CHAPTER 17: Strawberry MilkShake

1.1K 28 3
                                    







Dreamline Academy

12:00 pm

Aeron's POV

"Sawakas tapos na ang mga Subject na pang umaga!" Wika ni Josh sabay pag bubuntong hininga habang asa classroom kami dahil kakaalis lang ng teacher namin.

Sabay kami pumasok ni Zac kanina tulad ng sinabi niya pero para lang siyang multo habang nag lalakad kami at nung mag katabi kami sa tricycle dahil ako nag ce-cellphone at siya naman naka earphone. Pero napasaya naman niya ko dahil siya yung nag bayad ng pamasahe namin.

"Hah? Ako nga ayoko na tatapos yung umaga dahil puro Major natin yung Subjects natin." Reaksyon naman ni Shift sa sinabi ni Josh.

"Hay nako Shift. palibhasa kase magaling ka sa Calculus kaya okay lang sayo, pano naman akong mortal na kaaway yang Math na yan." Sagot naman ni Josh.

"Oo nga, masyadong nakaka ubos ng lakas yung mga pang umaga natin subjects. Imagine unang subject Chemisty tapos susundan ng Biology tapos Physics tapos Last Subject pa yang Calculus na halos sakupin na yung lunch sa sobrang sipag mag turo." Pag sang ayon naman ni Nat kay Josh.

"Ewan ko sa inyo. Basta dapat mag aral tayo ng mabuti." wika ko naman sa kanila.

"Teka nga maiba nga ako. Ano nangyari diyan sa kamay mo?" Tanong sakin ni Nat.

"Eto ba?" Sabay taas ng kanang kamay ko. "Natalsikan kase ko mantika kaya eto napaso." Pag papaliwanag ko.

"Wag mong sabihing yan Zac na kabahay mo yung gumawa niyan sayo?" Medyo pagalit na tanong ni Shift.

"Hindi aksidente lang to. Wala kase si Tita Pitchy pumunta siyang Korea ni Tito kaya nag try ako mag luto ng itlog e di ba hindi naman ako nag luluto kaya ito nangyari sakin." Wika ko naman sabay kamot ng ulo.

"Kung kailangan mo ng taga luto tawagan mo lang ako. Punta ko sa inyo." Wika ni Shift.

"Hinde wag na, si Zac nalang bahala sa uulamin ko. Binilin na ako ni Tita sa kanya. Pero salamat sa concern." Wika ko kay Shift na parang na disappoint.

"Shift samin ka nalang pumunta! Ikaw nalang mag luto sa bahay. Mas masarap pa luto mo kay Mama e." Pag bibiro naman ni Nat.

Bukod sa Magaling sa Arts ay Magaling din mag luto si Shift dahil siya yung taga luto sa condo nila ni Josh.

"Bugok ka ba? Edi ako naman yung nagutom pag sa inyo na tumira itong si Shift." Wika naman ni Josh. "Teka nga pala, ano plano niyo mamaya sa Second day ng pag aasikaso natin sa pageant?" Tanong pa ni Josh.

"Oo nga pala completo naman na yung mga letters natin kaya legal na yung pag alis alis natin para mag handa." Wuka ko sa kanila.

"Wala kami mamaya ni Nat. Gagamitin namin yung kotse tapos pupunta kaming Mall para bumili ng mga gagamitin ko na pang design. Baka hindi narin kami maka sabay sa inyong kumain ng lunch kase baka gabihin kami." Wika ni Shift.

"Sige sige. Pwede bang kumain na tayo Aeron dahil gutom na gutom na ko?" Pag yaya sakin ni Josh kumain ng Tanghalian.

"Sige tara na." Sagot ko naman sa kanya.

"Una na rin kami ni Shift, bye mga Kupal." Pag papaalam ni Nat.

"Sige inggat kayo." Wika ko naman sa kanila.


MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon