CHAPTER 3: Housemate

2.1K 41 3
                                    




Dreamline Academy

5:00 pm

Zac's POV

               "Hello po Tita Pitchy." Wika ko habang nakikipag usap kay Tita Pichy sa Cellphone.

            Ako nga pala si Emmanuel Zachary Santos, pero pwede niyo na den akong tawaging Zac. First day of the school year ngayon at first day ko rin dito sa bago kong school, ang Dreamline Academy. Actually ayaw ako palipatin nila Mama at Papa dito sa School na to kase Grade 12 na ko, dapat tapusin ko nalang daw yung High School ko don sa dati kong school, ang Brent Academy pero nag pumilit ako. Nag pumilit ako di dahil gusto ko dito sa School na to kundi dahil ito lang yung School na Private sa bayan na to. Tiyak kase kung sasabihin kong hindi Private ay mas di ako papayagan ng parents ko. Naguguluhan siguro kayo at nag tataka kung bakit gusto ko mag aral sa bayan nato. Actually may hinahanap lang kase kong tao dito sa bayan na ito. Noong bata pa kase ako ay pumunta ako dito para umattend ng isang kasal ng kaibigan ng Mama ko, tapos may nakilala akong isang bata na ang pangalan ay Rim. Pinangako ko sa kanya noon na pag tanda namin ay hahanapin ko siya. Nalaman ko Last year na after ng high school ay idadala na ko ni Papa sa States para doon mag college. Na-realize ko na dapat ko na siyang hanapin sa lalong madaling panahon at ang naisip kong madaling paraan ay mag aral sa isang school dito sa lugar na ito para mag karoon ng time mag hanap at dahil sa palagay ko nasa high school palang din naman siya. Ngayon ay kausap ko si Tita Pitchy, ang best friend ng Mama ko dahil sa kanila daw ako titira kesa mag rent daw ako ng apartment kaso may ka sama daw ako.

            "Ay hello Zac. Kamusta first day?" tanong ni Tita Pichy sa Cellphone.

            "Okay lang naman po." Sagot ko naman.

            "By the way bunso matagal pa pala ko at na stuck ako sa traffic. Baka mamaya pa kita gabing masundo. Ano ba gusto mo, hintayin ako or I tetext ko nalang sayo yung address namin para di ka gabihin diyan?" tanong sakin ni Tita.

            "Pa-text nalang po Tita, ako na po bahala." Sagot ko naman sa kanya.

            "Sige at ite-text ko na sayo yung address, pwede naman lakarin at malapit lang naman at saka ligtas naman mag lakad dito." Wika pa ni Tita.

            "Sige po." Yun na ang tapos ng tawag at na receive ko na ang address nila. Nag simula na kong mag lakad at mag tanong tanong.

Ilang minuto pa ang naka lipas ay napansin kong pamilyar sakin ang lalaking nag lalakad sa harap ko. Tatapikin ko sana ang likod niya ngunit bigla siyang kumaripas ng takbo. Nagpatuloy ako sa pag lalakad hanggang sa makarating ako sa address na i-next sakin ni Tita Pitchy at ilang saglit lang ay dumating ang isang kotse at bumaba mula dito si Tita Pitchy.

"Good evening Zac!" Pag bati sakin ni Tita Pitchy.

"Good evening den po Tita." Wika ko sabay mano sa kanya.

"Nga pala dito ka titira sa bahay na ito, kasama mo yung pamangkin ko. Okay lang naman at pereho naman kayong lalaki." Wika sakin ni Tita sabay turo sa bahay sa harap namin. "Tara pumasok sa loob at nang mapakilala ko sayo yung pamangkin mo, ang alam ko mag ka edad lang kayo e." Dagdag pa niya sabay bukas ng gate. Pag lapit sa pinto ay agad niyang pinindot ang doorbell at dahan dahan bumukas ang pinto at nagulat ako sa nakita ko.

"Ikaw nanaman!" mag kasabay na sigaw namin ni Aeron.


"Saglit, mag kakilala na ba kayo?" Tanong samin ni Tita.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon