CHAPTER 26: Bulalo

1K 30 1
                                    






Aeron's House

5:30 Pm

Zac's POV

Asa bahay na kami, pag katapos ma-allergy ni Aeron ay agad ko siyang dinala sa Hospital na malapit sa Mall. Pano ko naman kase malalaman na allergic pala siya sa Avocado e halos dalawang buwan palang yata kami mag ka kilala saka napaka uncommon din ng taong allergic sa Avocado. Ngayon ay inaayos ko na ang mga pinamili namin sa Ref at Cabinet

"Akyat ka na sa kwarto tapos mag pahinga ka na. Ako na bahala mag ayos ng mga binili natin." Wika ko sakanya dahil nga baka hindi pa siya okay pero halata naman sa galaw niya na ayos na siya.

"Wag ka mag alala at okay na ko saka naka inom na rin naman ako ng gamot." Wika naman niya sakin.

"Abay kahit na, baka mamaya kung ano pa ulit mangyari sayo kasalanan ko pa. Sasabihin ko din to mamaya kay Tita Pitchy para informed siya." Wika ko naman dahil baka pag di nalaman ito ni Tita Pitchy ay magalit pa siya.

"If I were you, hindi ko babalaking sabihin ito kay Tita Pitchy at baka pag nalaman niya ito ay mag madali siyang umuwi sa Pilipinas at mahinto pa ang Trip nila ni Tito ." Wika naman niya na nakapag paisip sakin na baka nga sa sobrang concern ni Tita sa Kanya ay kahit okay na siya ay umuwi pa rin at masira ang Trip nila.

"Okay hindi na ko tatawag pero umakyat ka na paramag pahinga." Pagiging concern ko sa kanya dahil sa totoo naman ay ako ang dahilan kung bakit siya inatake ng allergy niya.

"Hay nako ka OA mo teka hintayin mo ko diyan at mag kukunin ako sa taas." Wika niya sakin sabay nag mamadaling pag akyat sa taas.

Maya maya ay bumababa si Aeron na may dalang isang box na maliit at dumeretsyo naman siya sa pwesto kung asan ako.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Hulaan mo Baby Damulag." Pamumuwisit naman niya sakin.

"Hmmp, sing sing? Mag po-propose ka na sakin?" Pamumuwisit ko naman sa kanya.

"Tukmol ka talaga! Hindi!" Sigaw niya naman sakin na halatang medyo nabuwisit sakin.

"Ano nga? Hala alam ko na! Nag a-adik ka hano? Shabu yan hano!" OA na pag sasabi ko sabay tawa pag katapos.

"Hindi!" Sigaw niya ulit sakin.

"Ano ba kase yan?" Tanong ko naman.

"Syempre hindi ko sasabihin agad dahil alam mo ba na sa Bussiness ay mayroong tinatawag na trade. Kunwari kapalit ng isang kilong repolyo ay 60 pesos." Wika niya sakin.

"So ano ibig sabihin mo don? Babayaran kita or kapalit niyan ay repolyo?" Tanong ko.

"Hindi! Gusto ko wag mo na muna ko patulugin saka ano..." wika niya na parang nahihiyang ituloy.

"Ano?!" Pasigaw na tanong ko.

"Lutuan mo kong Bulalo! Di ba pag may sakit dapat kumakain ng mag sabaw?" Wika niya sakin at mukhang umiral nanaman ang katakawan nito.

"Oo na hindi dahil gusto ko malaman laman niya kung hindi dahil ako reason kaya ka inatake ng allergy." Wika ko sa kanya.

"Okay! Mag simula ka na diyang mag luto alipin ko." Wika niya na may halong pang aasar.

"Teka kala ko ba business? Edi dapat ipakita mo muna sakin laman niyang box na yan bago kita lutuan." Sabi ko naman sa kanya.

"Eto!" Sabay bukas niya at kinagulat ko ang laman ng box.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon