CHAPTER 12: Choreographer

1.1K 40 2
                                    

NOTE of the Author:
Sorry matagal na walang update, busy sa school at thesis,  but now hope you everyone is safe from CVID-19. Susubukan kong mag update ng 2 chapters per day ngayon dahil wala namang pasok. Love you everyone.

Triangulum's Dance Studio

5:30 PM

Josh's POV

It's a normal day for me, asa loob ako ngayon ng Studio at hinihintay nang seniors and juniors si Sir. Chen dahil May announcement siya regarding kung sino ang mangunguna sa Choreography ng pageant at kung sino ang mangunguna sa may nalalapit na Dance Battle kung saan Triangulum ang mag re-represent ng Dreamline Academy.

Lahat ay napahinto sa kanya kanyang ginagawa nang pumasok si Sir.Chen sa may Studio.

"Everyone listen. I have a very heavy announcement to tell. May Good news and Bad news." Wika ni Sir.

"The Good News ay di katulad last year na isang dance crew lang ang nag re-represent sa school, this year ay dalawang team na ang ipang lalaban. Which is Seniors and Junior. Sabi ng mga nakakataas ay both daw bi-bigyan ng budget for choreographer and costume." Dagdagpa ni Sir. Chen.

"Sir ayos po pala pero ano po ang bad news?" Tanong ni Nice, yung kasabayan ko dating member na nag transfer tapos bumalik ulit.

"Good Question, dahil nga dalawa na ang team mas magiging on hand na ko sa inyo at ito-todo natin ang training niyo from 8 ng umaga hanggang 6 ng hapon." Sagot naman ni Sir.

"Yun lang po?" Tanong ko naman dahil mukhang hindi naman masyadong big deal yung bad news ni Sir.

"Hinde, imbis na 2 months from now ang competition, na move ito ng last week of the month which is 3 weeks from now and wala pang concept and na kakausap na choreographer. Ito ay dahil yung Dancing Arena kung saan laging nag lalaban laban ay gigibain at ii-improve and building next monthe for a year so it's either i move and Dance battle or wala this year. Napagdesisyonan ng committee na paagahin nalang." Wika ni Sir na ikinagulat ng lahat.

"Sir! Totoo po ba? Paano po yung Pageant na gagawan natin ng Choreography?" Nababahalang tanong ko dahil kasabay ng Competition ang Pageant.

"Kasabay ng Pageant ng School ang competition at hindi natin pwedeng tanggihan yon dahil school event yon at ang School ang sponsor natin sa Battle. Dahil doon, di katulad last year na kahit hindi lalaban ay kasama sa training, ngayon kung sino nalang ang lalaban ay sila ang mag te-training at mamimili ako ng isa sa inyo na mangunguna sa Pageant na hindi makakasali sa Battle." Wika ni Sir na seryoso.

"Sige po sir." Mahinang reaction ng lahat.

Fuck this is my last year, kung ilalagay ako sa pageant hindi ako makakasali, pag naman sumali ako baka mag tampo sakin sila Aeron.

After ng ilan minuto ay nag uwian na ang iba dahil late na rin. Inaayos ko na ang gamit ko nang...

"Josh!" Tawag sakin ni Sir. Chen.

Lumapit ako kay Sir sabay sabing..."Bakit po sir?"

"Regarding doon sa may Pageant, napag desisyonan ko na ikaw na ang magiging Choreographer don together with some Juniors para ma-train mo at ilang Seniors. Pasenya ka na, iniisip mo siguro na last year mo na ito at sayang pero kailangan kase ng magaling na mangunguna doon at ikaw lang ang na iisip ko na pwede para don. On the otherhand, kaibigan mo yung ibang nangunguna doon like Aeron na Student Council President. Alam kong mag kakasundo kayo." Wika ni Sir.

"Sir is that final?" Wika ko na medyo may tonong malungkot.

"Hindi pa naman kaso malapit na ang competition, kung sakali mang ito na talaga ang final desisyon ko, ii-inform kita hanggang next week. Sayang din kase ang potential mo at ilang taon ka na sa Triangulum but Tulad ng sinabi ko, School ang Sponsor ng lahat ngayon Year." Wika sakin ni sir.

"Sige po sir kung yan po ang desisiyon niyo tayanggapin ko nalang po." Wika pa.

"Sorry talaga Josh." Wika ni sir sabay tapik sa balikat ko at alis.

Triangulum's Dance Studio

7:00 PM

Godwin's POV

Nag lalakad ako ngayon pabalik sa may Studio ng Triangulum dahil nakalimutan kong kunin yung charger ng phone ko loob. Hanggang 9 pm pa naman yung Studio bukas ag may mga guard din naman sa paligid noon kase part padin yon ng school compund.

Habang asa loob ako at hinahanap ang charger ko ay narinig ko ang parang mahinang salita ng isang lalake.

Natatakot ako ngayon promise.

Alas-syete na kase ng habi at ang tao nalang dapat dito ay mga guard pero may naririnig akong bulong ng isang lalake. Dahan dahan kong pinuntahan ang tinig na na ririnig ko.

Yung bulong ay nang gagaling sa may lockers ng mga senior. Pag pasok ko ay nagulat ako sanakita ko.

"Kuya Josh?" Nakita ko si Kuya Josh na naka upo sa tabi at naka sando lang habang naka suoot ng ear phone, gusto kong sumigaw kase ang Hot niya. Pero syempre hindi pwede.

"Godwin?" Wika niya na may gulat na tono. Sabay alis ng ear phone

"Opo! Bakit andito ka kuya gabing gabi na?" Tanong ko sa kanya.

"Bago ko sagutin yan umupo ka muna sa tabi ko at baka makita ka ng gaurd at pauwiin na tayo" wika naman niya sakin at ako ay tumabi sa kanya at legit ambango niya sobra. Ngayon lang ata ako naka lapit ng ganto sa kanya.

"Ayan po katabi na kita kuya, so bakit ka nga andito." Tanong ko sakanya.

"Sabihin na nating pag gusto ko mag isip-isip, umuupo ako dito ng gabi at mag isa at na kikinig ng music." Wika ni kuya Josh.

"Ano naman po iniisip niyo." Tanong ko pa sa kanya.

"Iniisip ko kase yung Sinabi ni sir sakin kanina, sabi baka daw hindi ako maka sali sa Dance Battle dahil ako daw ang gagawing Choreographer ng pageant." Wika niya.

"Ano naman po kung ganon?" Tanong ko nanaman sa kanya.

"Ako ka ba Godwin, grade 12 na ko, wala na ko next school year. Eto na yung huling Dance battle ko kung sakali pero iniisip ko den yung Pageant kase kung sakaling mag pumilit ako kay Sir, walang humawak ng Pageant nila Aeron at baka masayang lang efforts nila." Pag e-explain sakin ni Kuya Josh kung saan naramdaman ko na hindi lang pala sayaw at pang babae nararamdaman niya. May puso den pala sila.

"Ede dun ka kuya sa alam mong masaya ang puso mo, kahit sabihin mo namang masaya ka perehas. Alam kong may isang matimbang." Wika ko sakanya na parang kinatahimik niya.

Matapos ang ilang minuto bigla niya nalang hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko.

"Alam mo, parang tama ka, pero gumagabu na baka hanapin ka na sa inyo. Tara na ihahatid na kita." Wika niya sabay ngiti sakin na nag pabilis ng tibok ng puso ko.

---SOMETIMES, SOMETHINGS ARE MEANT TO HAPPEN---

AG19

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon