CHAPTER 45: Untold Story (Zac)

833 29 3
                                    





7 YEARS AGO

Young Zac's POV

"Okay lang mag libot basta wag masyadong lalayo at huwang gagawa ng gulo." Wika ni Mama habang siya ay nasa labas ng sasakyan namin samantalang ako at yung dalawa kong kapatid ay nasa loob.

Medyo sutil ako, makulit at magulo

"Sige Ma ako bahala sa kanila." Wika ni Ate at tuluyan nang umalis na si Mama at pumasok ng Simbahan.

"Kayo dalawa samahan niyo ko." Sabi ng Ate.

"San tayo punta Ate?" Tanong ko.

"May nakita kong gwapo sa labasan, hihingin ko number. Gagawin kong Textmate." Sagot ni Ate.

"Hay Ate wag ka nang mag hanap ng Gwapo hindi ka naman maganda." Pang aasar ni Kuya habang may suot na Head Set na amoy suka na sa asim.

"Alam mo kasama ng Ugali mo, hindi ko ibu-bluetooth sayo yung 'Namimiss kita'." Pananakot ni Ate.

"Ano po yung 'Naminiss kita?'" Tanong ko dahil di ako mahilig sa music.

"Edi yung'Nasan ka na ba mahal ko,namimiss kita pag di ka nakikita ano ang dapat kong gawin para lang malaman mong ikaw ang mahal.' " Kanta ni Ate ng isang sikat na sikat na kanta ngayon.

"Okay lang, mag papatugtog nalang ako ng 'Facebook'." Wika ni Kuya. "At dahil sa Facebook, na in L-O-V-E sayo." Sabay kanta ng malakas ni Kuya.

"Bahala ka, ikaw nalang Zac sumama sakin. Pag hindi mo ko sinamahan hindi kita papahiramin ng Cellphone ko. Di ka makakapag laro ng Bounce at ng Snake." Pananakot sakin Ni Ate.

Syempre gusto ko maka pag laro ng bounce sa cellphone niya kahit ginagamitan ko lang naman ng Cheat na '787898' para di ako namamatay.

Sinamahan ko mag lakad lakad si ate at dahil mukhang nag kakamabutihan na sila nung kinakausap niya ay nag paalam ako para maka gala din. Gusto ko kase mag itsya ng piso sa may fountain malapit sa simbahan kase mukhang may isda.

"Ate punta lang ako saglit don." Pag papaalam ko Kay ate.

"Sige basta wag ka lalayo masyado." Wika ni Ate.

"Opo." Wika ko naman nang papaalis ay biglang nag tanong ang lalakeng kausap niya.

"Kapatid mo?" Tanong nito.

"Oo. Zac pangalan niya." Sagot naman ni ate.

"Ah Zac, ikaw ang pangalan mo ba Kim." Wika nung lalake sa ate ko.

"Hah Kim? Hindi yon pangalan ko." Sagot naman ni Ate.

"Ay kala ko kase Kim yung pangalan mo kase you Change my Life when you 'Kim'." Banat nung lalake kay Ate at sobrang kinilig si Ate at ako ay tuluyan nang pumunta sa Well.

Habang nag lalakad ay iniisip ko kung epektib ba yung banat na Kim kase parang gusto kong subukan.

Habang nag lalakad ay hindi ko namalayang may isa kong babaeng matanda na naka dunggulan. Mga nasa 30's ang babae kong naka dunggulan at maganda ito. Angng kanya mga dalawang white rose ay nahulog.

"Sorry po." Wika ko sabay tulog sa pag pulot nito.

"Okay lang anak." Wika naman nito.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon