CHAPTER 43: Key

855 26 2
                                    




Aeron's House

8:00 Pm

Zac's POV

Sobrang Awkward ng paligid!

Mag katabi kaming Naka upo ni Aeron ngayon sa may hapag-kainan samantalang yung lalake naman kanina na Kuya yata ni Aeron ay nag gagayak ng hapunan.

Medyo matangkad yung Kuya ni Aeron kumpara sa kanya. Maputi, medyo chubby yung mukha at bagsak din ang buhok.

Sa kabilang banda, hindi kami nag papansinan ni Aeron simula pa kanina pero ano ba ang ine-expect ko? Umamin kanina si Aeron na mahal niya ko at ako 'tong binasted siya tapos na sapak pa niya ko and deep inside ay alam kong nagagalit siya pero di niya lang mailabas kase andito ang Kuya niya.

Umupo yung Kuya ni Aeron sa harap namin dala ang ulam na niluto niya sabay sabing "Kain na tayo." Wika niyo na may tonong mahinahon.

"Salamat po." Sabi ko naman sa kanya na medyo mahina dahil na hihiya ako sabay sandok ng kanin.

"Teka nga pala, ano ba name mo boi?" Wika niya.

"Ay ako po si Zachary pero Zac nalang po." Wika ko naman sabay abot ko ng kamay para makipag shake hands.

"Hi, ako naman tawagin mo nalang akong Kuya Gess dahil yun naman tawag nila sakin dito. Bali 2nd year Accountancy Student ako." Wika niya sabay kuha ng kamay ko at Shake Hands.

"Sige po." Wika ko.

"Ikaw naman Bunso Kumain ka na." Pag pilit ni Kuya Gess na kumain si Aeron.

"Ayoko nga! Bat ka pa nag luto, para kang masarap mag luto e mas bulok ka pa sakin sa kusina." Wika ni Aeron kay Kuya Gess na ay tonong nang aasar.

"Hay nako Aeron, masarap na ko mag luto ngayon! Natututo ko dahil sa kasama ko sa Apartment sa college na Chief." Pag papaliwanag naman ni Kuya Gess.

"We! Pag di ito masarap di na ko kakain ulit ng kahit anong luto mo." Pang aasar pa ni Aeron na halatang Close silang mag kapatid.

"Edi wag! Panget ka talaga! Saka kung ayaw mo akin nalang tong lahat. Minsan na nga kang ako uuwi aawayin mo pa ko!" Bawing pang aasar ni Kuya Gess.

"Edi sayo! Pano ka ba naka uwi e friday palang ngayon." Wika pa ni Aeron.

"Bigla kaseng walang pasok ngayong friday sa school ko dahil may Activity pero baka bumalik din ako don sa linggo or Lunes ng umaga." Wika ni Kuya Gess.

"Umaga ng Lunes? Martes ka na bumalik don para mapanood mo yung Pageant na inorganize ko." Wika ni Aeron na medyo nakapag paalaa sakin na malapit na nga pala yung Pageant.

"Hindi pwede dahil may pasok ako ng monday ng Tanghali." Sagot naman ni Kuya Gess.

"Sabagay okay lang din para hindi makita ng mga tao kung gaano kapanget kapatid ko." Pang aasar ni Aeron.

"Heh!" Wika ni Kuya Gess. "Maiba nga ako, Naku-kwento ka na sakin ni Tita Pitchy dahil titira ka daw dito sa bahay, kamusta naman yung environment?" Tanong sakin ni Kuya Gess.

"Okay naman po. Mababait naman po yung mga tao saka po maganda po yung school." Wika ko naman.

"School? San ka ba nag aaral?" Tanong pa niya.

"STEM student po ako sa Dreamline Academy." Wika ko.

"Ah dun din ako dati nag aral nung High School, kaklase mo ba itong si Bunso?" Tanong ni kuya Gess na alam kong si Aeron ang tinutukoy at hindi ko alam ang sasabihin dahil nga ganto ang nangyari sakin ni Aeron.

"Opo." Maikling sagot ko nalang.

"Talaga? Mabait ka ba Aeron sa kanya?" Tanong pa ni Kuya Gess.

Kuya naman, wag ka nang mag tanong please.

"Oo masarap." Biglang wika ni Aeron na hindi ko alam ang ibig sabihin.

"Ano?" Tanong ni Kuya Gess.

"Sabi ko masarap yung luto mo." Wika ni Aeron.

"Talaga? May lagnat ka ba? Ngayon mo lang ata ki-nompliment ang luto ko sa ilang taon nating pagiging mag kapatid." Wika ni Kuya Gess.

"Pano ngayon lang naman talaga sumarap." Pang aasar ni Aeron.

"Sa sobrang sarap nga ata ng luto ko iiyak ka na e, na mumula yang mata mo." Wika ni Kuya Gess na naka pag pahinto sakin sa pag kain dahil kaya na mumula yung mata ni Aeron ay dahil umiyak siya kanina.

"Napuwing lang ako." Sagot ni Aeron na medyo seryoso.

"Pag pala na pupuwing ngayon dalawang mata yung na mumula." Pang aasar din ni Kuya Gess.

"Oo Panget." Sagit ni Aeron.

"Ikaw naman Zac." Biglang wika sakin ni Kuya Gess.

"Bakit po Kuya?" Tanong ko.

"Napansin ko kase na medyo mapula yang isang pisngi mo, nasuntok ba yan?" Tanong ni Kuya Gess na naka pag pakaba sakin at nakapag pasamid kay Aeron.

"Tubig! Tubig!" Wika ni Aeron habang hindi na ata maka hinga.

Kukuha sana ko ng tubig pero Agad agad namang tumayo si Kuya Gess at nag madaling kumuha ng tubig at binigay kay Aeron.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Kuya Gess kay Aeron pag katapos uminom ng tubig.

"Ahh--ahhh. Okay na ko salamat Kuya, pero una na ko sa kwarto." Pag papaalam ni Aeron.

Agad tumayo si Aeron at umakyat sa taas dahil palagay ko ay gusto muna niyang maging mapag isa at isipin yung nangyari kanina.

***

8:30 Pm

Zac's POV

Tapos na kami kumain ni Kuya Gess at tapos narin naming linisin ang mga plato. Habang umaakyat sa hagdan ay nag kwentuhan kami ni Kuya Gess.

"Mabait ba si Aeron sayo?" Tanong ni Kuya Gess sakin.

"Opo." Sagot ka naman.

"Kung minsan magulo yan at mapang asar, hayaan mo nalang dahil ngayon nalang ganyan yan noon hinde." Wika niya na medyo napa isip ako.

"Bakit po?" Tanong ko dahil di ba dapat pag bata magulo?

"Bakit ngayon nalang? Ewan. Basta noon medyo tahimik yan na iyakin at yung lagi kong napapasin noon sakanya ay napaka pure hearted niya yung tipong pati mga puso at aso sa kalye gusto iuwi." Wika ni Kuya at hindi namin namalayan na andito na kami sa harap ng kwarto ni Aeron.

"Medyo parang hindi nga po siya yon dahil ngayon maingay na mapang asar na po siya." Wika ko.

"Oo. Nga pala pwede ko ba makuha Nunber mo incase na may kailangan ako sayo." Wika ni Kuya Gess.

Agad niyang nilabas ang phone niya at pina-type sakin ang number ko at si-nave.

"Sige po Kuya pasok na po ako sa loob." Wika ko para pumasok na sa loob ng kwarto ni Aeron kung saan ako na tutulog.

Oo medyo awkward na katabi ko siya ma tutulog pero hindi ko alam ang gagawin dahil ngayon ko lang naranasan na may umamin sakin at nay bastiden.

"Teka." Biglang wika ni Kuya Gess.

"Bakit po?" Tanong ko.

Biglang may dinukot si Kuya Gess sa bulsa niya at sa ilang saglit ay nag labas siya ng Susi.

"Eto Susi ng kwarto ko, dun ka na matulog at ako nalang tatabi sa kapatid ko." Wika ni Kiya Gess

---IT'S HARD TO FORGET---

AG19

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon