CHAPTER 35: Song

898 25 1
                                    





Dreamline Academy

6:15 Pm

Aeron's POV

"Please yung mga wala pa, text or tawagan niyo na." Announcement ko sa may bus.

Ala sais na ng gabi pero maliwanag parin at hindi pa lumulubog ang araw. Ngayong gabi kami aalis ng mga kasali sa photoshoot pero wala pa rin yung iba, bakit ba kase nasanay ang lahat sa filipino time.

Bumaba muna ko sa bus para mag hintay at asa labas din si Shift, Kent at Nat.

"Katagal ng iba." Wika ni Nat.

"Oo nga, dapat five yung call time e para six nag si dating." Dagdag pa ni Shift.

"Tama, for now dapat dumating na yung mga kasama. Asan na kaya sila." Wika ko.

"Si Don papunta na daw, dumaan lang daw sa may convinient Store para bumili ng makakain." Wika ni Shift.

"Sige sabihin mo bilisan." Wika ko naman.

"Teka pano mo nalaman? Ikaw Shift ah, di mo naman sinasabing mahal mo na si Don." Pa mumuwisit ni Nat.

"Bakit mahal ko na ba? Ka issue mo." Wika naman ni Shift.

"Wag ka na mag deny, boto ako kay Don." Dagdag pa ni Nat.

"Sadyang lagi lang kami mag kausap, saka kung yang si Kent wala pa dito. Alam ko namang iu-update mo din kami." Pag balik naman ni Shift.

"Totoo ba yon Honey my love so Sweet?" Biglang singit ni Kent na kumakain ng mangga na may alamang.

"Hindi! Wag ka assuming! At wag kang na niniwala kay Shift." Wika naman ni Nat na medyo na pikon.

"Aminin mo na kaseng concern ka sakin, pero sabagay di naman ako ma la-late dahil baka may Mr. professional dahil sa aga ng pag dating. Edi award agad yon." Wika naman ni Kent na gusto ata makuha lahat ng award.

"Saglit, yung kapatid mo Nat na si Star asan?" Biglang tanong ni Shift.

"Teka mag kapatid kayo?" Gulat na gulat na tanong ni Kent.

"Oo at wala kang pakealam Kent." Wika ni Nat kay Kent. "Si Star di pinayagan ni Mama dahil daw medyo malayo." Dagdag pa ni Nat.

"Sayang naman minsan minsan lang ito." Wika ko naman.

"Okay lang at tinatamad din daw siya saka baka daw manood siga ng laban ng Triangulum bukas." Sabi ni Nat.

"Ay Oo bukas din yon, teka si Josh ba sasama or manonood?" Tanong ko kay Shift.

"Actually nung umalis ako kanina ng Condo ay naka higa lang siya sa kama niya at mukhang walang planong sumama." Wika ni Shift.

"Baka nga. Saka kanina nung natapos tayong manood ng dry run, mukhang galing sa Heart break si loko e." Wika pa ni Nat.

"Si Josh? Heart break? Malabo ata yon mangyari dahil sobrang play boy non." Wika ko naman dahil nga napaka babaero non.

"Sabagay tama ka naman diyan pero di ba may sinasabi siyang likigawan niya, baka binusted." Wika pa ni Nat.

"Oo meron nga pero palagay ko naman hindi siya sumama dahil sa Triangulum." Wika naman ni Shift.

"Kawawa namang Josh na hindi makaka sama." Wika ni Nat.

Pag katapos ng ilang minuto ay biglang dumating si Don na may dalang sobrang laking bag at isang supot na malaking punong puno ng pag kain.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon