CHAPTER 22: Dinner Pt. 1

993 27 3
                                    










Infinite Cafe

5:00 Pm

Shift's POV

"By the way Kuya, Don nalang din ang itawag mo sakin." Dagdag na wika ni Don sabay ngiti.

Hindi ko alam kung may ano sa ngiti niya pero parang ambagal ng paligid.

Ngayon ko lang ito naramdaman, kahit kay Aeron hindi ko to nararamdaman.

*RING* *RING*

Biglang tunog ng Cellphone ko. Pag tingin ko ay tumatawag si Josh, tumayo ako agad at sinagot ang tawag.

"Oh bakit ka tumawag?" Tanong ko na medyo seryoso. Ganto naman ako lagi sa kanila kaya alam kong sanay na itong si Josh lalo na at pinsan ko siya.

"It's friday at walang pasok bukas, so aayain sana kita kila Aeron para don tayo kumain but kung ayaw mo naman ako nalang mag isa ang pupunta." Wika ni Josh.

"Sige sunduin kita sa condo around 6:30." Pag payag ko naman dahil okay naman na kaming mag kakaibigan at tapos na ang pagiging overprotective ko sa kanila.

"Sige dalian mo." Wika naman sakin ni Josh.

"I never been late, kayo lagi ang late." Pag kontra ko naman sa kanya.

"Oo na, bye pinsan." Pag papaalam niya sa cellphone sabay patay ng tawag.

Pag katapos ng tawag ay bumalik na ako sa lamesa kung asan sila Don.

"Sino tumawag?" Tanong ni Don.

"Si Josh, susunduin ko siya mamayang 6:30 sa condo dahil kila Aeron kami mag hahapunan." Wika ko.

"Mahigit 5 pm na. Tara na mag madali Don." Wika ni Term.

"You don't have to, kumain lang kayo." Wika ko naman sa kanila.

"Okay sinabi ko e." Wika naman ni Don.

"Legal naman na kitag tawaging Don di ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo basta wag mo kong iinisin." Sagot niya.

Papasubo na sana siya ng cake ng bigla kong nilapit ulit ang mukha ko sa kanya sabay sabing "Pano pag masaya kong ini-inis ka?" Tanong ko.

"Ku--ku--kuya nang iinis ka nanaman." Wika ni Don na medyo na mumula nanaman.

Hindi ako nag salita at sinubo ang cake na asa kutsaranv hawak niya sabay layo ng mukha ko at mula noon ay parang na hiya nanaman siya dahil di na siya tumitingin sakin.

Aeron's House

6:30 Pm

"Shift mukhang liligawan ko yung bagong dancer ng Triangulum, si Nice" Wika ni Josh

Asa labas kami ng Gate nila Aeron at hinihintay siyang lumabas at pag buksan kami. Hinatid ko si Term at Don sa Dreamline Academy dahil ayaw nila pahatid sa mga bahay nila.

"Hah?" Takang takang tanong ko dahil kahit madaming naging girlfriend to, ayaw niya manligaw ng ka dancer niya.

"Basta! by the way, Kamusta naman yung lakad niyo kanina ni Term?" Tanong sakin ni Josh.

"Okay naman, kompleto na lahat ng gagamitin na pang design at naka sama din namin si Don." Sabi ko kay Josh.

"Wait? Si Don? Yung cute na candidate? Kala ko ba ayaw mo sa kanya? Ikaw Shift ah di mo sinasabi sakin na may lihim kang pag tingin kay Don." Wika niya sabay taas baba ang hilay at sinisiko-siko ako na pang namumuwisit.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon