CHAPTER 37: Dance Battle

852 25 1
                                    



Josh's Condo

8:30 Pm

Josh's POV

"Shift, pwede ko ba gamitin yung kotse mo ngayon?" Tanong ko kay Shift sa Cellphone.

Fridat ngayon at dapat ngayon ang araw ng pageant pero dahil ng sa may teacher's conference ay di ito natuloy.

Wala akong kasama ngayon sa bahay dahil si Shift at kasama ni Aeron at Nat sa may Photoshoot.

"Sige, asa gilid ng kama ko yung susi." Sagot naman niya.

"Sige salamat Pinsan." Wika ko naman.

"Susunod ka ba dito mamaya?" Tanong ni Shift.

Oo mag isa ko at hinihiram ko ang kotse ni Shift para maka punta sa pag gaganapan ng Dance battle. Isang oras ang layo non mula sa amin samantalang ang pag gaganapan naman ng Photoshoot ay 3hrs ang layo dito.

"Hindi ko pa alam, text nalang kita." Sagot ko naman.

Ang destination ko talaga ay Dance battle pero hanggang ngayon ay nag dadalawang isip pa rin ako kung tutuloy ako sa pag gaganapan ng laban o susunod nalang sa herritage house.

"Sige inggat ka." Wika ni Shift sabay patay ng tawag.

Agad kong hinanap ang susi ng kotse at saka bumaba baka sumakay ng kotse at sunduin si Godwin sa bahay nila dahil kailangan kasama ko siya kahit saan.

Teka teka, iniisip niyo ba kung aning nangyari sakin pag katapos sabihin sakin ni Nice na maganda ang gusto niya. Kung iniisip niyo, huwag niyo nang isipin dahil wala naman masyadogg ng nangyari.

Oo alam ng lahat na hindi pa ko na babasted at wala pang kupas ang kapogian ko sa lahat ng babae sa school pero nung binasted ako ni Nice ay parang wala lang sakin. Siguro dahil parang binalak ko lang siyang ligawan kase pinilit ako ni Sir at siguro di naman siya counted na babae.

At hindi siya ang dahilan kaya nag dadalawang isip ako kung pupunta ko kundi dahil nasasaktan pa rin ako.

Nasasaktan ako na sa huling tao ko bilang isang official member ng Triangulum ay hindi ako kasali sa lalaban sa Dance Battle. Siguro iniisip niyo Na ka OA ko pero taon taon kase kong nilalaban dito tapos biglang di ako makakasayaw sa entablado at uupo lang kasama ng ibang situdyante para mag cheer.

Maya maya ay naka rating na ko sa bahay nila Godwin.

*PIT**PIT*

Tunog ng pag papabusina ko ng kotse.

Pag katapos ng ilang saglit ay lumabas na si Godwin pero nagulat ako sa dala niya.

"Ano yan?" Tanong ko sa kanya.

"Rabbit." Sagot naman niya.

Kitang kita ko naman na rabbit ang dala niya na naka lagay sa isnag kulungan pero di ko alam kung bakit mag dadala siya nito sa dance battle.

"Hah, bat may dala kang ganyan?" Tanong ko.

"Ilang araw na kaseng may sakit kase tong si Pimpkin. E yung vet nito na nag ce-check up ay malapit lang sa Pag gaganapan ng Dance battle kaya dinala ko na den para ma check up na." Wika naman niya.

"Sige sige, doon ba muna tayo sa vet o isasama mo yan sa dance battle?" Tanong ko.

"Sa Vet po muna para po maiwan ko na don tapos balikan nalang po natin bago tayo umuwi. " Sagot naman niya.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon