CHAPTER 16: The Breakfast

1.1K 35 4
                                    




Aeron's House

6:00 am

Aeron's POV

*BEEP**BEEP*

Tunog nang cellphone ko na nag a-alarm na nakapag pagising sakin. Agad akong bumangon at pumasok sa Cr upang mag hilamos at mag toothbrush at ito ang unang umaga na wala si Tita Pitchy dahil pumunta na sila ni Tito sa Korea. Hindi ko alam kung pano ko mabubuhay nito dahil kahit piniritong itlog ay hindi ko alam lutuin. Sabi ni Zac kagabi aalagaan niya ko pero hindi mo alam kung totoo yon dahil pag katapos niyang sabihin yon ay agad kong inalis ang kamay niya sa kamay ko at pumunta sa kwarto para matulog, hindi ko na rin nga siya naabutang pumasok ng kwarto at eto pag gising ko wala na den siya sa kama.

Pag katapos ko mag toothbrush ay agad akong bumaba at pumuntang kusina upang tingnan kung mayroong kahit cup noodles sa mga cabinet na maaaring mag ligtas sa umaga ko.

Pag baba ko ay naka kita ko ng dalawang piniritong itlog na naka lagay sa plato sa ibabaw ng lamesa na palagay ko ay niluto ni Tita bago siya umalis para sakin.

"It's a Good Morning!" Sigaw ko sabay takbo papuntang lamesa sabay kuha ng plato. Kukuha na sana ko ng Kutsara at tinidor para kainin kahit walang kanin pero natigilan ako ng biglang kinuha ni Zac ang plato sa kamay ko.

"Bakit hawak mo itong itlog na niluto ko?" Tanong ni Zac.

"Kase nakita ko yan sa lamesa at I think niluto yan ni Tita Pitchy para sakin bago siya umalis." Sagot ko sabay kuha ng plato sa kamay niya.

"Kung yan ang iniisip mo, nag kakamali ka, niluto ko tong itlog na to para sakin. Itlog ko to!" sigaw niya sabay kuha ng plato sa kamay ko.

"Hindi akin na tong Itlog na 'to. Mag luto ka nalang ulit ng itlog mo dahil Itlog ko na to ngayon." Pag pupumilit ko sa kanya sabay agaw ulit ng plato sa kamay niya.

"Hindi! itlog ko nga to!" Sigaw sakin ni Zac sabay agaw ulit ng Plato sa kamay ko.

"Itlog mo lang to kanina, itlog ko na to ngayon!" Muli ko pang pag pupumilit sa kanya sabay muling pang agaw ng plato.

"Teka nga lang bakit ba gustong gusto mo tong itlog ko? Hindi ka pa ba nakakakain ng Itlog sa buong buhay mo? O baka naman gusto mong matikman itong itlog ko?" Wika niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko na nakapag pabilis ng tibok ng puso ko. "Bahala ka maalat yung itlog ko dahil madami kong nilagay na asin." Dagdag pa niya.

"Ayan na nga yang itlog mo! mag luluto nalang ako ng sarili kong itlog at sisiguraduhin kong mas masarap yung itlog ko sa itlog mo!" Sigaw ko sa kanya sabay abot ng plato ng itlog sa kanya at agad din akong pumunta sa refrigerator  para kumuha ng itlog. pag katapos kong kumuha ng dalawang itlog ay pumunta na ko ng kalan para isindi ito at mag luto.

Nag lagay ako ng madaming mantika sa kawali habang ang apoy ay naka todo, habang iniintay uminit ay sinusumpa ko sa utak ko si Zac. pasabi sabi pa siyang iingatan niya puro naman pala siya ka sinungalingan. nakaka asar.

Nang maramdamang mainit na ang mantika sa kawali at nilagay ko na ang itlog. Pag katapos ilagay ang itlog ay kinuha ko ang garapon ng asin. Habang kinukuha ay tinitingnan ko ng masama si Zac sa Mata na hindi pa nag sisimula kumain dahil tinititigan ako. Dahil nga kay Zac ako naka tingin at di ko na pansin na tinataktak ko na yung garapon ng asin sa kawali at...

"Aray!" Sigaw ko nang matalsikan ng madami daming mantika ang kanang kamay ko.

Agad naman akong pinuntahan ni Zac at kinawakan ang kamay kong natalsikan ng Mantika.

"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Zac.

"Okay lang medyo masakit lang." Sagot ko naman sa kanya.

"Bakit ba kase hindi ka nag iingat?" Pagalit na sabi niya sakin.

"Pano kong hindi mapapaso e hindi naman talaga ko nag luluto. Tapos ikaw yung itlog na niluto mo dalawa naman manong binigay mo na sakin yung isa. Pasabi sabi ka pang aalagaan mo ko e itlog nga hindi mo ma share sakin." Medyo patampong sabi ko sa kanya.

"Edi Sorry na. Kala ko kase joke mo lang yung sinasabi mong hindi ka marunong mag luto tapos totoo palang kahit itlog hindi ko alam lutuin." Wika niya sabay ihip sa kamay kong hawk niya pa din.

Pag katapos niyang hipan ang kamay ko ay kinuha niya ang first aid kit sa loob ng isang cabinet at nilagyan ng bandage ang parte na medyo na lapnos. Pag katapos ay inalalayan niya ko para maka upo sa lamesa. 

"Ayan sayo nalang yang itlog ko." Wika niya sabay abot sakin ng plato habang naka upo ako at siya naman naka tayo.

"Ikaw hindi ka na kakain?" tanong ko naman sa kanya.

"Hindi na. Mauuna na ko umakyat para maligo para pag katapos mo kumain ikaw naman yung maliligo." Wika niya sakin.

"Sure ka diyan? may bayad ba yang pakialam mo sakin? tumatanggap ka ba ng credit card?" Nag bibirong tanong ko sa kanya dahil kani kanina lang ay halos mag patayan kami para sa dalawang itlog na to tapos ngayon binibigay niya nalang sakin.

"Wala! basta kumain ka nalang diyan Pandak." Sagot naman niya sa tanong ko.

"Sige sige. Ligo well Bady Damulag. ililibre nalang kita mamaya ng paborito kong Strawberry Milkshake sa practice ng pageant." Wika ko at umakyat na siya sa hagdan pero habang umaakyat ay may pahabol pa siyang salita.

"Nga pala, dalian mong gumayak mamaya para sabay na tayong pumasok dahil baka kung ano mangyari sayo papasok e mukhang habulin ka ng disgrasiya. Pano kita maalagaan kung patay ka na bukas di ba? Saka damihan mo inom ng tubig, Stay hydrated because I care for you." Pa Cute na wika sakin ni Zac at tuluyan na nga siyang umakyat.

Hindi ko alam kung bakit pero sobra kong kinikilig ngayon dahil sa kanya pero buwisit parin siya!!!!


---CAN YOU LOVE THAT SOMEONE YOU HATE THE MOST?---

AG19

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon