CHAPTER 29: Call

894 27 1
                                    

NOTE of the Author:

Don't Forget to Vote and comment to this Story. Sorry if update is irregular, I have to do some important matter lately. Thank you for your patient.


Shift's Condo

8:30 Pm

Nat's POV

"Basta, sabihin na nating tama lang yon ginawa ko sakanya." Sagot ko kay Aeron.

"Nako Nat. Bad pa rin yon. Dahik diyan kailangan mo mag sorry sa kanya bukas okaya sa Miyerkules." Pa nenermon ni Josh sakin.

Andito kami ngayon na mag kakaibigan sa Condo ni Josh at Shift dahil nag ka yayaang uminom, pano naman kase nung Friday hindi nila ko sinama. Bali itong Condo nila Josh ay asa 6th floor ng building na to.

"Tingnan natin kung sakali." Sagot ko naman.

Kinuha ko ang tagay ko at iinumin ko na sana ito pero habang iniinom ay biglang ko itong nabuga sa mukha ni Josh.

"Nat okay ka lang?" Tanong ni Aeron.

"Hindi ka na ata okay Nat, amoy alak na ko dahil sa binuga mo e." Dagdag pa ni Josh.

"Nag text si..." Di ko alam kung sasabihin ko sa kanila or hinde.

"Sino?" Tanong Ni Josh.

"Ahhh Si Star, kapatid ko. Pinapatanong daw ni Mama kung anong oras ako ma kaka uwi bukas. May pupuntahan ata kami." Wika ko sa kanila.

"Oh ano sabi mong oras?" Tanong ni Shift.

"Ewan ko, saglit labas lang ako. Tatawagan ko saglit." Pag papaalam ko sa kanila.

"Sige dalian mo at yung tagay tuloy tuloy." Wika naman ni Josh.

Pag katapos non ay agad namang akong lumabas ng condo at nag lakad lakad sa hallway. Pag labas ko ay sobrang kinakabahan ako at hindi ko alam ang isasagot sa text, dahil nag sinungaling ako sa mga kaibigan ko.

Hindi Si Star ang nag text kung hindi ang Ex ko, si Pat.

Sabi sa Text, 'Nat, nag break kami nung pinalit ko sayo dahil mahal pa kita. Pwede ba kitang maka usap ngayon.'

Hindi ko alam yung ire-replayn ko pero nag ka roon ako ng lakas ng loob na i-dial ang number niya at tumawag, hindi nag tagal ay sinagot naman niya ito.

"Hello Pat." Bati ko sa kanya.

"Hi Nat, nasan ka ngayon?" Tanong sakin ni Pat

"Andito ko sa Condo nila Josh ngayon nag iinuman kami."  Sagot ko naman sa kanya pero medyo kknakabahan na ko.

"Pwede mo ba kong puntahan dito. Gusto kita maka usap." Wika niya sakin na medyo kinagulat ko.

"Bakit asan ka ba?" Tanong ko naman sa kanya na medyo nag aalala.

"Andito ko sa may labas ng bahay namin. Hinatid ako nung Ex ko pero ayoko pang pumasok. Gusto kita maka usap." Wika ni Pat.

"Gabi na ah, pumasok ka na sa inyo. Baka pagalitan ka pa ni Tita tapos an..." Wika ko pero bigla niya itong pinutol sabay sabing...

"Nat sorry, alam ko andami kong pag kukulang at pag kakamali sayo. Madaming beses na din kitang nasaktan. Pero ngayon alam ko na sa puso ko na ikaw na talaga." Pag hingi niya ng tawad sakin.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon