ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 16

4.1K 125 15
                                        

A Tᴇᴀsᴇ

I got so excited about Hrothgar's promise last night. Kaya naman, mas inagahan ko talaga ang pagpunta sa kanila. Hindi ko na naabutan si Tita Gaea pagkarating ko. Sabi ni Hrothgar isinama raw ito ng kaibigan niya, mukhang may aasikasuhin.

"Dapat sinabi mong pupunta ka na, nasundo sana kita." ani Hrothgar.

Naglalambing na niyakap ko siya sa batok samantalang ipinirmi niya ang palad sa magkabilang gilid ng baywang ko. Nakangiti kong sinuri ang makapal niyang kilay, malalim na mata, matangos na ilong, at pirming panga. Ang gwapo talaga ng nilalang na 'to!

"You told me that you will kiss me... hard." I murmured teasingly.

Umawang ang labi niya saglit at umiling kalaunan.

"Patingin..." hinagod niya ng hinlalaki ang ilalim ng mata ko, kunot ang noo habang sinusuri ako.

"Tss, alam kong maaga kang natulog. You can't fool me, Dem." nakangisi niyang saad saka ipinulupot ang braso sa baywang ko habang naglalakad kami patungong kusina.

"Ang tagal naman ni Tita." wala sa sariling usal ko habang naghihila ng silya para makaupo.

"Ayaw mo, solo mo 'ko rito sa bahay?" he teased while wiggling his eyebrows.

Umiwas ako ng tingin at pinigilan ang sariling ngumiti. Pula na ang pisngi ko, samantalang nakaangat ang kilay niya. Nawiwili na naman.

"H'wag mo nga 'kong tinitingnan!" I spatted at him making him chuckle a little.

"Bakit hindi? Girlfriend naman kita at nagagandahan ako sayo. Lalo na ngayon."

Nakatayo siya sa tabi ko at nakatukod ang isang kamay sa sandalan ng aking inuupuan. Umusok kaagad ang pisngi ko sa simpleng banat niya.

"K-Kahit na. It's rude to stare daw, eh." I laughed nervously.

"Hmm, ganun daw ba?" Inanggulo niya ang ulo at lalo lamang akong nilunod ng tingin.

"Yes!" giit ko habang tinitingnan siya nang masama.

Ngumisi siya at humilig palapit sa'kin. My throat instantly turned arid at his move.

Kasabay ng pagbagsak ng mata niya sa aking labi ang paglunok ko. Bumalik ang titig niya sa aking mata at bumaba muli sa aking labi. Unti-unti kong inabot ang leeg niya at iniyakap doon ang braso ko.

I angled my head and brushed my lips against his. That made him smile. Marahan at swabe ang bawat paglapat ng labi niya sa akin.

Itinigil lang ni Hrothgar ang halik para makasagap ako ng sapat na hangin at muli na naman akong siniil ng mas malambing na halik na buong puso ko namang tinugon.

"Baka dumating na si Tita at maabutan tayong ganito." bulong ko nang maputol ang halikan namin.

He licked his lower lip. Nanatili siyang nakayuko sa akin habang kinakagat ang ibabang labi upang pigilin ang ngisi.

"Aayusin ko lang ang mga pagkaing dadalhin natin."

That made me frown. Inayos niya ang buhok na tumatabing sa aking mukha. Mabilis ang tibok ng puso sa sunod niyang tinuran.

"Date tayo," aniya habang nag-iiwas ng tingin.

Lumawak ang ngiting nakabalandra sa aking mukha.

Sa kalagitnaan ng highway ay nagpatigil si Hrothgar sa tricycle. Kumunot ang noo ko. Puro kakahuyan at damo pa ang paligid ng highway.

Ano 'to, date kami sa gitna ng daan? Ang korny pala nitong si Hrothgar! Jejemon din pero sige, ayos na sa'kin 'to! Importante, kasama ko siya.

Nagulat ako nang tapikin niya ang noo ko pagkaalis pa lang ng tricycle. Napahawak ako roon at nakasimangot siyang tiningala.

Recapturing You [RCS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon