Chapter 23

3.8K 137 17
                                    

Same Brat

"Dem! You're early, I'm happy!" maligayang bungad sa'kin ni Benny pagkapasok ko pa lang ng café.

Natawa na lang ako. Ang lakas ng boses, hindi man lang nahihiya sa ibang customers na naririto.

"Good morning!" I sweetly greeted her.

"Mabuti't nag-umaga ka! Did you bring good clothes for tonight? O uuwi ka sa inyo para magpalit?" aniya habang sinusundan ako patungong kusina.

"I'll just go home, Benny. Para makapag-ayos na rin ako nang maayos."

"Hmm, okay! Don't take long, huh?" bilin niya at saglit na lumabas para tawagin si Scooby Doo.

This must be a special day for them. Kasi hindi naman ako kukulitin nang ganito ni Benny kung hindi malaking bagay ang araw na 'to para sa kanila ni Apollo.

Their relationship was not perfect just like in the fairytales but for me, it was. Although they fight at times, but Apollo always took the first move to make up with Benny. He was naturally sweet.

Napaangat pa ang kilay ko nang mapansing medyo marami-rami 'yong customers ngayon. May mga order ng kape lalo na't mas malamig ngayon ang klima ng Navarre kaysa sa usual nitong lamig. Marami rin ang nag-o-order ng cakes at cupcakes, mabuti na lang at katulong ko si Scooby Doo rito.

"Hey, Scooby Doo, you make coffees. Kami na ni Demmie rito sa mga cakes." sabi ni Benny nang makalapit sa'kin.

Hindi na ako umapela kahit na alam kong makikipag kuwentuhan lang sakin si Benny ngayon.

"Areglado, Ma'am!"

Pinanliitan ito ng mata ni Benny at sinapak dahilan para mapasimangot si Scooby Doo. Pinigilan kong matawa, at baka lalo lang mahiya itong katrabaho ko. Siguro kung hindi lang kami sanay kay Benny, matagal na 'tong naireklamo!

Nga lang, hindi naman talaga ganun kasama si Benny, saka lang kapag tinutupak. In fact, she was really nice and helpful. Walang alinlangan itong tumutulong sa mga empleyado niya lalo na kung kaya niya naman, kahit pa problemang pinansyal.

"H'wag ka ngang ngumisi! Badtrip ako ngayon!"

Kinamot ni Scooby Doo ang likod ng ulo at lumabas na ng kusina. Inangat ko ang kilay nang binalingan ako ni Benny.

"What?" Her defensive tone made me smirk.

"You're so bad, Benny. Bakit ang sama yata ng araw mo?"

She snarled and folded her arms across her chest. "I saw Apollo with a girl yesterday."

So hindi pala kami tuloy mamaya? Bakit naman excited siya nang salubungin ako kanina?

"Okay? What about it? Baka kaibigan lang. Palakaibigan ang boyfriend mo, 'di ba?" sabi ko at ni-operate ang coffee maker machine.

"Definitely not a mere friend! With Apollo's hands resting on her waist? Don't you think it's off limits, Dem?"

Nilingon ko si Benny at binigyan ng nanunuyang tingin.

"I never thought that you're very conservative, Benny? Eh, minsan naman inaakbayan mo rin sina Popeye at Scooby Doo, 'di ba?"

Mas lalong tumirik ang mata nito. "Basta para sa akin, lampas na sa boundary 'yon!"

"Gusto mong ikaw lang ang may karapatan, gan'on? Geez, Benny! What happened? You sound immature." tudyo ko pa at tinalikuran siya para maiabot kay Popeye ang dalawang cakes.

"Shut up, Dem. Kaya siguro gusto niyang mag-bar kami kasama kayo dahil guilty siya. It's his way of compensating the mistake that he probably comitted! Hindi ako gaga para mabilog niya."

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon