CHAPTER 49: Not Your Oxygen

916 30 13
                                    


NOTE of the Author:
This is the 2nd to the last official Chapter. I'm sad that this Story will end soon but don't worry, we will have Dreamline Series kung saan 4 other season of this stoy will released.
Don't Forget to Vote and comment to this Story.

Dreamline Academy

10:00 Pm

Don's POV

Sobrang saya ng mga tao dito sa backstage kung saan mag kakasama lahat ng candidates. May nag pi-picture

Buti naman tapos na ang pageant dahil sobra na kong nagugutom!

Medyo expected yung result dahil ang nanalo ay walang iba kung hindi si Kuya Kent. Hakot awards si Kuya Kent, pati yung special award galing sa lechonan sa labas ng school na "Chubby Lechon Cutie award" nakuha niya.

Sobrang galing nga ni Kuya Kent pero mukhang simula ngayon ay i Ba-ban na siya sa mga school base Pageant dahil sa pag kapanalo niya. Sabi kase ng isa sa mga teacher ay give chance to others na daw na mukhang tama naman.

Kung iniisip niyo naman place ko, baguhan lang ako sa pageant saka wala na rin naman akong planong umulit kaya wala akong pakealam sa result atleast ngayon medyo kilala na ko at baka makinig na sakin yung mga bully na wala nang ginawa kundi manggulo ng High School life ng ibang istudyante. Pero kung makulit talaga kayo at gusto niyo malaman, pang 4th Runner Up ako.

Medyo maganda na para sa baguhan pero kahit papano umasa kong mag ta-title. Sana lang ma appreciate ni Kuya Shift.

"Don tara picture." Biglang approach sakin ni Kuya Kent.

"Sige po Kuya." Sagot ko naman at nilabas naman niya agad ang cellphone niya at nag picture kami.

Pag katapos ay bigla niyang sinabi na "Pupunta na ko kila Nat. I'm sure excited yung mga yon i-congrats tayo lalo na si Shift. Ikaw ba pupunta ka na sa kanila?" Pahabol niyang tanong.

Hindi ko alam kung pupuntahan ko si Kuya Shift kase halos di kami naka pag usap ngayon araw, hindi niya rin ako na good Luck dahil hindi muna ko humawak ng cellphone.

"Baka hindi ko puntahan si Kuya Shift." Wika ko kay Kuya Kent.

"Bakit naman?" Tanong nito.

"Baka po wala din naman po akong mapala pag pinuntahan ko siya dahil po mukhang busy saka nagugutom den po ako." Pag papaliwanag ko naman.

"Hay nako Don kung ako sayo uutuin ko si Shift. Kahit 4th runner up ka lang ay mataas na rin yang nakuha mo. Dapat mag palibre ka." Wika ni Kuya na biglang nag pa-palakpak sa tenga ko.

Mukhang pwede kong mabusog ngayong gabi ah..

"Ililibre kaya niya ko?" Tanong ko kay Kuya Kent.

"Malamang sa malamang." Sagot naman niya. "Sige una na ko, baka maging hangin yung milktea ko kay Nat pag di ko pa siya pinuntahan ngayon." Dagdag pa niyo na nag papaalam.

"Sige Kuya." Respond ko naman dito at umalis na si Kuya Kent sa Back stage.

Ano kaya ipapalibre ko? Samgyeopsal? Milktea? Jabee?

Hindi ako mapakali kung anong hihingin ko kay Kuya Shift kung sakaling pumayag itong ilinre niya ko.

Pumunta ko sa lugar kung asan ang mga gamit ko para maitabi na ito at maka alis sa back stage. Habang inaayos ang gamit ko ay napatigil ako nang marinig ang usapan ng dalawang babaeng candidate.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon