CHAPTER 14: First Kiss

1.2K 30 0
                                    

NOTE of the Author:

Dahil medyo marami na ang Characters, gumawa ako ng Character List na makikita sa Prologue. It can help you on identifying Characters. Hope you Enjoy This Story.





Dreamline Academy's Covered Gym

3:00 Pm

Don's POV

Sobrang laki, sobrang daming tao at sobrang nakakakaba. yan yung mga narramdaman ko ngayon.

Lunes ngayon at nandito ako sa Covered gym ng Dreamline academy upang pag practice ng Production number para sa pageant na hindi ko alam na makaka sali ko at nararamdaman ko na nanginginig ang tuhod ko dahil muli ko nanaman nakita ang mga kalaban ko na sobrang gaganda at sobrang ga-gwapo.

"Bunso, okay ka lang?" Nagulat ako matapos marinig ang boses ng isang lalake mula sa kaliwa ko. pag tingin ko at si Kuya Nat.

"Ay.. Medyo okay pa naman po Kuya." sagot ko naman sa kanya na medyo nag uutal-utal.

"Alam mo wag ka masyadong ma pressure, i-enjoy mo lang." Advice pa niya sakin.

"Okay lahat po ng Candidate ay umakyat na po dito sa stage upang mag karoon po kayo ng formation." Wika naman ni Kuya Josh habang siya ay naka mike sa stage.

Agad naman akong umakyat sa stage at hindi na naka pag paalam kay Kuya Nat.



***

5:00 Pm

Don's POV

Andito pa den ako ngayon sa may Gym upang mag Practice pero pinapagayak na kami upang umuwi dahil hapon na den. inaayos ko ang gamit ko sa isang tabi nang biglang...

"Eto Milk Tea, kunin mo." Nagulat ako nang biglang may nag salita sa likod ko at pag harap ko ay si Kuya Shift, ang masungit na lalake na may hawak na milktea at naka abot sakin.

"Bakit niyo po ako na isipang bigyan?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede ba John Lyndon Mina kunin mo nalang." Sagit naman niya sakin.

"Buong buo po yata tawag niyo sakin?" tanong ko sabay pag papa-cute sa kanya.

"Ikaw nag sabi nung Interview na lahat pwede kang tawaging Don pwera ako di ba? And beside, pwede bang kuhanin mo nalang ito at bibigyan ko pa yung ibang candidate dahil snacks to From Student Council." Wika niya sakin at pag tingin ko nga sa isa pa niyang kamay ay may hawak den na milk tea.

"Okay po." sabi ko sa kanya sabay kuha ng Milk tea sa kamay niya. Pagka-kuha ko ay agad siyang umalis at pumunta sa ibang candidate.

"Lahat po ay pwede nang umuwi mag inggat po tayong lahat." Wika naman ni Kuya Aeron sa mike.


***

5:00 Pm

Shift's POV

"Ikaw nag sabi nung Interview na lahat pwede kang tawaging Don pwera ako di ba? And beside, pwede bang kuhanin mo nalang ito at bibigyan ko pa yung ibang candidate dahil snacks to From Student Council." Wika ko sa kanya na medyo inis na.

"Okay po." Sabi naman niya sabay kuha ng Milk tea sa kamay ko. Pagka-kuha niya ay agad naman akong umalis at pumunta sa ibang candidate.

"Lahat po ay pwede nang umuwi mag inggat po tayong lahat." Wika naman ni Aeron sa mike.

Pag katapos ko maibigay ang Milk Tea na nasa kamay ko ay pumunta ko sa tabi nila Josh na malapit sa Podium.

"Ang cute niya hano?" Wika ni Josh.

"Nino?" Tanong ko naman sa kanya.

"Nung Don." Sagot naman ni Josh sakin.

"Hah? bakit ba parang lahat kayo na cu-cutan don sa bata na yon?" Wika ko naman sa kanila.

"Bakit ikaw ba hindi na cu-cutan sa kanya?" Tanong naman ni Aeron.

"Hindi." Sagot ko naman.

"Talaga ba? Alam mo kung mag kakaroon man ako ng Lalaking Crush, siya yon. Ang innocent kase ng Personality niya." Wika ni Nat.

"Ako den kase ang bait niya. Pero teka di ba may Male crush ka Nat." Wika ni Josh.

"Hah? Sino naman?" Tanong ni Nat na halatang takang taka.

"Ede si Kent!" Malaks na sigaw ni Josh habang may mukhang namumuwisit.

"Tang*na mo Josh!" Mura ni Nat na halatang busit na pero alam naman naming hindi sila mag aaway.

"Grabe ka naman sa Cute kong mukha Nat. Nga pala Shift hindi ulit ako sasabay ngayon sayo sa pag uwi dahil dadaan pa ko sa may Studio." Wika sakin ni Josh.

"Sige sige" Sagot ko naman sa kanya.

"Mukhang naka ayos naman na lahat. Tara nang umuwi dahil kakausapin ko pa sa bahay si Zac kung bakit hindi siya naka sama sa practice ngayon." Wika ni Aeron at kami nga ay umalis na.


***

5:30 Pm

Don's POV

"Ano hindi niyo po ako masusundo?" Gulat na gulat na sigaw ko sa Cellphone habang kausap ko yung Papa ko. "Sige po mag cocommute nalang po ako." wika ko pa s a Cellphone ko sabay patay dito habang nag lalakad ako papalabas ng gate ng school na halos wala nang tao dahil late na.

Habang nag lalakad ay...

*BEEP* *BEEP*

Napahinto ako ng muntik na akong masagasaan ng isang kotse.

"Ikaw, bumaba ka dyan. Hindi mo ba alam na may tao sa daan? Bulag ka ba!" Galit na galit na sigaw ko habang tinuturo ang kotse.

Agad naman bumaba ng Kotse ang driver na kinagulat ko.

"Ikaw nanaman?" Tanong ko dahil pag tingin ko ay si Kuya Shift.

"At ikaw nanaman?" wika niya sabay kamot sa ulo.

"Hindi ka ba mag so-sorry? muntik mo na ko mapatay.!" Sigaw ko pa sa kanya.

"I think you are over reacting. Di naman kita nasagasaan. Huminto ako saka iakw nga itong lakad ng lakad sa kalsada ng kotse may walking area naman." sagot naman siya sakin.

"Ganon ba katigas ang puso mo para hindi maka pag bigay ng kahit isang sorry ?" Wika ko sa kanya.

"Di ba buhay ka naman, pwede bang gumilid ka na para maka daan na ko?" Wika niya naman sakin.

"Hindi pwede, kailang....."

napahinto ako ng....

bigla..

niya..

kong...

hinalikan.

Bakit ang bilis ng Tibok ng puso ko?

Bakit ayaw ng kamay kong itulak siya palayo?

Bakit ang tamis ng labi niya?

Inalis niya ang labi niya sa labi ko.

"Halik lang pala makaka pag patahimik sayo." Wika niya sabay alis at sakay sa kotse.

Hinawakan ko ang Labi dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako maka paniwala na lalake ang First Kiss ko.

Umandar na ang kotse at bago siya umalis ay sumilip siya sa bintana sabay sabing...

"Ang tamis ng Labi mo." Wika niya sabay alis.


---KISS IS THE MOST PRECIOUS THING FOR OTHER---

AG19

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon