CHAPTER 7: Triangulum

1.6K 43 0
                                    



Triangulum's Dance Studio

5:00 PM

Josh's POV

Yey! It's friday! Audition na ngayon ng mga aspiring member ng Triangulum.

Teka teka hindi pa pala ko nag papakilala. Ako si Joshua, but my friends just call me Josh. Sa aming mag kakaibigan ako daw yung pinaka babaero pero kasalanan ko bang ganto ko ka Gwapo? Halos nag karoon na ko ng Girl Friend sa lahat ng section sa school pero nag ka roon ako ng rule sa sarili ko na hindi ako manliligaw ng miyembro ng Triangulum.

Nga pala di ko pa pala gaano napapaliwanag, ang Triangulum ay ang official Modern Dance Group ng Dreamline Academy. Meron din namang iba bang Dance Organization sa school Tulad ng "Alpas" ang cultural Dance group ng school at "Two Step" ang Dancesport team ng school. Pero di tulad ng ibang dance group na kasisimula pa lang, ang Triangulum ay 14 years na mula nung binuo ng school. Actually madami na rin kaming mga alumni at members kaya nga ngayon ay nahati na sa Junior at Senior ang team, yung mga senior sila yung 3 years mahigit nang member ng group samantalang yung Junior naman kasisimula palang. 1-2 years ganon.

Ako nasa senior na kase Grade 7 palangmember na ko at ngayon Grade 12na kaya halos mag aanim na taon na.

"Okay for Seniors and Juniors, pumunta dito sa bandang harap while yung nga mag a-audition fall in line sa labas tapos isa isa ang papasok. I think na orient naman kayo before this day." Wika ni Sir. Chen.

Siya yung bago naming Coach, dati rin siyang member kaso grumaduate na, ngayon isa nang License teacher.

Nasilabasan naman agad ang mga mag a-audition at isa isang pumasok. Naunang pumasok ang isang babaeng medyo mag ikli ang buhok na looks familiar.

"Good day everyone, I am Nice a former member of triangulum nung grade 7 and 8 ako but nung nag grade 9 ako nilipat akong school and now dito ko tatapusin ang Grade 12 ko. So i hope na this year maka pasok ulit ako dito." Wika niya.

Ay oo siya si Nice kasabayan ko nag Audition dati, kasabayan ko ding nag te-training kaso lumipat siya ng school but now bumalik siya ng mas maganda sa noon.

"Hi Nice! Long time No See!" Sigaw ko sa kanya at nag simula na nga siyang sunayaw at nag audition at tulad ng dati wala padin siyang kupas sa pag sayaw.

"Good Job Nice, I think no one would disagree pag pinapasok kita kaya halika na dito at tumabi sa mga bago mong mga kapamilya." Wika ni Sir. Chen.

Agad namang umupo si Nice a nakipag kwentuhan sa mga mga ka member namin.

Triangulum's Dance Studio

6:00 PM

Josh's POV

"Di pa po ba tapos." Pabebenv wika ko kila sir Chen.

"Don't worry nak, this is the last one on the list." Sagot naman ni Sir.

I'm still here at the Studio at muhka namang last na nga itong mag a-audition. Pumasok ang isang lalaking medyo hinde katangkaran, maputi, makinis ang mukha, naka taas ang buhok at gwapo naman kaso mukhang fuckboy.

"Hello po, ako po si Godwin, a transferred Grade 11 student." Wika nung lalaki.

Triangulum's Dance Studio

6:00 PM

Godwin's POV

"Hello po, ako po si Godwin, a transferred Grade 11 student." Wika ko sa harap nila.

"Okay show us your moves." Wika ni sir Chen.

Agad naman akong nag pakita ng popping dance move na nagustuhan naman ata ng lahat.

"Nice One Godwin, you amaze us. Pero I have a question for you. Bakit gusto mo maging member ng Triangulum?" Tanong ni Sir.

Napahinto ako nung tinanong sakin 'to. Pero alam na alam ko naman ang sagot. Dahil kay Josh.

Dito ko nag aral ng Grade 7 sa may Dreamline tapos si Josh grade 8 junior member ng Triangulum pero kahit baguhan palang sobrang lakas ng dating niya. Bawat galaw niya ay may kakaibang karisma na dahilan ng onti onti kong pag ka hulog.

Hindi pa ganto itsura ko non, naka nerdy glasses pa ko non tapos naka baba yung buhok. Medyo maitim din ako non tapos lalampa lampa.

Nung naging grade 8 ako nag transfer ako ng school, dahil nag base pamilya namin sa ibang lugar sobrang idol ko non si Josh kaso hindi naman pwedeng mag pumilit, kaya sa nilipatan kong school sumali nalang den ako ng dance group para ma enhance yung skills ko sa pag sasayaw para kung sakali mang bumalik ako ng Dreamline, pwede kong mag audition sa Triangulum kahit Junior lang. Para yung malayo na pag sulyap ko sa kanya, medyo malayo nalang ngayon.

"Simple lang naman po, dahil sa passion ko sa modern dance." Sagot ko naman, syempre hinde ko sasabihing dahil kay Josh baka di pa ko maka pasa pag ganon.

"Oh I see, mukha namang May potential ka, so pasok ka na." Wika ni sir Chen.

"Talaga sir? Totoo po? Yehey!" Nag tatalon akong parang bata at nag sisigaw pero napahinto ako nung tumingin na sakin lahat na nag pa awkward ng sitwayon. Bigla akong umayos at sinabing "salamat po sir." Na meroong seryoso at malaking boses.

"Okay let's call it a day. To our new Juniors, congratulations! I hope hindi niyo kami bibiguin sa pag pili namin sa inyo. Is that clear." Wika ni sir.

"Yes sir." Sagot naman ng lahat.

Triangulum's Dance Studio

6:30 PM

Andito ko ngayon sa may comfort Room ng Studio at nag papalit dahil pawis na pawis na damit ko, pumunta ko sa may loob ng isang C.R. After mag palit ay kinuha ko ang cellphone ko sa may bulaa ng bag ko at nag scroll sa facebook, inistalk ko si Josh syempre. Syempre hanggang ngayon hindi padin kami friends kase famous siya.

Aksidente kong napindot ang cancel botton ng Friend request ko. Syempre ako naman agad agad din akong nag send ng Friend Request ko. Ilalagay ko nasa ulit ang Phone ko sa may Bag nang biglang...

*ting*

Tunog yon ng Phone ko,pag ka check ko at kinilig agad ako at napa talon sa tuwa.

"Yes! Finally! This is it!" Sigaw ko sa may Loob ng isang Cr.

Agad agad akong lumabas ngunit napa hinto ako ng bigla kong nakita si Josh na may lababo ng Comforts Room na naka tayo.

Narinig niya kaya sigaw ko?

"Oy. Hello Godwin. Ako nga pala si Kuya Josh mo. Ako yung isa sa mga magiging Senior mo." Wika niya sabay abot ng kamay na mukhang gustong makipag shake hand.

Inabot ko naman ang kamay at sabay sabing "sige po kuya Josh, sana po alagaan niyo ko sa training."

Bat ganon sinabi ko!!!

"Nga pala. Yung mga seniors ay manlilibre sa may restaurant sa may Old Town. Gusto mo sumama?" Tanong niya sakin.

"Hindi po muna siguro, di po ako naka pag paalam sa mga magulang ko e." Sagot ko naman na halos kabahan sa mga pangyayari.

"Sige sige pero kung mag bago isip mo, chat mo nalang ako for the place." Wika naman niya.

Tumalikod na siya at nag lakad papuntang pinto ng Comfort room at onti onti na kong na rerelax.

"Hayyy, buti di niya narinig sigaw ko" wika ko sa sarili ko ng pabulong.

"Nga pala kung kinikilig ka sa Girlfriend mo, wag kang sumisigaw lalo na kung asa public place ka." Biglang wika ni Josh na sumilip sa pinto na mas nag pabilis ng tibok ng puso ko.

---DESTINY MOVES IN MYSTERIOUS WAYS---

AG19

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon