko sa nalaman nila. Georgina even scolded me for keeping them out the shape. Sinarili ko ang problema kahit na puwedi ko namang sabihin sa kanila.

"If I have known earlier, I should've not sold the mansion to him!" gigil na saad ni Georgina dahilan ng lalo kong paghagulhol.

Naghahalo ang kahihiyan, sakit, at tampo ko para kay Hrothgar. Bakit hindi niya sa'kin sinabi ang mga 'to? He proposed to me! I thought he was already ready to let me in? Bakit itinago niya ang katotohanan sa'kin? I deserve to know as far as it involves my parents!

"Don't broaden the issue, Georgina. Itigil mo na rin ang katatanong kay Demeter." iritadong saway ni Calvin habang inaabot sa'kin ang platitong may laman nang pinaghiwa-hiwang mansanas.

"But it would help to make her feel better, Calvin!" giit ni Georgina sa aming pinsan.

"You may be right, but not in a situation like this. Our cousin is damn pregnant! Hindi p'weding ma-stress!"

"Kapag sarilinin niya ang lahat, Calvin, mas lalo lang siyang ma-i-stress! Kailangang mailabas ni Demmie ang mga hinanakit niya."

"Hindi sa ngayon! Nakiki-chismis ka lang, eh. What you should be doing is to make Demeter forget the root of the pain, instead. Imbis na isulsol mo pa, ilipat mo ang atensyon ni Demeter. Ayokong ipaglihi sa stress ang pamangkin ko. And I tell you, it ain't good to have a sadistic child in our family." sabay sulyap sa'kin ni Calvin.

Umirap si Georgina at ipinagtimpla na lang ako ng juice. "Fine, I'll call Clarence to give us ride to the mall nearby. We will buy clothes for your baby, Demeter."

"Clothes? Demeter is only one month pregnant, dugo pa nga lang ata 'yan!" singit muli ni Calvin na sinapak na ni Georgina.

"What unisex clothes are for, then, Cally Vincennes Ampudia Montealegre?" taas-kilay na supalpal ni George sa kanya.

Sumimangot na lang si Calvin at sumubo ng bagong hiwang mansanas. We just found out yesterday that I was already few weeks pregnant. I finally understood why I felt unusual in the past days. Ayaw ko rin sa kahit ano'ng klaseng pagluto ng manok, medyo nasusuka kasi ako. Mabuti nga at hindi maselan ang pagbubuntis ko.

Auntie Velveeta told me I was lucky for not craving out-of-this-world foods. Minsan lang din akong magduwal. Simula kahapon, hindi na ako pinahihintulutan nina Calvin na uminom ng kahit ano'ng malamig para raw hindi masyadong lumaki ang bata sa aking tiyan. I was also deprived of eating sweets. Gustung-gusto ko pa naman sanang kumain n'un. Nga lang, naiintindihan ko naman sila at susunod ako. Ayaw lang nilang mahirapan akong manganak nang normal kapag masyadong malaki ang bata.

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon