Special Chapter 1

770 23 3
                                    


Special Chaper 1: Payong kaibigan

Note: First of all, Salamat ulit sa mga taong naniwala sa magic ng puting rosas at destiny! Because of marking 30k reads last week, I decided to publish the first Special Chapter of "My Oxygen". Sana patuloy niyong supportahan ang storyang ito at sana umabot na ng 50k para mag ka book 2 na tayo!

Note again: Panaginip by The Juans will be the soundtrack of this series of special Chapters ♥️

Ps. Ang pangyayaring ito ay nangyari noong unang weekend ni Zac sa bahay nila Aeron. Hindi pa sila mag Boy Friend dito at tulad ng dati ay hinde parin sila nag kakasundo.

Aeron's Room

9:00 am

Aeron's POV

Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.

"Pandak gising na." Boses na gumigising sakin pero ayoko pang bumangon.

"Mahal kita." Ito ang lumabas sa bibig ko dahil na aalimpungatan pa ako.

"Anong mahal ka dyan! Mahal mo ko?" Malakas na sigaw ni Zac na nag padilat at gumising sakin.

"Ano ba! Sabado ngayon tapos mang gigising ka na eh kaaga aga pa." Asar na wika ko kase alam kong sabado ngayon at walang pasok tapos yung epal na 'to gigisingin ako.

Isang linggo palang samin nito kalakas na ng loob. Hayst. Ipa-bugbog ko kaya 'to sa mga kilala kong nag bibillar sa labas ng school.

"Oo nga sabado at kailangan nating pumunta sa Mall dahil may pinapabili si Tita Pitchie." Wika niyo at bigla akong napatingin sa suot niya at naka suot na ito ng plain black t shirt na medyo oversize at maong na pants.

Bigla kong naalala ang sinabi samin ni Tita Pitchie kagabi.

***

~~~THROWBACK~~~

"Mga anak, masarap ba ang luto ko." Tanong ni Tita Pitchie samin ni Zac habang kumakain ng hapunan.

"Opo sobra!" Wika ni Zac.

Napaka sipsip naman nito.

"Opo Tita! Never naman di sumarap luto mo." Wika ko naman.

"Nag chat nga pala si Kuya kanina, baka daw ilang buwan sila hindi maka uwi dahil may tinatapos na project." Wika ni Tita na tinutukoy sila Papa at Mama.

"Sige po." Wika ko naman dahil sanay na ko at Okay lang dahil mahal na mahal naman nila ko at laging andyan si Tita.

"Nga pala, hihingi sana ko ng pabor sa inyong dalawa." Wika ni Tita Pitchie.

"Ano po yon?" Tanong ko.

"Sa Sunday kase a-attend ako ng debut. Ang gusto daw regalo nung debutant ay yung uso ngayon na Kalimba kaso may pasok ako bukas kaya hindi ako makakapuntang mall kaya sana ay iuutos ko nalang sa inyo." Wika ni Tita Pitchie.

"Ako na po bahala bumili mag isa, kaya ko na po." Wika ko naman.

"Ay hindi Aeron, ang gusto ko sana ay samahan ka Zac para makalibot siya dito saka para maka pag bonding kayo." Malumanay na wika ni Tita pero nakinagulat ko kaya ako napatingin ako kay Zac at parang nagulat din siya kaya napatingin din siya sakin.

"Pero Tita..." mangangatwiran sana ko kaso biglang sumingit si Tita.

"Alam niyo minsna lang ako hihiling sa inyo kaya alam kong papayag kayo. Bukas maaga tayo kase papasok ako, ihahatid ko kayo tapos susunduin ko nalang din kayo sa hapon." Wika ni Tita sabay tayo at lagay ng plato sa lababo. "Sige mga anak, una na ko sa bahay namin." Pag papaalam nito sabay alis.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon