A Visit
Magaan ang loob ko nang magising sa umaga. Masarap pala talaga sa pakiramdam kapag nagpapatawad. Hindi na gan'on kabigat at kasakit. Peace is now residing in me. Hindi ako nagsisisi na pinatawad ko si Thrym. Kung kaya kong patawarin si Lily, kaya ko rin siyang patawarin.
Kung alam ko lang na ganito ang pakiramdam, sana dati ko pa binigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Thrym. Nabulag nga lang ako sa sobrang sakit at pagkasira ng buhay ko.
Narinig kong nag-alarm ang cellphone ko sa bedside table. Lazily, I rolled over to the other side to check it. It was a reminder of an appointment with Gov's daughter at eight in the morning!
Napatingin ako sa orasan at nakahinga nang maluwag nang makitang kaaalas syete pa lang. I opened the window above my bed to catch the breeze.
Sa pagdungaw ko, siyang tuluyang pagkagising ng buong sistema ng katawan ko! Pati puso ko nabulabog sa natanaw sa labas.
A sleek, black convertible sat outside. Leaning against it was Engr. Hrothgar Baptiste, a strikingly handsome man in a sky-blue polo and black slacks. His hair was neatly coiled in a low bun, accentuating his strong jawline. He looked, as always, incredibly handsome.
Namataan ko ang iilang teenagers na nakahanda nang pumasok sa eskuwela, naghahagikhikin habang panay ang sulyap kay Hrothgar. Napasimangot kaagad ako at bago pa man siya malingat dito sa bintana ng kwarto ko, mabilis ko na 'tong isinara.
Sobra-sobra ang kalampag sa dibdib ko na pilit ko namang kinakalma. Tumakbo ako sa salamin at nanginginig pa ang mga kamay habang sinusuklay nang maayos ang buhok! Nakailang tingin pa ko kung may dumi ba 'ko sa mukha at nang masiguradong ayos na nga, nagsipilyo rin muna ako at bago lumabas.
I opened the red, metal gate with a bored look. Mula sa pagkakasandal, tumuwid si Hrothgar ng tayo. Siguro kung hindi niya sinabi sa'kin kagabi na susunduin niya ako, paunang tanong ko kaagad sa kanya ay kung ano'ng ginagawa niya rito!
Naalala ko pang sinundo niya talaga ako kaninang madaling araw sa café. Bago pa ako makasakay sa motor ni Nemo para ihatid ako, dumating na ai Hrothgar na busangot ang muka. Walang imik na pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat.
He dragged his feet, approaching me slowly. I stood rigid against the wall, one hand resting on my hip.
"Nagkape ka na ba?"
Tumango lang siya, hindi inaalis ang titig sa'kin. Iniisip ko kung dapat bang nagbihis ako ng mas disenteng damit dahil tanging maikling cotton shorts at maluwag na t-shirt lang ang suot ko ngayon! I even caught him drifting a swift look on my thighs.
Mabilis akong tumalikod at inayos ang confidence ko. Kunwaring hindi naaapektuhan sa mabigat niyang presensya rito.
"Uhm, maliligo pa 'ko. Ikaw, kung mauna ka na lang. Mag-co-commute na lang ako—"
"Hihintayin na kita." mataman putol sa'kin habang nakasunod.
Whirling my eyes around, I pushed the screen door and entered. Pagkapasok, inilibot kaagad ni Hrothgar ang tingin sa paligid.
Uminit ang pisngi ko nang mapagtantong nagmimistulang tirahan ng daga lamang ang sukat ng bahay na inuupahan ko dahil sa tangkad ni Hrothgar at sa laki ng pangangatawan! Ilang pulgada na nga lang at p'wedi nang sumayad ang ulo nito sa hamba ng pinto.
"Magkano ang upa mo rito?" tanong niya nang makaupo sa sofa na nagmistulang lumiit.
"Three thousand a month." sagot ko at binuksan ang TV para may mapaglibangan siya habang hinihintay ako.
I noticed his teeth clenching a bit as he nodded at me. Binuksan ko ang isang pinto at pumasok sa aking kuwarto. If I don't close the door, Hrothgar might see inside. Sinadya ko talagang tagalan ang pagpili sa isusuot na damit at nang makapagdesisyon na, hinagilap ko ang tuwalya.
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomanceR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...
![Recapturing You [RCS#1]](https://img.wattpad.com/cover/138245524-64-k626046.jpg)