Special Chapter 2

623 21 5
                                    


Special Chaper 2: Nakakapagod

Note: For this coming series of Special Chapters, I choose "Panaginip" by The Juans to be a soundtrack because I'm a loyal Juanista! #SuppotOPM

I also support Philippine Folk dance and I choose "Sinakiki" because it's my favorite. (nung member pa ko ng isang folkloric dance troupe)

We also have a new Cover!

Ps. Ang pangyayaring ito ay naganap pag katapos kunin si Zac na Technical Director ni Aeron. Hindi pa sila mag Boy Friend dito at tulad ng dati ay hinde parin sila nag kakasundo.

Dreamline Gymnasium

9:45 am

Aeron's POV

"Medyo mag layo layo kayo para hindi mag katamaan ang mga kamay niyo." Wika ni Josh sa mic sa harap ng mga Official Candidate.

Friday ngayon at lahat ng istudyante ay naka PE Uniform. Maayos ang panahon kaya't enjoy na enjoy naming lahat ang pag gawa ng mga props na gagamiting stage design kasama sina Shift at iba pang mga Member ng Student council. Maganda rin ang langit noong mga oras na iyon pero mas gusto kong tingnan ang mukha ni Zac na nasa upuan ng Technical Director. Hindi ko pa rin kase makalimutan ang mga pang yayari noong naka raan na bumili kami ng Calimba.

"Kuya Aeron, Mahal?" Tanong ni Term na medyo kinakaba ko.

"Hah--ahh-ehhh. Hindi ko siya mahal." Pautal-utal na wika ko.

"Hah? Ano sinasabi mo kuya? Ang ibig kong sabihin mahal po ba yung glue stick sa labas ng school. Ubos na po kase yung ginagamit natin. Kung mahal po sa labas, isasabay nalang po sa pag bili ng mga tali mamaya sa palengke kaso po matitigil ang pag didikit natin." Wika ni Term na nakapag paluwag sa dibdib ko.

Bakit ba kase nagiging ganto ko kay Zac. Hayst!

"Ah, Meron pang mga Glue Stick sa Hall. Kunin mo nalang." Sagot ko naman

Umalis nga si Term parang pumunta sa hall.

"Aeron, Are you okay?" Tanong sakin ni Shift.

"Okay lang naman." Sagot ko na medyo kinakabahan dahil ma usisa minsan si Shift.

"Buti naman kase may gusto sana kong sabihin sayo." Wika ni Shift sakin na medyo na curious ako.

"Ano naman yon?" Tanong ko.

Tiningnan ako bigla ni Shift sa mata at kung seryoso siya lagi ay parang mas doble ang pagiging seryoso niya ngayon. "Hindi ko alam kung bakit pero pag...."

Ito ang mga salitang dahan dahang lumabas sa bibig niya pero natigil sa pag dating ni Nat.

"Hoy! Mga pare kailangan nating pumunta sa PE Hall." Hingal na hingal na wika ni Nat dahil tumakbo siya papunta samin.

"Hah? Bakit? Di ba may excuse letter naman tayo?" Umaalmang tanong ko dahil may excuse letter kami at naka schedule na aalis ngayon umaga habang papasok mamayang tanghali.

"Sinabi ko na rin yan pero nakiusap sakin si Sir Santiago na pasukan daw natin siya ngayon kase once a week pang natin siya na me-meet unlike ibang subject." Pag papaliwanag naman ni Nat.

"Sabagay responsibilidad parin nating pumasok sa mga klase. Sige tawagin na natin yung mga kaklase nating andito." Wika ko dahil Student Council ako at dapat maging mabuting halinbawa kami.

"Tawagin ko si Josh." Wika ni Shift sabay lakad papunta kay Josh na nasa Stage.

"Sige ako na kay Par." Wika naman sakin ni Nat na tinutukoy yung kaklase naming Grade 12 representative.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon