CHAPTER 1: Dream Catcher

4.3K 67 0
                                    




Aeron's house

9:00 pm

Aeron's POV

"Okay. Paano ko ba sisimulan to?"

"Siguro mag sisimula ako sa isang maikling kwento ..."

"It was 7 years ago, a 10 year old boy was crying alone on a bench at the abandon park. Sobrang lungkot nung bata ngunit nagulat siya ng may isang batang nag bigay sa kanya ng isang Dream catcher. Sabi ng bata ay di lang siya gagabay ng dream catcher sa pag tulog kundi bibigyan din siya ng mga happy thoughts pag kailangan niya. So ayon that young boy is me at eto yung Dream cather na yon." Sabay taas ng isang dream catcher habang sina Nat, Josh at Shift ay kumakain ng mga chichirya sa kama ko.

"Ano yung bata? Lalaki or babae?" Tanong ni Josh.

Siya nga pala si Josh, ang pinaka play boy sa grupo, dahil na rin siguro sa kagwapuhan niya kaya madaming umiidulo sa kanya, mapa babae man or nangangarap maging babae. Bukod sa kagwapuhan ay magaling din siyang sumayaw, siya ang leader ng TRIANGULUM isang sikat at magaling na dance group sa school namin.

"Basta yun yung kwento kung paano napunta sakin tong dream catcher na to." Sagot ko naman sa kanya.

"Wait, kaya mahalaga sayo yang dream catcher nayan ay dahil binigay sayo ng isang ramdon na bata nung bata ka pa? Tama?" wika naman ni Shift.

Eto naman si Shift ang artist ng grupo. Lahat ata ay kayang i drawing ng kaliwang kamay niya. Magaling siya sa sketching, painting, animating at pati sa designing. Di tulad ng iba kong kaibigan ay di siya approachable, halos kami lang ang kinakausap niya ultimo mga babaeng umiidulo sa kanya ay iniisnob niya. Lahat ng mga bulaklak at sulat galing sa iba ay tinatapon o sinusunog niya, kaya swerte kaming mag kakaibigan dahil samin napupunta yung mga chocolate.

"Oo sa tigin ko." Sabi ko naman sa kanya.

"Sandali nga paano ba tayo na punta diyan sa dream catcher? Balik tayo sa topic natin kanina, ikaw na ang bagong student council president ng Dreamline Academy, tiyak first week palang ay tatanungin kana kung ano activity mong icocoduct for the sake of student's enjoyment." Eksena ni Nat.

Ang huli naman ay si Nat, ang pinaka magaling na theatre actor na nakilala ko. Siya ang president ng drama club ng school. Napaka galing niyang umacting kaya pag may mga acting completion or mga filming competionna kailangan ng Actor ay siya agad ang kinukuha. Pero kahit na kilala siya sa school bilang magaling na actor ay mas kilala parin naming siya bilang ang tanga dahil 12 times na nga siya niloloko ng girlfriend niya ay binabalikan parin niya ito at sa kasamaang palad ay samin siya umiiyak, kahit na dis-oras na ng gabi ay sumusugod pa siya sa mga bahay naming para umiyak.

"Di ko nga den alam kung paano tayo napunta dito sa dream catcher, pero ang totoo niyan ay di pa ko sure kung ano." Sagot ko naman.

"Hala! Totoo ba?" tanong ni Shift.

"Dapat maka-isip na kayo agad. Naaalala mo ba 3 years ago nung tinanong si ate Scarlet-former student council president- ng principal kung ano i cocoduct niya tapos wala siyang nasabi agad?" kwento ni Nat.

"Ako naaalala ko, pinalinis lang naman sa buong student council ang lahat ng classroom araw araw sa loob ng 50 days at di pa natatapos don, pinalinis kay ate scarlet ang lahat ng cr sa school mag isa sa loob ng 60 days. Pero teka naaalala niyo ba two years ako nung si kuya Michel-also a former student council president- naman ang walang na sabi agad?" Tanong naman ni Josh sabay taas kilay ng paulit ulit.

"Ako naman mag kukuwento, ito ba yung pina suot sa kanya ang school mascot within 6 months sa loob ng school, nag kakaklase man or kumakain sa canteen. Tapos, lahat ng member ng student council ay pinag suot ng fin ng pating sa likod at buntot dahil shark ang mascot ng school." Sagot naman ni Shift.

"Oo na, first day palang papa conduct na ko ng meeting para sa activity. Pero feeling ko naman magagaya ko si kuya Seed, ang last year's school council's president na tanging din na parusahan ng principal." Sagot ko naman sa kanila.

"Sige, good luck my friend. Teka gumagabi na din pala mauna na kami Aeron." Wika ni Shift.

"Ay oo nga." Wika naman ni Nat. "Sige una na kami." Dagdag pa niya.

At ilang saglit pa ang lumipas ay umalis na nga sila ng bahay namin. Nga pala di pa ko masyadong nag papakilala, ako si Aeron. Aspiring director, script writer and videographer. Tulad ng narinig niyo kanina ay ako ang Student Council's President, at naka dikit dito ang salitang pressure dahil na din sa mga nangyari sa mga nakarang taon pero syempre kakayanin. By the way, nakilala niyo naman na ang mga kaibigan ko, sila ang mga kaibigan ko noon pa at tinatawag namin ang grupo naming DREAM FOLLOWERS. Yes lahat kami ay sikat sa school sa kanya kanyang larangan pero di namin masyadong iniisip dahil ang gusto lang naman naming ay maenjoy ang buhay. Bali saming apat ako ang pinaka adventurous at pinaka cute daw. Pag dating naman sa pamilya ay Masaya naman ang buhay ko, si Mama at Papa ay perehong may maganda at permanenteng trabaho kaso halos once a week lang sila umuwi pero okay lang naman kase nabibigyan naman nila ko ng sapat na pag mamahal, pero dahil nga wala sila lagi sa bahay ay ako lang ang natitira dito mas isa. Kung iniisip niyo kung paano ko nabubuhay mag isa ng ganon, wag kayong mag alala to the rescue lagi si Tita Pitchy. Mag katabi lang ang bahay namin. May asawa ngunit walang anak kaya todo din ang pag aalaga niya sakin. Tuwing umaga at gabi ay nilulutuan niya ko ng kakainin ko at siya na den ang bumibili ng grocery. May kapatid din ako pero wala din siya dahil nag aaral na ng collage. All in all ay Masaya naman ako sa pamilya, kaibigan at school.

"Aeron, pwede bang pag buksan mo ko ng pinto madami kase kong dala." Sigaw ni Tita Pitchy sa labas kaya agad ko naman siyang pinag buksan.

"Good evening Tita." Bati ko sa kanya.

"Good evening den, nga pala eto na yung mga binili kong snack at mga ready to eat meals mo. Ikaw nalang mag lagay sa Ref. Nga pala eto may binili din akong paborito mong Strawberry milk Shake." Wika niya sabay bigay sakin.

"Salamat Tita! The best ka talaga!" wika ko sabay higop sa strawberry milk shake.

"Nga pala, sa mga susunod na linggo kase baka umalis kami ng Tito mo at pumuntang Korea for vacation, di ko alam kung ilang linggo kami don. Tapos yung best friend ko, yung anak niya lilipat daw sa school mo kaso wala pa daw lilipatan kase malayo yung kanila. Nag papahanap sakin ng titiran. So naisip ko dahil wala ka naman halos kasama dito sa bahay at aalis nga kami ng tito mo for vacation, mas maganda kung dito nalang siya. Okay ba yon? Wag ka mag alala at lalaki yon kaya makakasundo mo siya agad, marunong din daw yon mag luto sabi ng best friend ko. Pinaalam ko na din to sa Papa mo pumayag naman siya pero hingin ko din daw opinion mo." Wika ni Tita.

"Okay yon Tita para di ako laging mag isa dito sa bahay pero san siya matutulog?" tanong ko naman.

"So eventually di siya pwede sa Room ng Parents mo, so dun siya sana sa kwarto ng kuya mo, ang problema ay tinawagan ko kuya mo kanina at siya lang may susi non at 2 months pa siya bago umuwi dito ulit. So tatanungin nga sana kita kung pwedeng mag kasama muna kayo sa kwarto mo habang wala pa kuya mo. Okay lang ba?" Tanong ulit ni Tita.

"Sige sa kwarto ko nalang po at pereho naman po kaming lalake." Wika ko naman.

"Sige una na ko Aeron. Bye." Pag papaalam ni Tita.

"Sige po." Lumabas na siya ng bahay at sinara ko na den ang gate at pinto. Dumeretso na ko sa kwarto ko para maligo, pag katapos ay humiga na ko katabi ang dream catcher hoping na mapanaginipan ko ulit yung bata.


---The memories will soon forget by your mind

but what you feel will always rememberby your heart.---

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon