CHAPTER 19: Punch

1K 34 3
                                    

NOTE of the Author:

Don't Forget to Vote and comment to this Story.



Dreamline Academy's Covered Gym

4:30 Pm

Nat's POV

"Enggeng pag kain please!" Pag paparinig ko kay Aeron dahil gutom na gutom na ko.

Wednesday ngayon at tinuturuan ni Josh kasama yung isang lalaking Junior na Triangulum dancer yung mga candidate ng formation habang ako naman ay asa baba ng stage na kasama si Shift na tinutulungan ko sa stage decor ng pageant dahil dapat ng mayari dahil next week na ang pageant. Si Aeron naman ay asa baba din pero kasama yung kapatid kong si Star at ibang mga Student Council officers .

"Nag pabili na ko. Onting intay nalang." Sagot naman sakin ni Aeron.

"Hayyy Nat alam mo tumatakaw ka." Wika naman sakin ni Shift na asa tabi ko.

"Pano naman yung tiyan ko tumatawag na ng pag kain. Ano magagawa ko diba?" Pag depensa ko naman sa sarili ko.

"Everyone uminom muna kayo ng tubig." Biglang wika ni Josh sa mike. Pag katapos niyang mag salita sa stage ay bumaba siya at pumunta samin ni Shift kasama yung junior na dancer.

"Josh tubig." Wika ko kayJosh sabay abot ng tumbler kong asa tabi ko lang dahil itong si Josh kahit halos buong buhay niya nang sumasayaw ay wala paring sariling tumbler saka sanay nakami sa sharan ng gamit na mag kakaibigan.

"Salamat B*tch!" Sabi naman sakin ni Josh sabay kuha ng Tumbler sa kamay.

Pag katapos niyang uminom ay binalik niya sakin yung tumbler ko  sabay akbay sa kasama niyang lalake .

"Nga pala si Godwin. Junior Triangulum na na-assign na maka sama ko." Pag papakilala niya sa kasama niya.

"Hello Godwin." Approach ko naman sa kanya samantalang si Shift walang pakialam as always.

"Eto na mga boss Miryenda niyo." Biglang singit sa usapan ni Aeron sabay abot samin ni Shift ng burger and milktea.

"Buti naman at naka rating na dahil yung tiyan ko mukhang kakain na ng glue stick." Wika ko naman.

"Sayo Josh an.." Tatanongin yata ni Aeron gusto ni Josh pero napahinto siya nang makita yung Godwin. "Hi Godwin, andyan ka pala." Dagdag pa niya sabay alis at kumuha ng pag kain.

"May ano don?" Tanong ko kay Josh. 

"Secret!" Sagot naman niya sakin at pag katapos ng ilang minuto ay bumalik na si Aeron.

"Eto Josh burger at Godwin eto naman Strawberry milkshake. Saka sorry sa nangyari kahapon." Wika ni Aeron kay Godwin.

Eto bat nag so-sorry itong si Aeron? Wag niyang sasabihing gumawa siya ng katarantaduhan dahil hindi kapani-paniwala.

"Okay lang Kuya." Sagot naman ni Godwin.

"Teka teka, may ano ba kahapon?" Takang takang tanong ko kay Aeron.

"Wala!" Sabay na sagot ni Aeron at Josh.

"Wew di nga? Mero..." Mangungulit sana ko nang biglang tumunog ang cellphone ko dahil may tumatawag..

*RING* *RING*

Mas kinagulat ko pa ng makita na si Pat yung tumatawag, ang Ex ko.

"Guys sagutin ko lang 'to" Wika ko kila Aeron.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon