ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 10

4.1K 122 7
                                        

Fɪɴᴀʟʟʏ Sᴀғᴇ

"Tita, tutulungan ko na po kayo." alok ko sa kalagitnaan ng paghuhugas niya ng mga pinggan.

"Ayos lang ba sa'yo? Baka mabasa ang damit mo, hija."

Ngumisi ako at tumango. "Of course, Tita! 'Tsaka okay lang po kung mabasa, matutuyo rin naman 'yon!"

"O, sige." Ngumiti siya at umusod para magkasya kami sa lababo.

Kadarating ko lang kanina matapos kong mananghalian. Hindi ko nga naabutan si Hrothgar, may binibili raw sa palengke. Sayang, sumama sana 'ko!

Oo, nagtampo ako sa sinabi niya n'ong nakaraang araw pero hindi 'yon naging rason para mawala ang paghanga ko sa kanya. I didn't know but my feelings for him got ignited even more. Siguro dahil sa paraan ng pagtanggi niya sa'kin. Our image being so close together was still so fresh in my mind.

"Dumadalas yata ang dalaw mo rito." puna ni Tita habang sinasabon ang mga pinggan, baso at kutsara.

Uminit ang pisngi ko sa narinig. Tumikhim ako at tinabunan ng ngisi ang hiyang kumalat sa sistema ng katawan ko.

"W-Wala po kasi akong magawa sa bahay. 'Tsaka wala rin po akong mapasyalan."

"Hmm, 'di ka pumapasyal sa rancho ng mga Santiesteban?"

Umiling ako. "Si Ate po kasi ang malapit d'on, eh."

Liar! Parepareho kayong malalapit sa isa't-isa. He was your childhood friend! Right, naging ilag lang naman ako nang malaman kong ipapakasal ako sa kanya. 'Tsaka kapag d'on ako tumambay, paniguradong maiinis lang ako buong araw. Hindi ko nga alam kung nasaan si Lily, kung nasa mansyon ba o ano. And likewise... she didn't know where I always went.

"Kaya pala. Mabuti naman at hindi ka naiinip dito? Walang masyadong magandang gawin."

Sunud-sunod akong umiling at mas nilakihan pa ang ngiti. "Nag-e-enjoy po ako! I get to learn new things everyday. Baka nga po akong itong nakakaabala?"

Maagap siyang umiling at hinawakan ang braso ko. "Sa totoo lang, masaya akong may nakakasama ako rito sa bahay. Palagi pa namang wala si Hrothgar."

I was thankful that his Mom liked having me here. I wondered if he felt the same, too? Nang matapos ay nagkasya ako sa paghihintay kay Hrothgar sa sala, naglilinis kasi si Tita ng banyo. I offered her a hand but she firmly refused. She said that she'd let me help with easy chores except for cleaning the comfort room. Kaya naman inabala ko na lang ang sarili sa cellphone ko.

If Hrothgar thought that turning my feelings down would stop me from coming again, he was definitely mistaken. I was not giving up easily. Hindi ko alam... refraining myself from seeing him would just fuck up my mind miserably.

Tumatamlay ang katawan ko at natatamad ako. Everything turned out gloomy for me unlike when I was here, I felt so much comfort and satisfaction. Kahit na si Tita lang ang madalas kong nakakausap kasi naroon naman siya palagi sa rancho. Kung tutuusin, p'wedi ko naman siyang puntahan doon, pero mas masarap sa pakiramdam na rito ko na lang siya hinihintay.

The door opened while I was fiddling my feet. Hrothgar's piercing eyes immediately found me. Kumuyom ang panga ni Hrothgar kasabay ng pagdidikit ng makapal na kilay. My breath hitched when I saw how his face turned so dark.

"Nandito ka ulit?"

My lips turned into a grim line. Parang tinusok ang puso ko, umiwas ako ng tingin at itinuon sa cellphone ko ang mata. At my peripheral vision though, I noticed him looming closer until he stopped half of a meter away from me.

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon