CHAPTER 6: Interview

1.5K 40 0
                                    




Aeron's Room

6:30 AM

Aeron's POV

*Ring**Ring*

Bigla akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock. Kung ako agad bumangon, etong kasama ko sa kama nag hihilik pa den hanggang ngayon buti nga hindi niya ko niyakap kagabi kase dumating na yung mga gamit niya including that SNORLAX Stuff toy.

Teka kagabi nga pala may ginawa akong katangahan, kailangan ko makabawi sa unggoy na
to.

Nakita kong akap niya ang kanyang stuff toy at dahil dito ay naka isip ako ng isang napaka samang bagay. Kinuha ko ang stuff toy niya at dinrowingan ng kung ano ano gamit ang isang permanent marker.

Pag katapos niyo at nag mamadali akong gumayak at bumaba ng hagdan. Pag dating sa pinto ay bigla akong may narinig na malakas na sigaw.

"AERON!!! Anong ginawa mo kay Snorlax! Walang hiya ka! Sinusumpa kita. Wag kang mag papakita sakin kung hindi papatayin kita!" Sigaw ni Zac mula sa kwarto.

Agad akong tumakbo papalabas ng gate at pumasok sa school.

School

9:30 Am

Nat's POV

NAPAKA INIT NGAYONG ARAW! By the way I am Nathaniel but other call me Nat. Ngayon andito ako kasama si Shift and Josh sa may Student Council Hall. Pinapunta kami dito ni Aeron pero di namin alam reason. Maya maya at dumating si Aeron.

"Mga Utol, meron sana kong hihinging pabor sa inyo ngayon araw." Wika ni Aeron habang nag papaawa samin.

"Ano naman yon?" Tanong ni Josh.

"Regarding sa May pageant na io-organize ng Student council. Simula first period nag announce na ang mga officer na mag kakaroon ng Audition today kaso nakalimutan kong kumausap ng mga magiging judges. Kaya makikiusap sana kong kayo nalang." Wika ni Aeron

"Ang tanong ko may magagawa pa ba kami." Tanong na medyo natatawa.

"Wala na." Wika ni Aeron.

"Oo na sige, but be sure na merong foods." Wika naman ni Shift.

After ng ilang saglit ay nag simula na nga ang Audition at na unang pumasok si JUSTIN KENT DELAVIN. Ang lalaking suki ng Pageant. Si Kent ay isang studyante dito sa Dreamline Na halos lahat ng pageant ay nasalihan at halos lahat na ipanalo. Siya ay sobrang puti, singkit, sobrang gwapo at sobrang lakas ng karisma sa kasamaan palad, napaka hangin at bwisit.

"I am Justin Kent Delavin, 18 from Science, Technology, Engineering and Mathematics." Wika ni Kent.

Pag katapos nito ay nag lakad siya at rumampa.

"For your question, why should we pick you as an official Candidate?" Tanong ni Josh.

"I can do the work and deliver exceptional results. I will fit in beautifully and be a great addition to this pageant. I possess a combination of skills and experience that make me stand out from the crowd. That's all thank you!" Sagot ni Kent ng walang Hinto.

Kapanget naman ng sagot halatang kinabisado at gamit na gamit na sa iba pang pageant.

"Okay. Ang mga official candidates ay pipo-post sa harap ng Hall na to. Good luck and you may go." Seryong wika ni Shift.

After lumabas ni Kent ay sunod sunod na ang mga candidate na nag pa Interview. May mga nag-Audition na magagaling, magaganda, mukhang nag pag tripan lang o kaya nga lutang.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon