CHAPTER 2: First Encounter

2.4K 49 0
                                    

Dreamline Academy

9:00 am

Aeron's POV

               "Oo papasok na ko, buti nalang at late ang flag ceremony ngayon at first day." Sabi ko kay Josh though phone. So eto na yon, first day na ng school year at nag mamadali na kong pumasok at late ako dahil bumili pa ko ng paborito kong strawberry milk shake. Bat kase sobrang sarap nito. Nag mamadali akong tumatakbo papasok at di ko na pinapansin mga nakakasalubong ko ngunit napahinto ako ng may biglang tumayong lalaki, na out of balance ako at napahiga ako sa kanya. Halos mag ka dikit na yung mga mukha naming dahil dito. Ewan ko kung bakit pero may something sa kanya nag pu-push sakin na tingnan lang yung mga mata niya habang naka dagan ako sa kanya.

            "Wala ka bang balak bumangon?" Wika niya.

            "Ay sorry." Agad akong bumangon, wait... "yung strawberry milk shake ko!" tumapon saming dalawa yung Strawberry milk shake ko.

            "Fuck! First day na first day natapunan damit ko ng Shake na yan!" Sigaw niya sakin.

            "Wait nga... alam mo bang paborito ko to at na late akong pumasok para lang bilin to and for the record, ikaw ang may kasalanan. Sulpot ka kase ng sulpot." Sagot ko naman sa kanya.

            "So it's my fault now? Ikaw nga dumunggol sakin!" Sigaw pa niya sakin.

            "Ewan ko sayo. Bakit nga ba ko nag bibigay ng oras sa katulad mo. Saglit nga, transfer ka hano." Wika ko sa kanya.

            "Ano naman ang pakealam mo kung oo?" sagot naman niya.

            "Mukhang di mo pa nga ako kilala, wish you good luck." Pag katapos ko itong sabihin ay binukasan ko ang zipper ng bag ko at kinuha ang extrang polo ko. Inabot ko ito sa kanya. "Ayan isuot mo." Pag katapos niya itong kunin ay umalis na ko at pumunta sa student council hall.

***

Student Council Hall

Aeron's POV

"Sorry kung late ako, may naka away pa ko kanina sa daan papasok." Wika ko sa Student Council Hall.

"Okay lang , pina-cancel naman na ng principal yung flag ceremony kase late yung arrival ng mga student." Sagot sakin ni Term.

               Siya naman si Term ang Student Council Vice President. Masipag at napaka talino, pero di ko siya kaklase. May mag kaiba kami ng way ng pagiging leader pero sumusunod siya sakin.

            "Hoy Aeron, pumunta kana ng room niyo baka ma late ka den don. Tapos yung damit mo palitan mo naman. Ang alam ko may dalang extra si Kuya Nat. hiramin mo nalang" Wika naman ni Star.

            Siya naman si Star, ang Secretary namin. Nakakabatang kapatid na babae ni Nat. Mabait at masipag den, lagi silang nag aaway ni Term in terms of leadership pero isang salita ko lang ay mag kakabati na den sila.

            "Sige aalis na ko, pa lock nalang nitong hall. Bye!" Agad na kong umalis at pumunta sa room.


***

Classroom

            "Sorry ngayon lang ako." Wika ko kila Josh, Shift at Nat.

            "Okay lang wala pa naman yung teacher natin." Wika naman ni Josh.

            "Oy nga pala, ang balita ko si sir Cong pa den adviser natin." Wika naman ni shift.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon