CHAPTER 31: Ice cream

954 28 4
                                    





Dreamline Academy

3:30 PM

Don's POV

Miyerkules ngayon, medyo mainit ang panahon at walang kuryente sa buong school dahil kinakabitan ang mga bagong building ng wires. Tulad ng normal na araw ay asa Covered Gym kami para mag practice ng Choreography pero dahil nga walang kuryente at walang mga gumaganang Fan mas tumatagaktak ang pawis ng mga candidate at mga organizer.

Asa Stage kami ngayon at nag practice samantalang yung mga Organizers and officers ay nag gugupit gupit para sa stage design.

"Candidate number 8 Aka cute, punta ka sa tapat ng mike tapos practice-sin mo kunwari yung sasabihin mo sa introduction mo." Wika ni Kuya Josh sakin sabay turo sa mime stand na may mike.

Candidate number 8 ako kaya yun din ang tawag sakin ni Kuya Josh, hindi ko nga alam kung bakit may kadugtong na Cute e hindi naman ako Cute, matakaw lang ako.

"Sige po." Wika ko naman sabay punta sa harap ng mike.

Mag papakilala na sana ko nang biglang dumating si Term, yung kaibigan kong Vice President ng Student Council na may dalang mga ice cream.

"Guys tigil muna practice at pag gawa ng props, dahil mainit at walang kuryente ay nag padala ang principal satin ng ice cream. Pumila nalang kayo dito sa harap ko para bigyan ko kayo may mga apa naman dito." Wika ni Term sa lahat.

"Okay na rinig niyo naman, ice cream muna tayo. Pahinga din muna tayo ng medyo matagal dahil mainit alam ko mahirap mag focus." Wika ni Kuya Josh.

Pag katapos ay bumaba na ng stage si Kuya Josh samantalang ang mga candidate naman ay pumunta sa bandang likod ng Stage kung saan naka lagay ang mga bag namin at ang iba naman ay pumila na agad. Pag kalapit ko sa may Bag ko ay kinuha ko ang cellphone ko.

Pag tingin ko sa notification ay may text si Kuya Shift.

Conversation:

Shift: Asan ka?

Don: Andito sa Stage, bakit?

Shift: Punta ka dito sa pinto ng Gym, wag ka na makipag singitan sa pila. Meron akong bibili sayong Ice cream.

Don: Sige punta na ko.

Siguro iniisip niyo na sobrang close na nain ni Kuya Shift. Ang sagot ko ay oo na hinde, mula kase nung nag ka roon kami ng number ng isa't isa ay lagi na kaming nag text. Mula umaga hanggang gabi pero sa text palang kami nag kakausap hindi pa madalas sa personal. Ngayon pupunta ko kase may pag kain, alam niyo naman wala yata akong pinapalampaa na kahit anong matamis.

Bumaba na ko sa may stage at papunta na sa Pinto pero bahagya akong tumigil ng maka sa lubong ko si Kuya Kent.

"Don, eto ice cream." Wika sakin ni Kuya Kent.

"Salamat Kuya pero di mo na sana ko kinuhanan." Wika ko naman kase nakaka hiya den.

"Ay hindi okay lang. Saka hindi naman sakin galing yan, pinapabigay lang sayo nung Vice President, si Term. Pumila kase ko agad tapos sabi niya para hindi ka na raw sumingit sa pila at mainitan, iabot ko na raw to sayo." Wika ni Kuya Kent.

"Ay sige salamat po." Wika ko nalang sabag kuha ng ice cream na naka apa na hawak niya.

"Sige sige." Wika niya sabay talikod pero bigla din siyang humarap at sinabing "Nga pala bago ko maka limutan, pag nakita mo yung Honey my love so sweet na si Nat pasabi Miss ko na Taba niya at yung T shirt ko ibalik niya na." Dagdag pa niya.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon