ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 2

5.1K 154 8
                                    

I Wᴏɴ'ᴛ Mɪɴᴅ

Aғᴛᴇʀ ᴅᴏɪɴɢ ᴍʏ ʜᴀɪʀ, I grabbed my handbag and checked myself on the mirror before clearing out my room. I instantly opened the door when I heard three knocks on it. Nadismaya ako nang tumambad sa'kin si Adele na nakasimangot.

"Mag-aagahan na! P'wedi namang hindi ka na ipatawag ni Engineer! Hindi ka naman bisita rito. Tsk!" Pumihit siya patalikod at padabog na nagmartsa pababa.

Inikot ko ang mata at humalukipkip habang naglalakad. Nang maalala ko ang sinabi niya kanina, nagdiwang agad ang kaloob-looban ko.

Pinapatawag niya 'ko? Does he want me to join him on his breakfast? Kinagat ko ang ibabang labi. Kinukuryente na naman ang bawat ugat sa puso ko. Nga lang, wala ako naabutang ni anino ni Hrothgar sa dining room maliban kina Mary na abala na sa pagliligpit ng mga ginamit na plato, kutsara, at baso.

"Kumain ka na," seryusong saad ni Manang Amelia nang hindi ako tinitingnan.

"Si E-Engineer po?"

"Kaninang umaga pa umalis." malamig niyang tugon at tumalikod na.

Bumagsak ang balikat ko at saglit na natulala. Bakit niya pa ako pinatawag kung hindi naman pala siya sasabay sa'kin?

"Ms. Demeter, kumain ka na." Ipinaghila ako ni Mary ng upuan saka inihanda ang pagkain ko.

"Mary, it's okay. Kaya ko namang maghanda ng sarili kong pagkain."

Umiling lang siya at itinuloy ang ginagawa. "Minsan na rin po kitang naging amo. Dahil sa pasweldo ng magulang n'yo, nakapagpadala ako ng pera sa pamilya ko kaya tinatanaw ko 'yong utang na loob."

Matagal akong napatitig sa kanya. My heart suddenly melted from her words but I didn't show it. Sa mga nagtrabaho sa amin, tanging si Mary lang at Nicasio ang hindi nagbago ang pakikitungo sa akin at nanatiling may respeto.

"Bilisan n'yo d'yan, Mary. Magtutulungan pa tayong linisin 'yong isang kwarto sa taas." si Adele, lumipat ang tingin niya sa'kin at sa pagkain sa lamesa.

Kitang-kita ko ang pag-asim ng kanyang mukha na para bang maling kumakain ako rito. Kaya mas gusto kong kumakain na lang sa labas, eh! Dahil doon, mas nabubusog pa 'ko.

"Tatapusin ko lang ang paghuhugas ng plato, Ms. Demeter..."

"Ako na lang, Mary, pagkatapos ko. You should help them now." balewala kong saad habang malamig na tinitingnan si Adele.

"Aba'y dapat lang, 'no! Hindi ka naman bisita rito!"

Pumikit ako nang mariin upang kalmahin ang sarili. Mapapatulan ko na talaga 'to!

"Adele, tama na 'yan! Wala namang ginagawa sa'yo 'yong tao!" si Mary na hindi na yata nakatiis.

"Bahala ka, Mary! Para namang hindi ka rin napahirapan ng mga magulang n'yan!"

Hindi ko talaga alam kung ano'ng sinasabi nila. Maayos naman dati ang pakikitungo nina Mommy sa kanila, eh. O baka hindi ko lang nakita?

"Mary, ano'ng kwarto raw ang lilinisin at bakit?"

"Iyong kwarto ni Ms. Lily po. Patatanggalan na ng mga gamit at i-re-renovate. Gagawin yatang mini-office ni Engineer."

Walang pasabing iniwan ko ang pagkain sa lamesa para makaakyat sa taas. Pinaghalong kaba at sakit ang bumabaha sa dibdib ko habang tinatahak ang hallway papunta roon.

Damn, I'm ready for the renovation of the mansion, pero hindi ako handa na papakialaman ang kwarto ng kapatid ko!

Nakita kong inilalabas na nina Nicasio ang malaking kama na ginagamit noon ni Ate. Parang may gumigiba sa puso ko habang nakikitang unti-unti nilang tinatanggal ang iba pang mga gamit doon.

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon