Tʏᴘᴇ
Inayos ko ang suot na sumbrero nang marahang inilipad ng hangin ang mahaba kong buhok. Ngumisi ako at isinara ang pinto sa front seat ng aming pick up. Napagdesisyunan kong dumalaw sa rancho ng mga Santiesteban kasi wala akong magawa sa bahay. Ayoko na munang pumunta kina Tita Gaea, naiirita ako sa pagmumukha ng Hrothgar na 'yon.
'Tsaka, baka mamaya ma-issue pa 'kong nagpapapansin sa kanya! No freakin' way. Paninindigan ko ang sinabi kong dadalangan ko na ang pagbisita sa kanila kahit na nag-uumapaw ang kagustuhan kong tumungo roon ngayon!
Lily offered me to go with her, she said that she met some friends in a particular town of this province. Nga lang, umayaw ako. Sigurado naman kasi akong hindi ako mag-e-enjoy roon.
Why, Demeter? Because Hrothgar isn't there? Dito ka bumisita kasi alam mong makikita mo siya rito sa rancho?
No! Of course, not! Si Thrym ang ipinunta ko rito. Magpapaturo akong mangabayo para may magawa naman ako sa ilang buwan kong pamamalagi rito! Doing nothing at home would only bore me to death, okay?!
"Miss, ano'ng oras po ba kayong magpapasundo?" si Nicassio sa kalagitnaan ng pag-iisip ko.
Hinawi ko ang buhok at pinasadahan ang suot kong button down, beige three-fourths sleeves na pinaresan ko ng itim na tight pants at boots. Nagugustuhan ko na ang outfit na ganito kahit papaano. I eventually found it cute.
"Nope, ako na lang ang uuwing mag-isa." nakangiti kong sagot sabay tingin pa ng itsura ko sa may side mirror ng sasakyan.
"Pero, Miss Demeter, baka po makagalitan ako nina Señora kapag malamang pinabayaan kitang umuwing mag-isa." he reasoned out worriedly.
I widened my smile at him. "No worries, Nicassio. Wala naman sila rito, it's not like the maids will tell Mom that I arrived home all alone!"
"Eh, baka po magsumbong si Manang Amelia..."
"Shush! Walang mangyayaring gan'on, ako nang bahalang magpaliwanang doon. Smile, Nicassio! Gosh! It's not a big problem, stop worrying yourself. Magpapahatid na lang ako kay Thrym pauwi o sa mga tauhan nila rito, okay?"
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, tinakbo ko na ang dalawang metrong distansya patungo sa mansyon nina Thrym. Ngumiti sa'kin 'yong may katandaang hardinero na abala sa pag-aayos ng mga bulaklak sa may grand entrance ng mansyon.
I smiled and waved at him. "Si Thrym po?"
"Ay, 'neng, sa susunod na araw pa ang dating. Nasa Maynila kasi, may inaasikaso pa."
Kumurap-kurap ako. "Oh! Nobody's inside, then?"
"Mayroon naman po, mamaya at tatawagin ko lang si Sylvia." Pumasok ito sa loob kaya naiwan akong nakatayo sa labas.
Sa susunod na araw pa ang dating ni Thrym? Paano ba 'yan, eh 'di mag-isa akong maglilibot dito! I really wanted to go to near the cliff now. Gusto ko roon sa may malaking puno at swing. Sariwang-sariwa doon at ang sarap yatang tulugan. I thought about about borrowing a small blanket here so I could lay it down on the ground. Kaso nga lang, malayong-malayo. Hindi ko yata kakayaning maglakad lang.
"Hija, may mga bagong pitas ng mangga kami rito! Gusto mo bang matikman?" bungad n'ong matandang babaing kalalabas lang ng mansyon.
"Hmm, sige po! Pero ayoko sa masyadong maasim." nakangiwi kong sagot.
Tumawa ito at hinawakan ang braso ko para maigiya ako papasok. "H'wag kang mag-alala. Katamtaman lang naman ang lasa ng mga na-harvest nina Pekto. Tikman mo muna at p'wedi ka naming bigyan pa nang marami."
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomantizmR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...