Eager
Ramdam ko ang mga titig ni Hrothgar habang sinusuklay ko ang aking mahabang buhok. He indeed didn't take long. Umuwi kaagad siya pagkagaling ng Capitol. Sa totoo lang, hindi pa umaabot ng dalawampung minuto ay nandito na siya kaagad.
Nakatulugan ko pa siyang nakaupo sa gilid ng kama, matiim akong pinagmamasdan. He remained silent when he noticed that I was too bothered I couldn't even speak.
I woke up catching him sipping on his coffee while sitting on the Cleopatra single chair. I didn't think he even took his deep eyes off me.
Tahimik akong bumangon nang makitag alas tres y medya na ng hapon. I started preparing for work quietly. Nakakabingi siguro para sa kanya pero hindi ko 'yon kayang pagtuunan ng pansin sa ngayon.
My chest still felt so heavy. Dinig ko pa rin ang mga sinabi ng mga kaibigan niya at tandang-tanda ko pa ang tono nila. That was very insulting and painful on my part.
They judged me without asking what really happened in the past. Nakukuha ko iyong ganoon sila mag-re-react kasi mga kaibigan sila ni Hrothgar. Nagmamalasakit sila at nasasaktan para sa kaibigan nila. Hindi ko lang talaga nakayanan ang sinabi nilang pera lang ang habol ko kay Hrothgar porket mahirap na 'ko.
Naligo ako nang hindi kinikibo si Hrothgar. It may be unfair on his part, kasi siya ang binibigyan ko ng ganitong reaksyon pero hindi naman talaga gan'on ang iniisip ko. Nalilito ako at nahihiya sa kanya. Saka lang ako gumawa ng hakbang na magkabalikan kami ngayong maayos na ang kalagayan niya sa buhay.
He kept assuring me that he didn't think of me like that, but still... I couldn't help being affected by his friends' words. I continued on ignoring him, he maintained watching my actions, though. Ngumuso siya nang mag-spray ako ng kaunting pabango.
Bago pa man magtama nang matagal ang mata namin, nauna na akong mag-iwas ng tingin sa salamin. He started fixing the collar of his black, polo shirt without taking his intent stares off me. Hindi ko matagalan iyon kaya naman mabilis kong tinapos ang ginagawa.
Matapos magdampi ng kaunting lipstick sa labi, hinagilap ko ang aking sapatos para maisuot. After that, I grabbed my handbag and left the room without saying a word. Nakita kong mabilis niyang tinapos ang pag-aayos sa sarili at wala pang ilang segundo, nakasunod na siya sa likuran ko.
Hanggang sa makababa kami, hindi ko na siya kinausap kahit ramdam ko ang mga hakbang niya sa likod ko. Nasa harapan na kaagad ang kanyang sasakyan nang makalabas kami sa bulwagan ng mansyon.
Sa totoo lang, wala akong planong magpahatid sa kanya ngayon pero nang umamba akong lalampasan ang sasakyan niya, maagap niyang nahagilap ang braso ko para hapitin ako palapit sa kanya. The carefulness and dark color were reflecting in his cold, gray eyes.
"Get in, please. Sabi ko ihahatid kita." mahinahon niyang sinabi habang binubuksan ang front seat ng sasakyan.
Huminga ako nang malalim at walang ingay na pumasok sa loob. Tahimik niyang sinarhan ang pinto at bago muling kumilos patungong driver's seat, nakita ko pa siyang namaywang saglit habang pinipisil ang gitna ng noo. Tila ba may malaking problemang kinakaharap ngayon.
Pagkatigil pa lang ng sasakyan sa café, inunahan niya akong lumabas kaso hindi na siya umabot sa pagbubukas sa'kin ng pinto, naunahan siya. Walang lingon akong pumasok ng café.
Saka ko lang siya binalingan nang masiguradong hindi na niya ako makikita pa. He went back to his car but it almost took ten minutes before he started its engine and drove forth. Kasabay ng pagkawala n'on ay ang pagkakaroon ng hungkag sa kaloob-looban ko.
"Dem! LQ kayo ni Engineer Baptiste?" Benny playfully intrigued me as I made a beeline to the kitchen.
Umiling na lang ako at tipid siyang nginitian. Tahimik ako sa buong paggawa at pagdisenyo ng mga cakes. Kung hindi ko lang naririnig ang usapan nina Nemo, Benny, at Canssio sa likod, maiisip kong mag-isa lang talaga ako rito sa sobrang pananahimik ko.
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomanceR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...
![Recapturing You [RCS#1]](https://img.wattpad.com/cover/138245524-64-k626046.jpg)