Two Painful Events
Bigo kaming bumagsak ni Benny sa U-couch ng kanyang bahay pagkagaling na pagkagaling namin sa palengke. Hindi pa rin ako nakakalimot sa eksena nina Hrothgar at Nelly sa palengke. Nand'on pa rin ang bigat sa dibdib ko kahit nang bumibiyahe na kami ni Benny patungo rito sa kanila.
"That woman is such a threat, Dem! We need to eliminate her!" gigil niyang saad.
"Gaga! Eliminate ka d'yan, ano'ng akala mo sa'kin, serial killer?" busangot kong sagot na siyang nagpahagalpak sa kanya.
"Dapat kasi inaakit mo 'yang si Hrothgar! Subukan mong pasukin sa kwarto nang tanging pulang lingerie lang ang suot. Tingnan natin kung tanggihan ka pa n'on!"
I was very well aware that she was just joking when she said that. Alam ko ring sinabi niya lang iyon para hindi ako mawalan ng pag-asa at para mapawi ang lungkot ko. She did not want me to take her words seriously.
However, I was already desperate and threatened enough by Nelly's presence so I had to swallow my pride and take Benny's joke!
Kabado akong mahuli at tuluyang maagawan. Kung kinakailangan kong ibaba ang sarili nang ganito para lang makuha ulit si Hrothgar, hindi na ako mag-aalinlangan pang gawin iyon.
Natagpuan ko ang sarili sa loob ng kwarto ni Hrothgar. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan sa sobrang kaba sa gagawin ko. Iniisip ko pa lang, mistula na akong mahihimatay. Mas lalong nagpapalala sa lamig ang suot kong pulang lingerie na pinatungan ko ng isang silk robe na kulay pula rin. My hair was still in mess, I did not bother to comb it well right after taking a bath tonight.
Isang kahibangan 'tong gagawin ko pero nakahanda pa rin akong subukan kung gagana ba. Who knows? Baka magtagumpay ako sa pamamagitan nito!
Before, the only thing that could ease his anger was a kiss. Hindi ako sigurado kung ganun pa rin iyon hanggang ngayon pero susubukan ko nang malaman ko.
Halos mapatalon ako nang sa kalagitnaan ng pag-iisip at pag-iipon ng lakas ng loob, bumukas ang malaking pinto ng bathroom para iluwa roon si Hrothgar na nakasuot pa rin ng puting three-fourths polo at itim na slacks! Bahagyang basa ang kanyang buhok sa taas ng noo, mukhang katatapos pa lang maghilamos.
Bahagyang umawang ang labi niya nang maabutan akong nakaupo sa kanyang kama at hindi lang iyon, suot pa ang kakarampot na bestida! His brows knitted in frown, his cold eyes seemed a little confused. Sa kabila roon, malinaw rin kung gaano niya kadisgusto ang presensya ko rito. Nag-init ang magkabila kong pisngi nang maalala kung ano ang pakay ko.
I was here to fuckin' seduce him!!
Hindi nga ako sigurado kung maaakit ko ba siya! Nagsisisi na ako na hindi ko pinag-isipang mabuti ang pinaplano ko ngayon.
I got blinded by my fuckin' impossible hopes! Ibang-iba nga sa totoo nang sitwasyon. I was fricking confident with my outfit when I went out of my room but his sharp gazes put my confidence away. How I wish to just completely disappear in front of him!
"What are you doing here?" mariin niyang tanong habang matiim ang titig sa akin.
Halos mabingi na ako sa bawat rahas ng kalampag sa dibdib ko, tumatagos sa aking ribcage. Nagkagulo ang mga paru-paro sa aking tiyan. Hindi ko na alam kung alin pa ba ang pagtutuunan ng pansin.
"M-May mga bagay lang akong gustong klaruhin, Hrothgar... Kagaya nung unang gabi." sabi ko, tinutukoy 'yong nakita niya sa'min ni Apollo nang ihatid nila ako ni Benny rito.
"What about it?" he inquired, never taking his dusky eyes off me.
Napalunok ako bago magsalita.
"'Yong lalaking naghatid sa'kin, b-boyfriend ni Benny 'yon. 'Yong boss ko." Pinisil ko ang mga daliri para mabaling ang kaba roon.
BINABASA MO ANG
Recapturing You [RCS#1]
RomanceR-18 COMPLETED The greatest storm in Demeter Stella Ampudia's life began upon denying her beloved in front of her family... She made lots of promises to him but she broke them all through giving up the largest portion of her happiness. She was so...