CHAPTER 48: Untold Story (Aeron)

801 30 2
                                    




Gess' Apartment

9:00 Pm

Gess' POV

"Kanino po?" Tanong ni Zac.

Tinawagan ko si Zac ngayong gabi dahil naiwan ko yung isa kong sapatos sa kwarto ko na tinutulugan niya.

"Sakin. Bali binigay ko yon kay Rim after niyang maaksidente nung bata siya. Nung bata kase kami mga 7 years ago, kasal ni Tita Pitchy. Nag ta-travel na kami papauwi nang maaksidente kami, okay ang lahat but si Rim yung medyo tumama ang ulo. Dahil sa aksidente ay nag ka Acute Stress Disorder siya na nag cause nang Mild Amnesia niya. Madami naman siyang na aalala kaso medyo yung ibang memories niya nag buhol buhol." Sagot ko na parang naka pag pahinto kay Zac.

"Zac? Hello?" Wika ko dahil hindi nag sasalita si Zac.

"Hello Kuya." Wika naman niya.

"Nga pala alam ko na kung bakit pamilyar yung pangalan mo." Wika ko.

"Bakit po?" Tanong niya.

"Naaalala ko, bago kami maaksidente, kinukwento ni Rim na may nag bigay sa kanya ng Puting Rose at kapangalan mo, Zac den pangalan. Yun yung dahilan kung bakit parang narinig ko na pangalan mo noon. Pero siguro coincidence lang ang lahat." Wika ko naman.

"Hello Zac? Sige mukhang busy kayo dyan. Mamaya nalang." Pag papaalam ko dahil na alala kong ngayon nga pala ang pageant at baka busy silang lahat.

Pinatay ko naman ang tawag agad.

Andito ko ngayon sa apartment ko at wala yung kasama ko dahil may group study daw. Merong ambon dito ngayon at kasarap mag kape habang tumititig sa bintana.

Sarap ding balikan ng mga alaala noon.

7 YEARS AGO

Young Gess' POV

Sobrang daming tao sa simbahan, ang gaganda ng suot ng lahat at hindi ko maalis ang mga tingin ko sa mga puting Rosas na naka lagay sa buong Simbahan.

"Anak isuot mo na yung Bow Tie mo. Malapit na mag simula yung kasal." Wika sakin ni Mama.

Asa bandang bukana kami ng simbahan kasama ko si Mama samantalang si Papa ay nag hahanap ng paparadahan ng kotse kasama yung bunso kong kapatid na si Rim.

"Ma ayoko! Kainit kaya. Saka gusto ko mag laro ng Text at Pogs sa labas." Wika ko kay Mama dahil ayoko talaga manood, nakaka bored kaya.

"Nako Gesner Roi umayos ka nga! Ikaw yung Ring Bearer tapos ganyan ka. Bukas ka na may Text at Pogs." Pag se-sermon sakin ni Mama.

Syempre ako tong batang takot sa palo ng hanger, sumunod nalang at sinuot ang Bow Tie na pinapasuot ni Mama.

Maya maya ay dumating si Rim na tahimik, parang takot sa tao at walang pakealam sa mundo tulad ng lagi niyang ginagawa pero syempre kahit ganon, andito kong kapatid niya na mahal na mahal siya.

"Bunso, ang pogi mo dyan sa suot mong polo Shirt na Blue." Pag bati ko sa suot na damit ni Rim.

"Salamat Kuya." Respond naman niya na may tonong mahina.

"Bunso asan si Papa mo?" Tanong ni Mama kay Rim.

"May kausap po sa parking pero susunod na din daw po agad." Sagot naman ni Rim.

"Sige, mauna na tayo sa loob." Wika samin ni mama at mag lalakad na sana ko papasok pero napansin kong hindi sumusunod si Rim at bigla itong nag salita.

MY OXYGEN 🍃 (bl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon